TAHIMIK SI Edna na nasa passenger seats. Papunta sila ngayon sa CLA, pero bags pumunta sa kompanya ay uuwi muna ang amo niya para maligo at magbihis ng damit. Nakasimangot si Edna, puwede naman siyang mag-commute papasok sa trabaho. Makulit talaga ang amo niya na ipipilit ang gusto. Masunod lang siya. "We are just going to my house. Pero ang mukha mo para tayong sasabak sa giyera. Ngumiti ka naman, Edna." Basag ni Peter sa katahimikan ni Edna. "Bakit po kasi kasama niyo pa ako umuwi sa bahay mo? Puwede naman pong kayo na lamang." "Why don't you just follow what I am saying, Edna?" hindi magawang magalit ni Peter sa dalaga dahil ayaw niyang masira ang magandang araw niya. Humalukipkip si Edna na bumaling ng tingin sa labas. Sinulyapan ni Peter ang dalaga saka napangiti siya nang wala s

