Chapter 6

2171 Words
PINAGBIGYAN ni Edna si Peter na samahan siya sa university na mag-inquire siya. Gusto na niyang makapasok sa susunod na pasukan. Parang asong nakabuntot si Peter sa kanya. Ang mga babaeng nakakasalubong nila ay panay ang tingin. Naiilang siya. Baka isipin pa ng ibang tao ay katulong lang siya ng binata. Pero totoo naman 'yon, isa siyang kasambahay. "Sir Peter, umuwi ka na. Pinagtitinginan na po tayo ng mga tao dito sa university. Baka kung ano pang isipin nila sa ating dalawa," taboy ni Edna. Habang nasa Registrar sila. "Can you zip your mouth? I don't mind, kung tignan nila tayo. Hindi ko sila masisisi. I'm a hot bachelor, handsome, and famous CEO." "Yabang naman. Oo, free magbuhat ng sariling bangko. Kaya puwede ka ng umuwi. Stupe shoo! Alis na!" taboy uli na sabi ni Edna kay Peter. "I'm not leaving you here, alone! Ako na ang mag aayos ng enrollment mo. So, stay here at huwag kang aalis. Kapag umalis ka makikita mo, Edna Adeline Bartolome." Nanlaki ang mga mata ni Edna. "Paano mo nalaman ang buong pangalan ko?" "I have my own ways. Hindi mo na kailangan na itanong. Stay here, okay! I'm warning you!" may pagbabanta na saad ni Peter. Kinuha ng sapilitan ang mga requirement na hawak ni Edna. Saka tumalikod na ito at pumasok sa loob ng Office of the Registrar. Hindi na nakaangal si Edna. At naiwan siyang naupo sa isa sa mga upuan sa harap ng registrar. Inabot na ng trenta minutos ay hindi pa din lumalabas si Peter sa loob ng opisina ng Registrar. Inip na Inip na si Edna. Patayo-tayo at pasilip-silip sa counter. "Ang tagal naman 'non," iyamot na usal ni Edna sa isip. Ilang lakad, upo, tayo ang ginawa niya. Mayamaya ay narinig ni Edna ang pagbukas ng pinto. Agad siyang napatingin kay Peter. Tumaas ang kilay ni Edna. At napatiim bagang. "Kaya pala ang tagal. Maganda at seksi ang kausap. Ngiting ngiti, oh," nagkandabali bali na ang leeg ni Edna sa pagsilip sa dalawa. "Bahala ka diyan!" mabilis na isinukbit ang bag na dala niya at nagmamadaling umalis. Napansin ni Peter si Edna na mabilis ha tumatakbo. "Thank you so much po, Tita May. Habulin ko lang po ang kasama ko," paalam ni Peter. Pinsan ng Mommy ni Peter si Miss May Contis. "Sige na., Peter. Pabalikin mo na lang siya rito by next week para sa uniform niya," sagot ni May sa pamangkin. Tango lang ng ulo ang naging sagot ni Peter at nagmamadali ng tumakbo para habulin si Edna. Lumabas siya nang building ng Registrar Office. Nakita niya si Edna na papalabas na ng gate. "f**k it! I said huwag umalis! Humanda ka sa akin, Edna. Mahuli lang kita." Nagpupuyos sa galit na sabi ni Peter. Takbo nang takbo si Edna. Tumitingin din siya sa kanyang likuran kung nakasunod pa din ba si Peter. Bumagal ang pagtakbo niya nang makitang hibid nakasunod si Peter. Hingal na hingal na nakiupo siya sa isang tindahan. "Pabili po ng tubig," sabay abot ni Edna nang bayad sa tindera. Kukunin pa lang 'nong ale ang bayad ni Edna. Nang isang kamay ang naunang nagbigay ng pera sa Ale. Kulay violet na naman ang ibinigay ni Peter. Napatunghay ng ulo si Edna. Nanlaki ang mga mata ng masilayan ng mata si Peter. Ang bilis naman nitong tumakbo, ang nasa isip ni Edna. "Naku, wala po akong panukli" sabi nung tindera. "Okay lang po. Keep the change," pinanlakihan ni Edna ng mata si Peter. Napasinghap siya nang biglang hinaklit siya sa braso patayo ni Peter. "Ano ba?!" piksi ni Edna. Pilit niyang tinatanggal ang kamay ni Peter sa braso niya. "Huwag ka ng pumalag, Edna!" "Bakit mo ba ako hinihila?! Bitawan mo nga ako! Kanina ka pa, ah. Nakapikon ka na! "I told you to stay where you are! Anong ginawa mo? Tinakasan mo ako! I already warn you, Edna Adeline! Hindi ka pa rin nakinig!" bulyaw ni Peter. "Bakit ba?! Bakit mo ba ginagawa ito?!" Nasa public place sila at pinagtitinginan na mga tao. Napatingin si Edna sa mga taong nasa paligid nila nakikiusyoso. "I'm just helping you. That's all. Now, let's go," hila ni Peter sa kamay si Edna. "Sinabi ng bitawan mo ako!" nagitla si Edna nang umangat siya at nakaharap niya ang puwet ni Peter. "Pare, kawawa naman 'yong babae," saway ng isang concern na bystander. "Away mag asawa ito. So, back off!" bulyaw na sagot ni Peter. Para namang natakot ang isang concern na lalaki at hindi na nakialam pa. Saka naglakad si Peter papunta sa kotse niya. Parang hindi tao ang buhat ni Peter dahil walang kahirap-hirap itong naglalakad. "Ano ba! Hindi kita asawa!" pinaghahampas ng dalaga ang puwet ni Peter. "Tumigil ka! Magpapagod ka lang," saka binuksan ang pinto ng kotse niya at isinakay si Edna sa front seat. Nilagyan niya nang seatbelt saka siya umikot sa driver seat. Nakasimangot si Edna nang lingunin ito ni Peter. Binuhay na nito ang makina nang sasakyan niya at pinaharurot paalis sa lugar na iyon. Tahimik lang si Edna. Nag iisip kung paano ba siya makakatakas kay Peter. Hindi niya maintindihan kung anong inaasal nito sa kanya. "Pupunta tayo sa mall. May oras pa naman. Saka wala naman akong gagawin ngayon. Dahil kinancel ko ang mga apppointments ko ngayong araw nang dahil sa 'yo," basag ni Peter sa katahimikan ni Edna. "Kasalanan ko pa ngayon na wala kang gagawin. Sinabi ko bang icamcel mo mga appointments mo ngayong araw," nayayamot na si Edna kay Peter. "Yeah, because of you! It's because of you. Kaya naicancel ko lahat today. Just for you. Dahil masyado kang maganda! Mamaya, may lumapit pa sa 'yo at makipa kilala. I will never take that, Edna. Even my friend Omar asking you to have dinner with you. Hindi ko mapapayagan sila to be near you! Over my dead body!" mahigpit na hinawakan ni Peter ang manibela. Gigil na gigil sa galit na nararamdaman. Natigilan si Edna. At napipilan. Umayos siya ng upo. At tumingin sa labas. Tahimik na nakaupo si Edna. Nasa restaurant sila ngayon. At hindi lang basta restaurant. Ang mga pagkain doon ay sobrang mamahalin. "Is that all, Sir" tumango ng ulo si Peter at isinara ang menu saka ibinalik sa waiter. Umalis na din ang waiter. Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Mataman na pinagmamasdan ni Pete ang ang bawat galaw ni Edna sa kanyang harapan. Ilang minuto pa ang hinintay nila nang muling dumating ang waiter. Dala lahat ng inorder ni Peter. "Let's eat," aya ni Peter sa tahimik pa din na si Edna. Tumango lang ng ulo ang dalaga sa kanya. Inis na napailing ng ulo si Peter. "Anong problema? Mapapanisan ka ng laway mo. Kapag hindi ka nagsalita Edna Adeline," inis na sabi ni Peter. "Sa ayokong magsalita! Saka, bakit ba dinala mo ako dito? Hindi mo na kailangan na dalhin ako sa restaurant na ganito. May pera ako at binigyan ako ni Ate Cory ng baon ko!" galit na din na tugon ni Edna. Malakas na hinampas ni Peter ang lamesa. Napatingin ang lahat ng tao sa restaurant sa gawi nila. Tila nahiya naman si Edna sa ginawa ng binata. "I am doing this all, for you. Why don't you just appreciate all of this?" "Puwede niyo po bang hinaan ang boses niyo? Baka akalain ng mga tao nag aaway tayo." "I don't mind. Kahit ano pang isipin nila. Sa inaaway mo na naman talaga ako. Why can't you just accept all my efforts?" Edna rolled her eyes. "Hindi niyo po kailangang gawin ang lahat ng ito. Saka hindi niyo ako madadaan sa mga paganito niyo. May prinsipyo po ako," she crossed her arms. "Damn! Ako na nga ang lumalapit sa 'yo. Ang daming babaeng nagkakandarapa kay Peter Jon Clarkson. Sa' yo walang epekto lahat ng pagpapacute ko." "Hindi ka cute, Sir Peter. At hindi ako isa sa mga babaeng magkakandarapa sa 'yo. Kaya tintiglan mo na ito." Natahimik si Peter. Wala ba talaga siyang dating kay Edna? "Can we just eat, please? Huwag ka nang makipagtalo. Sayang naman itong mga inorder ko kung hindi natin kakainin. Masama daw ang tumatanggi sa grasya." Umayon na din si Edna. Tahimik na nagsimulang kumain ang dalaga. Habang si Peter ay panay ang tingin kay Edna. Nang matapos kumain ay inaya na ni Peter na umalis si Edna. Inilahad pa niya ng kamay kay Edna. Kinuha iyon ng dalaga at hawak kamay sila na lumabas ng restaurant. "Isa na namang pinay ang umangat sa buhay. Nakabingwit ng mayaman, oh. Ang guwapo pa 'nong guy," dinig ni Edna na sambit nang ndaanan nilang mga kumpulan ng mga babae. "Wait, sistah. Di ba, si Peter Clarkson 'yon?" "Oh my gad! Ang swerte ni girl. Sana all!" tiling komento naman noong isa. "Huwag mong pansinin sila," mahinang bulong ni Peter sa tenga ni Edna. Napaangat ang ulo ni Edna at tumunghay sa mukha ni Peter. Lalong nadepina ang guwapong mukha ni Peter dahil sa sobrang lapit nila sa isa't isa. Iniyapos niya kamay sa beywang ni Edna. Saka iginiya palabas ng restaurant. Habang tulak ni Edna ang cart ay panay ang pili ni Peter ng mga damit. Nakapalumbaba na nakatingin kay Peter si Edna. Sinipat ang isang damit at isinusukat sa kanya. "Ano ba?! Kanina ka pa, ah. Puno na ang cart ng mga damit. Sinong magsusuot niyan?" Naglagay muna ng isang damit si Peter sa cart saka hinarap si Edna. "Alam mo bang mas lalo kang gumaganda kapag umuusok ang ilong mo sa galit," kinurot niya ang pisngi ni Edna at kumindat na ikinatulala ni Edna. Umiling iling ng ulo si Edna. "Para sa 'yo lahat 'yan. Gusto ko isusuot mo isa sa mga damit na iyan. Kapag aalis tayo. Magstart ka na rin na bumili ng travellong bag. Baka magtravel tayo abroad," nalaglag ang panga ni Edna sa sinabi ni Peter. "Travel? Ako ang isasama mo?" turo ni Edna sa sarili. Tango naman ang naging tugon na sagot ni Peter. Napabuga ng hangin si Edna. Mauubusan siya ng sasabihin dito kay Peter. Ipipilit talaga ang gusto. Kahit tumanggi pa siya. "Try this," isang evening gown ang kinuha ni Peter at ibinigay kay Edna. "Hindi ako nagsusuot ng ganyang damit. Tingnan mo nga litaw ang likod. Baka magka-pulmunya ako niyan," mariing tanggi ni Edna. "Try it. Kung gusto mong halikan kita dito. Sa harap ng maraming tao. Kanina ka pa angal nang angal," pagbabanta ni Peter. Kailangan niyang gawin para lang sumunod si Edna sa kanya. Ano ba kasing klaseng babae ito? Napakahirap pasunurin. Nakasimangot na kinuha ni Edna ang gown na hawak ni Peter. "Miss, can you assist my girlfriend?" dinig ni Edna na sabi ni Peter. "Ano raw?" mahinang usal ni Edna. Tumayo ang isang sales lady at nilapitan si Edna. "This way, Ma'am." Turo nito sa kanya sa papunta sa fitting room. Pero ang mata nung sales lady ay na kay Peter. Nginisian pa ito ni Peter. Pinapungay ang mga mga na nang aakit. Edna rolled her eyes. I iwanan ang sales lady at nauna nang pumasok sa fitting room. "Ang lalandi! Kainis!" maktol ni Edna sa isip. "Bakit ka nagagalit? Nagseselos ka ba?" untag na tanong ng sariling utak. "Hindi, ah. Doon sa lalaking ang taas ng tingin sa sarili. No way!" may diing tanggi niya sa sariling tanong. Hinubad ni Edna ang damit niya at inihanger. Isinuot ang gown at sinipat ang sarili sa salamin. "Ma'am, pakibukas po ang pinto," rinig niyang katok ng sales lady. Tila naman nagbingi bingihan si Edna. Hindi piinansin ang sinabi nito sa kanya. "Edna, buksan mo ang pinto. Kung hindi sirain ko ang pintuan ng fitting room na ito!" singhal na bulyaw ni Peter. "Sir, magbabayad pa po kayo," saway nung sales lady. "I don't care. Kaya kong bilhin ang buong mall na ito!" "I'm sorry po. Puwede po bang sa kompanya niyo ako magtrabaho?" dinig ni Edna na pag-uusap 'nong dalawa. "Talagang naglandian pa," sabi ni Edna habang ang tenga ay nakadikit sa pinto. Biglang bumukas ang pinto na ikinagulat niya. Muntik nang bumagsak si Edna sa sahig kung hindi naging maagap si Peter. "What are you doing?" kunot nuong tanong ni Peter. "Wala," maiksing sagot ni Edna at tumayo nang maayos. Natulala si Peter nang makita ang kabuuan ni Edna. "Go inside the fitting room, now!" bulyaw ni Peter. Nanlaki ang mga mata ni Edna. "Bakit po? Anong problema?" "Just do what I say. Kung ayaw mong halikan talaga kita ngayon din," babalang sagot ni Peter. Agad na hinawakan ni Edna ang laylayan ng damit na suot niya. Ang haba kasi. Hindi naman siya matangkad. Ang bigat pa nang damit na suot niya. Pumasok sa loob ng fitting room si Edna na nagtataka. Saka isinarado ang pinto. "Ang ganda po ni ma'am. Tiyak maraming magkakagusto kay ma'am. Kapag naayusan pa siya. Kaunting make over lang," komentong sabi 'nong sales lady. Matalim na tumingin si Peter dito. "Hindi ko hinihingi ang komento mo," kunot noong sabi ni Peter. Natahimik naman ang babae at umalis sa tabi ni Peter dahil sa takot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD