NATULUYAN NA 'di nakaumuwi ng bahay, ang binatang si Peter. Nahihiya si Edna na sobrang nalasing ang binata na hindi nito kayang magdrive pauwi. Nagkayaan ang binata at ang Tiyang Roma niya na uminom ng gin. Mahina pala sa gin ang binata. Palibhasa puro mamahaling alak ang nasasayaran ng lalamunan nito. Ang himbing ng tulog nito at walang kamalay malay na kanina pa ni Edna pinagsasawa ang mata na titigan ang guwapong mukha ni Peter. Napangiti ang dalaga. Nilatagan nila nang Tiyang Roma niya ng banig ang binata sa sala. Nakakatawang isipin na natutulog ang CEO ng CLA sa banig at sa squatter's area. Nahuhulog na naman ang puso niya sa binata. Pilit na nga niyang inaalis sa puso niya ang nararamdaman para kay Peter. Pero nanaig ng puso ang isip. "Alam mo ba, ang guwapo mo? Pero naiinis ako

