Chapter 5

2057 Words
NAPILITAN si Edna na ibigay ang address nang tinitirhan ng Tiyang Roma. Walang nagawa ang mga pagtanggi niya sa makulit at mapilit na kaibigan ng amo niya. Nagtataka nga siya kung bakit pa ito sumama sa kanya. Pagkahinto ng sasakyan ni Peter ay mabilis na tinanggal ni Edna ang seatbelt na nakakabit sa kanya. Dahil sa hindi marunong ay hindi niya matanggal ang seatbelt. Napasigaw siya sa sobrang frustration. Uunahan sana niya si Peter sa paglabas ng sasakyan. Ngunit hindi umaayon ang pagkakataon sa kanya. Na-stuck siya sa kinauupuan. Napabuga na lamang ng hangin si Edna. Saka walang ganang bumaling ng tingin kay Peter. "Do you need my help, munchin?" tila tuwang tuwa pa si Peter nang lingunin niya ito. Iiling iling si Edna ng ulo niya. Tumawa ng mahina si Peter at nag-cross arms. Prenteng nakaupo na hinihintay magsabi ang dalaga na magsabi sa kanya. Muling hinanap ni Edna ang lock ng seatbelt. Nang hindi makita ay hiinila hila niya 'yon. Hindi pa rin natanggal. Napabuga ng hangin si Edna. Saka pagod na nilingon si Peter sa driver seat. Kumurap kurap si Peter ng kanyang mata habang ang ganda ng ngiti sa dalaga. "Hmm..." Peter hmm. "Do you need my help, munchin? I am willing to help you, my munchin. Just say it," ani Peter na nang-iinis pa. Matalim na tumitig ang dalaga kay Peter. "Okay! Okay!" Bulalas ni Edna na sumuko. "Hindi ako marunong magkalas ng seatbelt." "Say please, munchin." Napairap si Edna. Masyadong demanding ni Peter. Tatanggalin lang ang seatbelt, ang dami pang sinasabi. "Pakitanggal ang seatbelt, please...." "It's my pleasure, munchin." Nang-hahaba ang nguso ni Edna na inirapan si Peter. Napaatras siya ng makitang mabilis na lumalapit sa kanya si Peter. Nanlalaki ang mga mata niya ng maramdaman ang kamay nito sa kanyang braso. Mabining humaplos ito doon pababa tapos ay paakyat sa balikat niya. Nangilabot ang buong katawan ni Edna. Gusto niyang magprotesta. Pero parang walang lumabas sa bibig niyang pagtutol. Dumukwang si Peter at halos yakapin na siya ng binata. Hindi naman magkamayaw ang malakas na pintig ng puso niya. Pakiramdam niya galing siya sa pagtakbo ng isang metro. Kaya ramdam niya ang pangangapos ng kanyang hininga. "Done," masaya pang untag ni Peter. Itinulak niya si Peter na ang kamay ay nasa likuran pa din niya. "Masakit 'yon! Hindi pa nga tayo nanakit ka na. Ganyan ka ba magpasalamat, munchin? Karinyo brutal?" Masamang tingin ang ipinukol ni Edna kay Peter. "Naiirita na talaga ako sa katatawag mo sa akin ng munchin! At saka bakit hindi kita itutulak? Hindi mo tinatanggal ang kamay mo sa likod ko!" singhal ni Edna. Agad na binuksan ni Edna ang pinto. Pero mabilis ang kamay ni Peter na nailock agad ang pinto. Humarap si Edna kay Peter. May ngisi pa itong nakakaloko habang ipinapakita ang remote ng kotse." Pakibukas ng pinto!" tiim bagang sigaw ni Edna. "Say please...," nang-aasar na sabi ni Peter "Please," at inilapit ang mukha niya kay Peter. Nabigla si Peter sa ginawa ni Edna. Siya ngayon ang nagulat na napatulala sa dalaga. "Umalis ka nga! Ang laki mong harang!" taboy na sigaw ni Peter. Napasinghap si Edna at mabilis na lumabas ng kotse ni Peter. Napahawak si Peter sa kanyang dibdib. Naging abnormal ang t***k ng puso niya. Malamig naman sa loob ng kotse niya. Pero biglang pinagpawisan ang kanyang noo. Nang makahuma ay kaagad na lumabas si Peter ng kanyang sasakyan. Pinindot ang automatic lock ng remote. Saka nagmamadaling sinundan si Edna na naglalakad sa eskinita. Walang kamalay malay si Edna na nakasunod si Peter sa kanya. Binabati siya ng mga nakakasalubong niyang mga kapitbahay. Todo ngiti naman siyang gumaganti ng bati sa mga ito. "Lahat ba ay kailangang ngitian at batiin?" sabi ng baritonong boses sa likuran ni Edna. Mabilis na nilingon ni Edna iyon. Masyadong pakialamerl ang dating ng binata. "Bakit nakasunod ka pa rin? Akala ko umalis ka na," sitang tanong ni Edna kay Peter. "I told you kanina na dapat kasama mo ako. Nakalimutan mo na kaagad. Do you want me to repeat what I said before?" maawtoridad na tanong ni Peter. Lumabas ang pagkabossy nito. Iniripan lang ito ni Edna at muling lumakad papasok sa eskinita. Kung saan ang barong barong na tirahan nila ng Tiyang Roma niya. Kahit anong pambabara at pagtataboy kay Peter ay hindi siya mananalo dito. "Edna, wala ba tayong pang-abuloy diyan," buska ng kapitbahay nilang tambay sa tindahan. Maaga pa ay nag-iinuman kaagad ang mga ito. "Mang Gardo, buhay ka pa. Kapag patay ka na, bibigyan kita. Huwag kang mag-alala," walang pakialam na sagot ni Edna. Napakamot naman ng kanyang ulo ang tambay sa sinabi niya. Mabilis na dumukot si Peter sa kanyang wallet at kumuha ng isang libo. Inabot niya ito sa tambay na si Gardo. "Ito po para hindi na po kayo manghingi," galanteng bigay ni Peter ng pera. Nanlalaki ang mga mata ni Gardo sa kulay asul na pera. "Wow! Marami-raming gin din ito. Aling Ising, pabili nga ng tatlong gin, " pagkaabot ay agad nitong na ibinili ang pera sa tindahan. Napailing ng ulo si Edna. "Bakit binigyan mo? Mamimihasa si Mang Gardo niyan. Baka kada daan ko dito manghihingi 'yon sa akin. Alam mong maliit lang ang kinikita ko bilang katulong," sita ni Edna kay Peter. "Don't worry. Hindi naman ikaw ang hihingian. Kasama mo akong palaging pupunta rito. Nakalimutan mo na naman," sambit ni Peter at kumindat pa. Kumurap kurap ng kanyang mata si Edna. Saka inihilig ang ulo niya. "Edna!" malakas na tawag ni Roma sa pamangkin. Napaigtad si Edna sa malakas na sigaw ng kanyang tiyang. "Tiyang?" nagtatakang sambit ni Edna. "Andito ka ns pala. Bakit hindi ka nagpasundo sa akin? " malumanay ang tono ng boses ng Tiyang Roma na ipinagtaka ni Edna. "Ah, tiyang kasi po hindi po talaga ako lalabas ngayon. Gusto ko lang po kasi sana kayong dalawin dito sa bahay," pagrarason ni Edna. Napansin ni Roma ang binatang kasama ng pamangkin. Sa suot nito ay parang yayamanin. "Sino itong kasama mo?" turo ni Roma kay Peter na nasa likuran na ni Edna. "Tiyang, kaibigan po ng amo ko." Nilapitan ni Roma si Peter at sinipat ito. Hinagod ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Saka lumapit kay Edna. "Mukhang big time. 