Chapter 28

2023 Words

"EDNA, MAY bisita ka. Labasin mo si Peter sa sala. Bibili lang ako ng meryenda," tawag ni Roma sa pamangkin. Kakamot kamot si Edna ng ulo n'ya. "Tiyang, puwede bang pakisabi na 'di ako puwedeng lumabas? Kahit ano po ang idahilan n'yo." Napabuntong-hininga si Roma. "Tinuruan mo pa akong magsinungaling, Edna. Bumangon ka na at puntahan mo si Peter. Nakakahiya r'on sa tao, nag aalala sa 'yo. Nalaman niyang maysakit ka kaya sumugod s'ya sa bahay para makita ang kondisyon mo." Napasimangot si Edna. Tila hindi na n'ya matatakasan ang binatang amo. Kaya nga hindi s'ya pumasok para iwasan ito tapos pupunta sa bahay nila para magpakita ng concern sa kanya. "Sige po, magbibihis lang po ako." Napangiti si Roma habang mataman na tinitingnan si Edna. "Dalaga ka na talaga. Parang kailan lang noon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD