3rd Mess

1184 Words
First Encounter: Three years ago NATAWA si Erica sa kakatili ni Penelope habang gumigiling-giling sa harap nito si Josh na tanging boxer shorts at necktie lang ang suot nang mga sandaling iyon. Maging ang ibang bisita ay nakikisabay na rin sa pagtili sa bride-to-be. Hindi naman niya masisi ang mga ito. Sa laki at tigas ng katawan ni Josh, sino ba naman kasi ang mag-aakalang ang lambot pala ng baywang nito kapag gumigiling na? Idagdag pa na dahil sa kapirasong boxers na suot, may ideya na silang lahat kung gaano ito kalaki. And God, his firm butt was so squeeze-able! Ang totoo niyan, ilang beses nang pinisil ng mga bisita ang puwitan ni Josh. Mukhang bale-wala naman iyon sa binata na ngumingiti lang at relaxed pa rin. Kompara siguro sa matatandang matrona na madalas nitong kliyente, mukhang masaya pa nga ang lalaki na panay naggagandahang dalaga ang nakapaligid at nanggigigil dito ngayon. "Girls, ilayo n'yo sa 'kin ang lalaking 'to!" patiling sabi ni Penelope habang nakapikit nang mariin. "Malapit ko na 'yang patulan! I don't think Gabe will be happy if he finds out I slept with the male stripper on my bridal shower!" Lalong natawa si Erica, pero alam niyang seryoso si Penelope kaya bago pa magkasala ang kaibigan, sa kabila ng pagtutol ng ibang mga bisita, ay hinila na niya si Josh papasok sa isa sa mga kuwarto ng condominium unit na iyon kung saan kasalukuyang ginaganap ang bridal shower. Nang isara niya ang pinto, humina rin ang musika na naririnig mula sa labas. "Nandito sa room na 'to 'yong box kung saan ka lumabas kanina," sabi ni Erica habang inila-lock ang pinto. Mahirap na, baka pasukin ni Penelope si Josh. "Nakita kong nasa loob ang mga damit at bag mo kaya 'tinago ko muna rito para makapagbihis ka bago ka umuwi." "Tapos na ang trabaho ko?" gulat na tanong ni Josh. "Oo. Napasaya mo na ang mga guests. Very satisfied kami sa trabaho mo." Pumihit si Erica paharap sa lalaki. Pinilit niyang huwag bumaba ang tingin sa katawan nito. "Dahil do'n, nag-decide kami ng mga friends ko na dagdagan ang bayad namin sa 'yo." "Hindi ko 'yan tatanggihan," nakangising sabi naman ni Josh. "Salamat, Ma'am Erica." "Just call me 'Erica.'" "Sige, Erica." Napansin ni Erica na nakatitig lang si Josh sa kanya. Unti-unti, hindi na nito naitatago ang pagnanasa sa mga mata. Sa takot na baka makaramdam na naman siya ng kakaiba sa binata, umatras siya. "Uhm, puwede ka nang magbihis. Take your time. Lalabas na muna 'ko." Pero pagpihit pa lang niya paharap sa pinto ay naramdaman na niya ang pagyakap ni Josh mula sa likuran niya. Pinigil niya ang mapaungol dahil sa totoo lang, ang sarap palang makulong sa matitigas na bisig nito. His bare skin against hers felt warm and smooth. He was so close that she could smell the mix of soap, his masculine scent, and the alcohol some of the guests made him drink earlier. And, oh, Jesus. He was growing bigger against her hip. God knew how hard she struggled to stop herself from grinding herself against his swollen c**k. Humigpit ang pagyayakap ni Josh sa kanya. Dahil komportableng nakapuwesto ang mga braso nito sa ilalim ng kanyang dibdib, naging mas sensitibo tuloy siya. Lalo na't mukhang sinasadyang gawin iyon ng binata. His thumb lightly brushed across her underboob, causing her n****e to strain against her white blouse. "Erica," bulong ni Josh, mabigat ang paghinga at halos mamaos ang boses sa tindi ng pangangailangang nahimigan niya sa tinig nito. "Puwede ba kitang paligayahin? Ah, hindi. Gusto kitang paligayahin ngayong gabi para makabawi naman ako sa tulong mo sa 'kin. Dahil sa 'yo, may pag-asa na 'kong makaalis sa trabaho ko na matagal ko nang pinandidirihan." Humugot ng malalim na hininga si Erica. Mabuti na lang talaga at nakasandal na siya sa matigas na dibdib ni Josh kundi, siguradong bumigay ang mga tuhod niya na bigla yatang nanlambot dahil sa inaalok ng binata, at dahil sa pagtawag nito sa pangalan niya na puno ng sensuwalidad. Nag-init bigla ang kanyang buong katawan at ramdam niya, nagbabanta na namang mabasa ang panties niya dahil sa lalaking ito. Hindi puwedeng mangyari kung ano man ang gusto ng binata. At ng puson niya. "Josh, hindi mo kailangang bumawi sa 'kin sa gano'ng paraan dahil hindi naman tulong 'yong mga 'binigay ko sa 'yo. Trabaho ang mga 'yon." "Na mas disente at mas maayos kaysa sa meron ako ngayon," katwiran ni Josh, saka pinaraan ang ilong at mga labi sa pagitan ng kanyang leeg at balikat habang ikinikiskis ang matigas nitong p*********i sa kanyang balakang. Bahagya nitong inilayo ang sarili at inalis ang isang brasong nakapalupot sa katawan niya. "Isang gabi lang, Erica." Erica bit her tongue to stop herself from moaning when Josh lifted the hem of her skirt and began rubbing the tip of his swollen c**k against the crack of her butt cheeks with only her lacey panties acting as a barrier. "Josh, stop. I'm not sleeping with you, okay?" Tumaas nang bahagya ang boses niya hindi dahil nagagalit siya. Well, naiinis siya. Pero hindi dahil sa ginagawa ng binata kundi dahil sa nararamdamang pagkasabik sa ginagawa nito sa kanyang katawan. At hindi niya iyon malabanan kaya pinagtakpan na lang niya ng iritasyon. Mabilis siyang pinakawalan ni Josh. Narinig at naramdaman pa niyang umatras ito palayo sa kanya. "Sorry. Nakalimutan ko kung saan ako dapat lumugar. Hindi na 'to mauulit, Ma'am Erica." Pumihit si Erica paharap kay Josh. Nanikip ang dibdib niya nang makita ang sakit at pagkapahiya sa mukha nito. "Josh—" "Gets ko na," sansala ni Josh sa mga sasabihin sana niya. "Nandidiri ka sa 'kin kasi call boy ako at pumapatol sa mga matrona. Nag-assume lang naman ako na gusto mo rin ako kasi nakikita at nararamdaman ko naman 'yon 'pag magkasama tayo. Pero mukhang mali ako. Sorry, mali pala ang pagkakabasa ko sa mga ikinikilos mo." Bumuntong-hininga si Erica habang iiling-iling. Hindi niya maitanggi ang mga sinabi ni Josh, pero hindi niya rin puwedeng aminin. Kaya ipinaliwanag na lang niya ang sitwasyon sa pinakamadaling paraan. "Josh, nagkabalikan na kami ng boyfriend ko." Halatang nagulat si Josh sa ipinagtapat niya. Pagkatapos, namula ang mukha nito sa pagkapahiya. Sinabunutan pa nga ng lalaki ang sarili. "Ang tanga ko! Sorry! Akala ko, hindi na kayo magkakabalikan kasi no'ng nagkuwentuhan tayo, sabi mo, nasa Amerika siya." "Nando'n pa rin siya," sagot naman ni Erica. "Pero nag-decide kami na kakayanin namin ang LDR kahit mahirap. So I'm sorry, Josh. Hindi ko matatanggap ang offer mo. Isa pa, marami pa namang ibang paraan para makabawi ka sa 'kin, kung mapilit ka talagang bumawi." Humugot ng malalim na hininga si Josh. Mukha namang kumalma na ito. Binigyan pa siya ng nahihiyang ngiti ng lalaki. "Sorry uli, Erica. Sige, sa ibang paraan na lang ako babawi sa 'yo." Inilibot ng lalaki ang tingin sa buong kuwarto hanggang sa mapako ang tingin sa pinto ng banyo. "Puwede ba 'kong makigamit ng banyo?" "Oo naman." Tumango si Josh, saka naglakad papuntang banyo. "Sige, salamat. Magja-jakol lang muna 'ko. Binitin mo 'ko, eh." "Joselito Duran!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD