First Encounter: Three years ago
HOW DID they meet?
Nasa isang strip club para sa mga matrona at mga bakla si Erica para sa isang misyon: ang maghanap ng macho dancer para sa kaibigang si Penelope na malapit nang ikasal. Naisipan ng barkada nila na bigyan ito ng bridal shower. Ano pa ba ang nagpapasaya sa ganoong mga okasyon kundi mga lalaking gumigiling-giling at naghuhubad, 'di ba?
Ang pagre-research at recommendations ng mga kakilala ang nagdala sa kanya sa lugar na iyon na mukhang beer house. Ayon sa mga ito, ang club na iyon ay ang may pinakamalilinis at pinaka-safe na mga male stripper. Siyempre, hindi naman basta-bastang macho dancer lang na naghuhubad ang kukunin niya para sa bride-to-be at mga female guest ng bridal shower na siya mismo ang nag-o-organize.
Kanina pa niya napapansin na panay matatandang babae o hindi kaya mga bading ang naroon habang pinapanood gumiling ang mga macho dancer sa stage. Ang iba, pansin at ramdam niyang binibigyan siya ng nagtatakang tingin. Curious siguro ang mga ito kung ano ang ginagawa ng tulad niyang dalaga na nasa mid-twenties pa lang at may hitsura naman sa ganoong klase ng lugar. Dahil sanay naman sa atensiyon, hindi siya nailang.
Isa pa, naka-focus si Erica sa "possible candidate" na kanina pa niya pinagmamasdan.
Erica had her eyes on the massive guy who looked too good to be a server, but apparently, he was exactly what she needed. When she said massive, she meant six feet of muscles-in-all-the-right-places. Bulging biceps, strong-looking legs, broad shoulders, wide expanse of chest, but taut hips. While she may not see it at the moment, she was pretty sure he had a washboard stomach to boost. But adorably, the face that came with the gorgeous body was boyishly handsome. He was probably in his early twenties.
Gusto sana niyang sawayin ang sarili dahil pinagnanasaan niya ang lalaki na halata namang mas bata sa kanya nang ilang taon. Idagdag pa na may boyfriend siya. Granted na "off" na naman sila ngayon, pero meron pa rin. Kaya lang, wala rin namang masama kung ma-appreciate niya ang mga ganitong ka-sexy na lalaki. Wala naman siyang ginagawang masama.
Well, wala pa.
Kinagat ni Erica ang ibabang labi nang maglakad palapit ang "target" niya. Mukhang sinuwerte siya nang gabing iyon dahil ang lalaki pala ang naka-assign na server sa kanyang mesa. Tumango-tango siya. Aprubado ang paraan nito ng paglalakad—puno ng kumpiyansa at sexy na sexy.
Ngumiti ang sexy na server. "Magandang gabi, Ma'am. O-order na po kayo?"
Tumango si Erica. "Oo."
Inabot sa kanya ng lalaki ang menu. Mula sa likod ng pantalon ay dinukot nito ang notepad at ball pen, naghahanda na sa pag-order niya.
Sasabihin na sana ni Erica ang talagang pakay, pero natigilan nang mapansing titig na titig ito sa kanyang dibdib. Puno ng pagnanasa ang mga mata nito at sunod-sunod na lumunok na parang pinipigilan ang sarili sa kung anumang naiisip sa kanya nang mga sandaling 'yon.
Alam niyang dapat siyang mabastusan, pero hindi iyon ang kanyang nararamdaman. 36C ang sukat ng kanyang dibdib kaya hindi iyon ang unang pagkakataon na may tumingin sa boobs niya nang ganoon kalaswa. In fact, bihira lang siyang makakilala ng lalaki na sa mukha niya titingin kapag kausap siya. Well, halata naman kung bakit.
Nang gabing iyon ay nakasimpleng V-necked shirt lang siya sa ilalim ng oversized jacket at maong shorts. Disente naman ang neckline ng kanyang damit pero kapag suot na niya, lumalalim na lang iyon dahil sa malulusog niyang dibdib.
Tumikhim si Erica para kunin ang atensiyon ng lalaki na mabilis namang nag-angat ng tingin sa kanyang mukha. Namula ang mga pisngi nito nang ma-realize siguro na nahuli niyang nakatitig sa kanyang boobs. Pinigilan niya ang mapangiti. Mahirap ngang gawin iyon kasi ang cute-cute ng lalaki. "Puwede na ba 'kong um-order?"
Mabilis na tumango ang lalaki, dinilaan pa ang ibabang labi na parang biglang nanuyo ang lalamunan dahil sa pagtitig sa kanyang dibdib. "Sige po, Ma'am. Ano po ba ang order n'yo?"
Ngumiti si Erica. "Ikaw."
"Ma'am?"
"Ikaw ang gusto kong order-in," sagot niya. Hindi siya nakikipag-flirt. Ganoon lang ang itinuro sa kanya ng baklang kaibigan na paraan daw ng "pag-order" sa mga lalaki sa club na iyon. Itinuturing kasing "secret service" ng mga waiter ang pagsa-sideline bilang male stripper kaya may "code" pang kailangang gamitin.
Noong una ay halatang nabigla ang lalaki. Pero nang makabawi ay ngumisi ito. Ah, mukha ngang sanay na ito sa ganoong gawain. "Ako si Josh, Ma'am."
"Just call me 'Erica,'" nakangiting sabi naman niya.
Pag-alis ni Erica ng strip club, kasama na niya si Josh. Pinasakay niya ito sa kotse dahil gusto niyang sa mas tahimik at mas komportableng lugar sila mag-usap tungkol sa "business" nila.
Ipapaliwanag pa lang sana niya kay Josh kung saan sila pupunta, pero natigilan siya nang pagharap niya sa binata ay bigla siya nitong kinabig sa batok gamit ang isang kamay at siniil ng mariing halik sa mga labi. Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi kaagad nakakilos sa pagkabigla.
Pero nang pisilin ni Josh ang kanyang kanang dibdib ay napasinghap si Erica. Dahil sa pagbuka ng mga labi niya, nagkaroon ang binata ng pagkakataong ipasok ang dila nito sa loob ng kanyang bibig. Ang bilis "umatake" ng lalaking ito.
Habang sinasakop ni Josh ang kanyang bibig sa mainit at masarap na paraan, pinipisil naman ng isang kamay nito ang kanang dibdib niya. Mukhang enjoy na enjoy ang lalaki dahil umuungol pa ito sa pagitan ng mga halik.
Nakaramdam na rin si Erica ng pag-iinit ng katawan dahil sa nahihimigang sarap sa boses ni Josh, lalo na't kung ano-anong masasarap na sensasyon ang pinaparamdam nito sa kanya sa pamamagitan ng malilikot na mga kamay. Kaya hinalikan na rin niya ang lalaki. Nang oras pa lang na magsalubong ang mga dila nila, napaungol na siya. Namalayan na lang niya na nakapalupot na ang kanyang mga braso sa mga balikat nito.
And God, when her breasts collided with his hard chest, she got wet. She was reduced to jelly when she melted to mold herself into his strong and warm body. He was huge, he seemed like a wall, but she loved it.
Aaminin ni Erica na nang mga sandaling iyon ay nawala siya sa sarili. Dalawang taon na ang lumipas mula nang umalis si Jeff dahil nakatanggap ito ng job offer mula sa isang malaking architectural firm sa New York. Dahil mahirap i-maintain ang long-distance relationship, lalo na't pareho silang busy sa kanya-kanyang career, parati silang nag-aaway. Sa Skype na nga lang sila nagkakausap at nagkikita, nagagawa pa nilang maghiwalay nang paulit-ulit. Nagkakabalikan din naman sila, pero parang kasama na sa routine nila ang breakup.
Sa gabing iyon, "off" ang relationship status nila ni Jeff. Actually, dalawang linggo na silang hindi nag-uusap kaya siguro nakakaramdam na siya ng lungkot at matinding pangangailangan ng atensiyon ng isang lalaki. Kaya siguro bumigay agad siya ngayon.
Plus, Jeff isn't as huge and as hard as Josh is.
Her boyfriend (sort of ex now) was on the lean type, unlike this beefy hunk she was making out with. To be honest, it was her first time to be kissed by a guy as large as Josh, but she loved the way he devoured her mouth while she was pressed nicely against his hard and massive body.
Naramdaman ni Erica ang paghimas at pagpisil ng malaki at magaspang na kamay ni Josh sa hita niya pagkatapos pagsawaan ang kanyang dibdib. His hand was now on her inner thigh, his thumb creeping upwards until it slid under the hem of her shorts and rubbed the edges of her panties. When his fingers touched her lightly, she instantly snapped out of whatever spell she was caught with.
Pinutol niya ang halik at marahang itinulak ang lalaki. Halatang nagulat ito sa kanyang ginawa at binigyan siya ng nagtatakang tingin.
"Hindi kita inilabas ng club para sa ganito, Josh," mabilis na paliwanag ni Erica sa kinakapos pang boses dahil sa katatapos lang na mainit nilang halikan. Pakiramdam nga niya ay namumula pa ang kanyang mga pisngi dahil hanggang ngayon, nag-iinit pa rin ang buong katawan niya, lalo na ang kanyang mukha. "Para sa ibang tao ang ipapagawa ko sa 'yong trabaho."
Halatang nadismaya si Josh. Dumaan din ang pagkapahiya sa mukha nito habang hinihimas-himas pa ang batok. "Sorry, Ma'am Erica. Hindi ko alam na hindi pala ito ang dahilan kung bakit mo 'ko inilabas ngayong gabi. Pasensiya na kung nabastos kita."
Marahang umiling si Erica, pilit na pinapakalma ang sarili kaya hindi na siya nagkomento. Josh acting in a very boyish way was both hot and cute, and her panties were more soaked now. Kakalimutan na niya ang pagdadala sa lalaki sa isang tahimik na lugar para makapag-usap dahil baka kung saan siya dalhin ng pagnanasang nararamdaman. Kailangan na niyang umuwi at hubarin ang basang-basa niyang undies. "Ino-organize ko ang bridal shower ng kaibigan ko so kailangan ko ng male stripper sa party. I think you suit the job. Kung tatanggapin mo ang offer ko, puwede na nating pag-usapan ang tungkol sa bayad mo at magpalitan na rin tayo ng contact info para mas mapadali ang susunod nating transaction. Okay ba 'yon?"
Binigyan siya ni Josh ng hindi makapaniwalang tingin. "Magsasayaw lang ako sa party ng kaibigan mo, Ma'am?"
Tumango si Erica. "Don't worry, it's a decent party. Kailangan lang talaga namin ng male stripper para mapasaya ang mga single female guests. I assure you, walang hahawak sa 'yo kung hindi ka komportable sa gano'n."
Mabilis na umiling si Josh at gumuhit ang magandang ngiti sa mga labi. Lalo palang bumabata ang guwapo nitong mukha kapag masaya. Sa pagkagulat niya, niyakap siya ng lalaki nang mahigpit. "Salamat, Ma'am!"
Bago pa makakurap si Erica ay kumalas na si Josh sa pagyakap sa kanya. Siya naman ang nagbigay ng nagtatakang tingin dito. "Bakit parang ang saya-saya mo?"
Ngumisi si Josh, halatang nahihiya pa rin. "Akala ko kasi, babayaran mo 'ko para sipingan ang tiyahin o nanay mo o kung sinong matrona gaya ng ibang mga customer na naglalabas sa 'kin sa club. Sa totoo lang, nakakadiri na rin ang tumira ng matatandang babae gabi-gabi kaya natutuwa ako na sa pagkakataong 'to, kailangan ko lang gumiling."
Napatanga si Erica. Hindi niya alam kung dahil sa "makulay" na pananalita ni Josh, o dahil sa pagbabahagi nito ng mga ginagawa sa trabaho. "You're not just a stripper, are you?"
Tumango si Josh, nag-iwas ng tingin. "Dagdag service kapag may kasamang s*x. Ano... kasi... kapag mahina ang bar, tumatambay ako d'yan sa kabilang kalye. Call boy rin kasi ako."
Naiintindihan na ngayon ni Erica kung bakit inisip ni Josh kanina na s*x ang dahilan kung bakit niya ito inilabas ng club. So she just made out with a call boy.
"Malinis ako," biglang sabi ni Josh na para bang nababasa ang nasa isip niya base lang sa kanyang pananahimik. "Huwag kang mag-alala. 'Yong mayamang matrona na regular customer ko, parati niya 'kong pinapa-check up para masigurong wala akong nakakadiring sakit na puwede niyang makuha kapag may nangyayari sa 'min. Kaya safe ka kahit nahalikan kita kanina. Sorry pala uli sa nangyari."
Napahiya si Erica. Lalo siyang na-guilty nang makita ang sakit at pagkapahiya sa mga mata ni Josh. Doon niya na-realize na siguro, maging ito ay nandidiri sa sarili at sa trabaho nito. "I'm sorry, Josh." Nang tumango lang ang lalaki, nagpatuloy siya. "Bakit mo 'to ginagawa? I mean, bata ka pa naman. Marami ka pang mahahanap na ibang mas maayos na trabaho."
"Nag-aaral kasi ako," sagot ni Josh na parang nahihiya pa. "Graduating student na 'ko ng college. Eh 'yong kapatid kong babae, first year college naman. Kailangan ko 'tong trabaho na 'to dahil bukod sa panggabi naman 'to, mas mabilis ding kumita rito. Mas malaki pa. Kung hindi ito ang gagawin ko, hindi ko mapagsasabay ang pag-aaral at pagtulong sa pamilya."
Kumunot ang noo ni Erica. "Bakit ikaw ang pumapasan ng responsibilidad sa pag-aaral n'yo ng kapatid mo? What do your parents do?"
"Si Natay, may diabetes na siya kaya hindi ko na rin pinagtatrabaho. Hindi na kasi puwede. Mahal pa ang maintenance ng mga gamot niya. Ayoko na ring napapagod siya. Ang tatay ko naman, tatlong taon nang patay. Kaya ako na ang nagkusang pumasan sa mga responsibilidad sa bahay."
Pinakawalan ni Erica ang hininga na hindi niya alam na pinipigil pala niya. Wow, pang-teledrama ang buhay ni Josh. Hindi siya sanay sa ganoon dahil komportable naman ang buhay niya at ng mga taong nasa paligid niya. Bigla tuloy nawala ang lahat ng pag-iinit at makamundong bagay na kanyang iniisip. Ewan ba niya, pero magaan agad ang loob niya kay Josh.
Binuhay niya ang makita ng kotse. "Mag-coffee muna tayo."