'Yong kasama mo, Edna. Balatuhan mo ako, ha. Huwag mong kakalimutan ang tiyang mong nag alaga sa 'yo," mahinang bulong ni Roma sa pamangkin. "Ah, e, tiyang mali po kayo nang ina--" hindi na natapos ni Edna ang sasabihin nang makita ang Tiyang Roma niya na niyakag si Peter papasok sa loob ng kanilang bahay. Inis na sumunod si Edna sa kanyang Tiyang Roma at Peter. Nadatnan niyang prenteng nakaupo si Peter sa upuan. Nakadekwatro pa ang paa at nakatutok ang electric fan. "Wow! Parang hari lang talaga," inis na pagpaparinig ni Edna. "Tiyang Roma," tawag ni Peter sa tiyahin ni Edna. Nagmamadali naman na lumalapit ito kay Peter naay dalang tasa ng kape. Inilapag muna niya ito sa gilid maliit na mesa. "Tinatawag mo ako, Peter?" malumanay na tanong ni Tiyang Roma. Nalaglag ang panga ni Edna. Sa klase ng tono ng boses ng Tiyang Roma niya ay para itong anghel. Anghel na ibinagsak sa lupa. "Ipapaalam ko po sana si Edna. Lalabas po kami ngayon. Yayain ko po sana siyang kumain sa labas." Tama ba ang dinig ni Edna? Niyaya siyang sa kumain sa labas ni Peter? "Aba'y okay lang. Alam mo naman na botong boto ako sa 'yo. Kahit huwag mo ng iuwi si Edna. Okay lang," malawak ang ngiting sagot ni Roma. Agad niyang nilapitan ni Roma ang pamangkin at hinila ito papalapit kay Peter. "Ikaw na muna ang bahala kay Peter. Bibili lang ko ng almusal niyong dalawa. Bisita natin 'yan, Edna," pinandidilatan pa ni Roma ang pamangkin. Ikinataka ni Edna ang pagiging mabait ng Tiyang Roma niya. Marahil ay kay Peter. Dahil may buwisita sila ngayon sa loob ng bahay. Mataman na nakatingin si Peter kay Edna. Tinitigan ang dalagang kanina pa malalim ang iniisip. "Edna!" malakas na tawag niya dito na ikinalingon nito sa kanya. "Puwede bang pakipindot ang number 3 sa electric fan. Masyadong mainit. Bakit hindi niyo pinaayos itong bahay niyo? Tingnan mo, ang baba ng bubong. Sobrang mainit. Tapos tagni tagni ng kahoy ang mga pader. Pader pa ba 'yan? Ang bubong ang daming butas. Tumatagos ang sinag ng araw sa mga bilog bilog na mga butas." Humiga ng malalim si Edna. "Ikaw na nga ang pinatuloy. Pagkatapos lalaitin mo ang bahay namin ni tiyang. Palibhasa kasi mayaman ka. Isang pitik lang ang pagpapagawa ng malaking bahay dahil may pera. Kami mahirap lang, Mr. Peter Jon Clarkson. Kaya wala kang karapatan laitin dahil bahay namin ito! Teritoryo namin ito!" napigtad ang pagtitimpi niya. "Hey, easy. Kanina ka pa kasi tahimik. Pinapanisan na ako ng laway. Ayaw mo akong kausapin. Dahil sa sinabi ko kinausap mo ako. Halika, tabihan mo ako dito." Hindi makapaniwala si Edna sa narinig. Niyaya pa talaga siyang umupo sa tabi niya. "Hindi na. Dito na lang ako malayo sa 'yo." "Hindi ka lalapit? Gusto mong hilahin kita diyan at iupo sa tabi ko." "Hindi nga. Ayoko!" mariing tanggi ni Edna. "Don't push me my button. You will never like what I'm gonna do to you." "At ano ang gagawin mo sa akin, ha?!" singhal ni Edna. Tinawid ni Peter ang daan papalapit kay Edna. Agad niyang kinabig ang katawan ng dalaga. Papalapit sa kanya. Nginisian ni Peter si Edna. Napahawak si Edna sa dibdib niya at natulalang nakatitig sa mukha ni Peter. "Alam mo bang mas maganda ka sa malapitan" saka kumindat. Binitawan siya nito at bumalik sa pagkakaupo sa upuan. Sinusundan ng tingin ni Edna si Peter. Nakadekwatro na itong nakaupo at nakasandal ang likod sa sandalan ng upuan. "Huwag kang tumingin ng ganyan. Kapag hindi ako nakapagpigil, Edna. Mahahalikan talaga kita." Nagbabanta itong seryosong nakatingin sa kanya. Bumilis ang po tig ng puso ni Edna. Akala niya talaga hahalikan na siya ni Peter sa labi. Napakagat siya ng labi. Hindi alintanang nakatingin pa din sa kanya si Peter. "F*ck, sh*t! D*mmit!" mga pinakawalang mura ni Peter. Agad siyang umiwas ng tingin lay Edna. At pinakakalma ang sarili. "Hoy! Bakit ka ba nagmumura? Itigil mo nga iyang pagmumura mo!" saway ni Edna sa binata. "Umayos ka. Kung ayaw mo akong magmura!" "Aba talaga. Siya na nga ang nagmumura. Siya pa ang galit," bulalas ni Edna sa isip. Mayamaya ay pumasok na si Roma sa loob ng bahay. Napansin niya ang dalawang nakahalukipkip. "Anong nangyari sa inyong dalawa? Bakit ang tatahimik niyo?" "Wala po, tiyang. Ako na lang po ang magluluto" nakasimangot na sagot ni Edna. At nagprisintang magluluto. "Hindi na. Maupo ka sa tabi ni Peter at kausapin mo. Nakakahiya siyang sa manliligaw mo na hindi mo hinaharap." "Tiyang, hindi ko po manliligaw si Sir Peter," mabilis na tanggi ni Edna. "E, ano mo siya? Kung hindi nanliligaw." "Inihatid lang po ako dito." "D'yan magsisimula 'yan. Sige na umupo ka na sa tabi ni Peter," buyo ni Roma sa pamangkin. "Tandaan mo, maraming pera 'yan. Relo palang sa kamay niya o mukhang mamahalin na. Tapos ang mga damit na suot, branded. Kaya pakisamahan mo ng maayos. Para maambunan tayo ng grasya. Umangat man lang ang buhay natin, Edna. Nang hindi ka na nangangatulong." Nakayukong tumango ng ulo si Edna. Saka dahan dahan naglakad papalapit kay Peter. Napansin ni Peter si Edna. Umupo ito sa tabi niya. Halos hindi siya makagalaw sa kinauupuan. Napangiti si Roma at iniwan ang dalawa sa sala. "Sir Peter, gusto mo ba ako?" walang gatol na tanong ni Edna. Hindi nakasagot si Peter. "Kung gusto mo ako. Huwag mo ng ituloy. Hindi ako karapat dapat para sa 'yo. Huwag mong bigyan ng rason si tiyang na makakuha ng pera sa 'yo. Ayokong gamitin ka niya para makuha niya ang gusto niya. Ayokong mapahamak ka. Kaya hangga't maari. Huwag na kayong magpapakita pa sa akin. Kahit sa bahay kina Sir Ely. Ayoko nang makita ka pa." "Anong pinagsasabi mo, Edna?" nagmamaang maangan na tanong ni Peter. "Ayoko pong mapahamak ka. Nang dahil sa akin. Ayoko din na gumawa ng masama ang Tiyang Roma ko. Siya na lang ang nag-iisang pamilya ko. Kung ayaw mo sundin ang sinasabi ko. Ako na lang ang aalis kina Sir Ely." Natigilan si Peter. Ano bang isasagot niya sa lahat ng sinabi ni Edna?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD