BINUKSAN ni Edna ang pinto ng fitting room. Natuon ang mata niya kay Peter na salubong ang kilay. "Anong problema ng lalaking ito?" tanong niya sa isip. Nilapitan ni Edna ito at ibinigay ang gown kay Peter. Kinuha naman iyon ni Peter.
"Next time don't wear like that dress, Edna. Baka marami ang masapak ko," tila nagtaka si Edna sa tinuran ni Peter.
"Bakit?"
"No buts. Basta sundin mo ang sinabi ko," saka umalis si Peter ng walang paalam. Iniwan ang gown at itinulak ang cart papunta sa cashier.
Isa isang isinilid ang mga damit na binili ni Peter sa mga paper bag. Nanlaki ang mga mata ni Edna. Sampung shopping bags. Parang gusto nang bilhin ang lahat ng damit sa boutique.
"Sir, fifty thousand, three hundred pesos po lahat," anang cashier. Inabot ni Peter ang kanyang ATM card.
"Fifty thousand? Holy cow! Hindi pa ako nakakahawak ng ganoon kalaking halaga," usal ni Edna sa sarili.
Nagulat pa si Edna nang may kumuha nang lahat ng paper bag. Tatlong lalaki na malalaki ang katawan. "Sino sila?" turo ni Edna sa tatlong lalaking kumuha ng mga paper bag.
"Bodyguards," maikling sagot ni Peter sa kanya.
"May bodyguard kang kasama?" tanong ni Edna. Naglalakad sila palabas ng boutique.
"Yes. And hindi mo sila mapapansin," tugon ni Peter sa kanya. Napaawang ang labi ni Edna.
"May kasama pala siyang bodyguard si Peter. Kaya pala malakas ang loob niyang pumunta sa squatters area," ang mga nasa isip ni Edna.
"Where do you want to go?" tanong ni Fierce kay Edna.
"Gusto ko nang umuwi. Nanakit na ang paa," reklamong sagot ni Edna. Tumigil si Peter sa paglalakad. At tinititigan si Edna. Hinawakan niya ang kamay ni Edna at hinila papunta sa isa sa upuan sa gilid.
Nagtaka si Edna nang maupo si Peter. Hinila siya paupo. Pagkatapos ay tumayo ito at lumuhod sa harapan niya. Napasinghap si Edna nang hawakan ni Peter ang paa niya. Tinanggal ang pagkakabuhol nang kanyang sandals.
"Anong ginagawa mo?"
"Hayaan mo lang ako. Di ba, masakit ang paa mo?" tumango ng ulo si Edna.
"Ano ngang gagawin mo?" ulit na tanong ni Edna. Hindi sumagot si Peter. Sa halip ay minasahe nito ang paa niya. Pagkatapos sa kaliwanh paa ay isinunod naman nito Ng kanyang paa niya. Nakaramdam ng ginhawa si Edna. Sa haba ng nilakad nila. Sasakit talaga ang paa niya.
"Tama na. Okay na ang mga paa ko. Tumayo ka na d'yan," awat ni Edna kay Peter. Nakinig at tumango ng ulo si Peter. Si Peter na din ang nagsuot ng sandals niya.
Tumago na si Edna. Pero si Peter, biglang pumunta sa harapan niya at pinasan siya. "Hoy! Ibaba mo ako!" sigaw ni Edna.
"Masakit ang paa mo. Kaya papasanin na lang kita. Hanggang makarating tayo sa kotse ko," anito.
Lumukso ang puso siya sa kilig. Tila ang t***k lang nang puson niya ang kanyang naririnig. Nag aalangan na iniyakap ni Edna ang mga kamay kay Peter. Napangiti si Peter nang maramdaman ang kamay ni Edna na nakayakap sa kanya.
Dahan dahan siyang ibinaba ni Peter. Sa tapat nang pinto ng kotse ng binata. Nagkatitigan sila sa mga mata ng isa't isa. Habang binubuksan ni Peter ang pinto ng kanyang kotse
"Go inside, munchin," masuyong sabi ni Peter kay Edna. Parang nahimasmasan si Edna at pumasok bigla sa loob ng kotse ni Peter. "Slowly, munchin," paalala pa ni Peter dahil muntik nang mauntog si Edna. Napangiti lamang si Edna kay Peter.
Pakiramdam ni Edna napaka-espesyal niya. Dahil sa mga ginagawa at trato ni Peter sa kanya. Biglang nakaramdam siya nang kakaiba.
Nang makaupo nang maayos si Edna ay umikot na si Peter sa kabila. Nagkaupo ni Peter ay napansin na naman niya ang seatbelt ni Edna. Fumukeang si Peter at inabot ang seatbelt. "Always wear your seatbelt. Hindi ka na bata para paalalahanan pa kita palagi tungkol sa halaga nang pagsusuot ng seatbelt while you are inside the car," panenermon pa ni Peter kay Edna. Habang si Edna iwas na iwas na magdaiti ang mukha nila ni Peter.
Nagrarambolan sa pagtibok ang puso ni Edna. Natitigan na naman niya ang guwapong mukha ni Peter. At naamoy ang mabangong pabango nito. Kahit siguro hindi magpabango si Peter ay hahalimuyak ang natural na lalaking amoy ito.
Natauhan si Edna nang sinundot ni Peter ang pisngi niya. Napatingin siya sa mukha ng binata. "Kanina pa kita tinatawag, munchin. Wala ka na naman sa sarili mo," untag ni Peter. Habang nangingiti itong ikinabit ang seatbelt niya.
Binuhay na ni Peter ang makina ng sasakyan at pinaandar. Tahimik lang si Edna na parang naestatwa sa kinauupuan.
Pasipol sipol pa si Peter habang nagda-drive. Si Edna ay napapatingin sa kanya at napaphinto sa malalim ang pag-iisip.
"Babalik ka next week sa university para sa uniform mo. Hindi ako sigurado kong masasamahan kita. Aalis ako. Kaya isang linggo tayong hindi magkikita," basag ni Peter sa katahimikan ni Edna.
"Saan ka naman pupunta?"
"Singapore," maikling sagot ni Peter.
"Anong gagawin mo doon?" tanong muli ni Edna.
Napangiti si Peter na ang mga mata ay nasa daan. "May ime-meet akong mga investor doon. Sandali lang naman, mga isang linggo lang."
"Sandali lang ba ang isang linggo?" huli na nang mareliased ni Edna ang tinanong. Napatakip siya nang kanyang bibig.
"Sandali lang iyon. Don't worry palagi naman kitang tatawagan. Para hindi mo ako mamiss."
Nanlalaki ang mga mata ni Edna. "Siguradong sigurado ka na mamiss kita, ah. Ang lakas naman ng tingin mo sa sarili mo." Edna rolled her eyes.
"Basta alam kong mamimiss mo ako."
Hindi na umimik si Edna. At itinuon ang mata sa labas.
Halos trenta minutos ay nasa tapat na sila nang bahay ng kaibigan niya si Ely. "Huwag ka nang bumaba. Kaya ko na," nasabi ni Edna habang tinatanggal ang seatbelt na nakakabit sa kanya.
"Dapat be gentleman sa kadate. Kaya kailangan kong gawin ang ginagawa ng isang gentleman sa kadate niyang babae."
"Hoy! Hindi naman ito date, ah," tangging sabi ni Edna. Humarap si Peter sa kanya.
"Maghapon na tayong magkasama. Sinamahan kita sa bahay ng Tiyang Roma mo. Sa university, mag-enrol. Pumunta din tayo sa mall. Kumain sa restaurant. Anong tawag mo sa mga iyon?"
Napipilan si Edna. Wala siyang mahanap na isasagot sa mga sinabi ni Peter. Dahil sa pag-iisip. Hindi niya namalayan na binuksan na ni Peter ang pinto.
Nakalahad ang kamay ni Peter sa kanya. Ibinigay ni Edna ang kamay niya at inaalalayan siyang makalabas sa loob ng sasakyan nito. Pagkalabas niya ay pumunta si Peter sa likod ng sasakyan niya. Kinuha isa-isa ang mga paper bag. Laman ang mga pinamiling damit at sapatos ni Peter para sa kanya.
Inilapag ang mga paper bag. Lumapit pa ito sa guard house. Maya maya ay lumalapit na ang guard at kinuha ang mga paper bag.
"Saan dadalhin ni Manong ang mga paper bag?" natanong ni Edna. Sinusundan ng mata si Manong Guard na ipinasok sa loob ang mga paper bags.
"Ipinakiusap ko kay manong na ipasok sa loob ng kuwarto niyo. Give me your phone."
"Ha? Bakit ko naman ibibigay ang phone ko sa 'yo?" mga tanong ni Edna kay Peter.
"You will give your phone or not? Kanina mo pa sinusuway lahat ng sinasabi ko, Edna. Nakakainis na."
Hinawakan ng mahigpit ni Edna ang bag niya. Saka itinago kay Peter. Dahil sa nakita ay hinablot ni Peter ang bag niya sa kanya. Walang nagawa ang pagtanggi niya sa lakas ni Peter.
Binuksan ang bag ni Edna at hinanap sa loob ang phone nang dalaga. Nang makuha ay agad na may hinanap doon. Pagkatapos ay ibinalik din kaagad ni Peter ang bag kay Edna. Pati na ang phone nito.
"Anong ginawa mo?" naguguluhang tanong ni Edna.
"Call me later. No, I will call you tonight. Huwag ka munang matulog na hindi kita nakakausap," hindi na hinintay ni Peter ang isasagot ni Edna. Tumalikod na ito at pumasok sa loob ng kotse nito.
Nakita na lamang ni Edna na palayo na ang sasakyan ni Peter. Naihilig ang ulo niya. Habang nakatingin pa din sa sasakyan ni Peter. Hanggang sa nawala na sa tanaw niya.
"Edna, nasa kuwarto na ang mga pinamili mo. Ang dami niyon, ah. Ang swerte mo kay Sir Peter. Tiba tiba ka diyan. Mayaman si Sir Peter. Huwag mo nang pakawalan."
Nilingon ni Edna ang nagsalita sa kanyang likuran. "Salamat po sa paglalagay nang gamit ko sa loob. Papasok na po ako," bulalas ni Edna at hindi na pinapansin pa ang sinabi ng Guard sa kanya. At umalis.
Pagkadating sa loob nang quarter nila ni Ditas ay isa isa niyang ipinasok kaagad ang mga paper bag sa loob nang kuwarto niya. Hinayaan sa baba ang mga paper bag at naihiga ang katawan sa kama niya. Nakatingalang iniisip ang buong maghapon na kasama si Peter.
Matamis na ngiti ang namutawi sa labi niya. Simula nuong nakasama niya si Peter papunta sa bahay ng Tiyang Roma niya hanggang sa pag-uwi niya dito sa bahay ng mga amo niya. Sobrang sarap sa pakiramdam niya na sariwain ang lahat. Ngunit nalungkot siya kaagad nang maalalang mayaman si Peter. Alangan siya para dito. Hindi siya katulad nitong mayaman. Mayroon ng lahat ng mga bagay na wala siya.
Bumuga nang hangin si Edna. Ipinikit ang kanyang mga mata. Ilang sandali ay hindi niya namalayan na nakatulog siya.
Nagising si Edna sa sunod sunod na ring nang phone niya. Agad niyang hinanap ag bag niya. Nakita niya iyong nasa sahig. Agad niyang kinuha niya ang bag niya at hinanap ang phone niya sa loob ng kanyang bag.
Nang makita ay tiningnan kung sino ang nakaregistered na tumatawag. "Peter?" takang usal ni Edna. Tiningnan ang relo sa pader.
Alas otso na nang gabi. Ang haba na pala nang itinulog niya. Hindi pa din humihinto sa pagtunog ang phone niya. Iyamot na sinagot niya ito at itinapat sa tenga niya.
"H-Hello."
"Why it took you so long to pick up your phone, munchin? What you're doing?" dinig na dinig ni Edna ang tila paghinga ng malalim ni Peter sa kabilang linya.
"Nakatulog ako. Saka bakit ka ba nang-iistorbo ng natutulog na?" inis na tanong niya sa kabilang linya.
"I told you na tatawag ako. Bago ka matulog gusto kong makausap ka at marinig muna ang boses mo," pumalakpak ang tenga ni Edna sa narinig. Nagliparan ang mga paro paro niya sa kanyang tiyan. "Are you still there, munchin?" bumalik si Edna sa malalim na pag-iisip nang maulinagan ang tanong ni Peter.
"Hindi ka ba nagsasawa? Kanina pa tayo magkasama. Pati ba naman hanggang sa pagtulog gusto mo na kausap pa rin ako."
"I'm not. Gustohin ko mang kada minuto at oras oras kitang kasama. Hindi pa rin puwede. Dahil hindi ka papayag. Alam ko 'yon. Kailan mo ba hindi sinusuway ang mga sinasabi ko? Okay lang naman barahin mo ako. Kahit tarayan mo ako. Basta kasama kita., Edna," litanya ni Peter.
Napipi na naman si Edna sa mga hirit ni Peter sa kanya. Hanggang kailan ba siya pakikiligin ni Peter. Umiling iling ng ulo si Edna.
"Nakausap mo na ako. Puwede ko na bang ituloy ang tulog ko?" iyon lang ang nasabi ni Edna. Narinig ni Edna ang pagbuntong hininga ni Peter sa kabilang linya.
"Yes, you can go to sleep. Tomorrow morning I will be in Singapore. And I will miss you, munchin. Kung puwede lang isama kita doon. Isasama kita. Naisip ko na baka hindi ka payagan ng kaibigan ko," tila may panghihinayang na untag ni Peter.
"Mag iingat ka doon. Magkikita pa naman tayo. Pagkabalik mo dito, di ba?"
"I will be more happy. If I will see you before my flight. Can I?" nahimigan ni Edna ang lungkot sa boses ng binata.
"Paano mo naman ako makikita? Maaga kang aalis, di ba?"
"Basta. Just go out in your room. I want to see you before I left. Just say YES, please."
"O-Okay. Lalabas ako nang kuwarto ko. Anong oras ba ang alis mo?" pagpayag ni Edna. Walang narinig si Edna sa kabilang linya. "Hello. Peter, andiyan ka pa ba?"
"Five o'clock in the morning. I'll be there. Wait for me, munchin." nabanaag ni Edna ang sobrang tuwa ni Peter. Kahit sa boses lang ng binata.
"Sige, hihintayin kita," walang gatol na tugon ni Edna kay Peter. Narinig niya ang tunog ng phone niya. Nawala na si Peter. Napapailing na nangingiti si Edna.
Nagpunta na si Edna sa banyo. Nakatulog siya na hindi nakakapag palit ng damit.