PAGKATAPOS na makapagbihis ni Edna ay lumabas siya ng kuwarto niya. Nakaramdam siya nang gutom at agad na naglakad papunta sa kusina. Naghanap siya ng puwede niyang kainin.
"Gising ka na pala. Kanina pa kita kinakatok sa pinto ng kuwarto mo. Hindi ka sumasagot. Kaya naisip ko na baka tulog ka," bungad na sabi ni Ditas. Tapos na nitong isinasalansan ang mga hinugasang pinagkainan ng mga amo nila.
"Oo. Nakatulog nga ako, Ate Ditas."
Halatang napagod si Edna. Sa itsura pa lang nitong inaantok pa rin hanggang ngayon. Kahit kagigising lang niya. Sa dami ng pinuntahan niya buong maghapon. Talagang manlalata siya sa pagod.
"May niluto ako d'yan. Menudo at laing. Kumain ka na lang at pagkatapos mo matulog ka ulit. Tingnan mo nga iyang itsura mo, Edna. Para kang stress sa limang bata, dalawang lang naman ang alaga mo at hindi pa alagain," imporma ni Ditas sa kanya sa nakikitang itsura ng mukha niya.
"Salamat po, Ate Ditas. Ang dami ko kasing napuntahan lugar kanina. Nakapag enrol na din po pala ako. Kukunin ko na lang ang uniform ko next week. Saka nadalaw ko rin po ang kay Tiyang Roma. Nagpunta pa po ako ng mall. Namili lang ng konti," mga sunod sunod na kuwento ni Edna. Sumang ayo na parang tango ng ulo si Ditas sa kanya.
"Aba, ang dami nga. Patang pata ka, e. Sige na, maiiwan na kita rito at ako'y matutulog na. Pagkatapos mong kumain. Matulog ka na rin," paalam na sabi ni Ditas. Tumango ng ulo at ngumiti si Edna bilang ganti rito. Pagkatapos ay umalis na si Ditas.
Nagsimula na siyang kumain at ng matapos ay hinugasan niya ang kanyang mga pinagkainan.
Napaigtad siya nang biglang tumunog ang phone niya. Ibinaba muna niya ang pinggan at kinuha ang kanyang phone sa bulsa ng pajama niya. Isang message ang nagpop out sa kanyang paningin. Binuksan ni Edna at nakita ang mensaheng ipinadala ni Peter.
"Hi, munchin. This is Peter, I will call you later. Miss you." Namula ang pisngi ni Edna at napangiti ng mabasa iyon. Namiss siya agad ng binata parang halos maghapon na silang magkasama.
Kasalukuyang nasa kuwarto na si Edna. Bago siya matulog ay nai-set niya ang alam clock para alam niya ang oras na ng dating ni Peter para makita siya.
Napabalikwas nang bangon si Edna ng tumunog ang alam clock niya. Hanggang ngayon ay 'di niya alam kung anong gagawin ng binata 'pag nagkita sila mamaya. Sabik na tumayo siya saka pinatay ang pag alarm ng relo. At dumiretso sa banyo.
Tamang tama sa oras ng matapos siyang mag ayos. Suot niya ang isa sa binili ni Peter para sa kanya. Naitirintas ang mahabang buhok pagkatapos ay lumabas na ng kuwarto niya. Sabik na rin siyang makita si Peter. Ayaw man niyang aminin sa sarili ang kagustuhang makita ang binata bago ito umalis papuntang Singapore. Sinabi ng binata ay isang linggo silang hindi magkikita. Tiyak mamimiss niya ang makulit na binata. Walang mangungulit sa kanya ng isang linggo at tatawag ng munchin.
Pagkadating ni Edna sa labas ay nagpalinga linga siya sa paligid. Ang tahimik ng paligid. Isang malakas na hangin ang umihip. Tinatangay ang laylayan ng damit niyang dress sa lakas nito.
"Nasaan na kaya iyon? Baka nakaalis na. Sayang naman," malungkot na usal ni Edna. Naghanda pa naman siya at nagpaganda para matuwan si Peter 'pag nakita siya. At talaga lang na nagpaganda siya. Inamin din niya sa sarili. Tiningnan niya ang damit niya. Panghihinayang dahil hindi nakita ni Peter ang suot niya. Sandali lang naman ang isang linggo. Tiyak siyang na magkikita sila ulit pagkatapos ng isang linggo.
Tumalikod na si Edna at babalik na ulit sa quarters nila. Natigilan siya ng may magsalita sa kanyang likuran niya.
"Where are you going?" tanong nang baritonong boses sa likuran niya.
Kilala ni Edna ang boses na iyon. Napahawak siya sa dibdib niya. Nagrambolan na ang pagpintig ng puso niya. Bakit ba tila parang may mga fireworks siyang nakita sa sobrang galak nang puso ng marinig ang boses ng pamilyar na boses? At nang humarap si Edna sa nagsalita ay naburan niya ang nakangiting mukha ni Peter.
Ang lawak lawak ng ngiti nito sa labi. Nangungusap ang mga magagandang mata. At ang labi na pawang kay sarap halikan. Sadyang kay pula habang nakangiti pa rin sa kanya. Napailing ng ulo si Edna sa mga pumapasok sa isip niya. Pinagnanasaan ba niya ang binatang kaibigan ng amo niya?
"Sir Peter?" hindi malaman ni Edna kung bakit tila naggaralgal ang boses niya pagkabanggit nang pangalan ng lalaking nasa harapan niya ngayon.
"Edna... Akala ko hindi kita makikita bago man lang ako umalis," sambit ni Peter habang lumalapit sa dalagang natitigilan. "You're so gorgeous. Umagang umaga nagpapaganda ka. Para kanino ba lahat ng 'yan?"
Natauhan si Edna sa narinig mula kay Peter. At pinamulahan ng mukha. "Ah, e..." nag iisip ng maisasagot.
Napangiti si Peter ng walang maisagot si Edna sa kanya. Mataman niyang tinitigan ang dalaga sa kanyang harapan.
"It's enough for me. 'Yong makita ka lang ngayon. Parang gusto ko tuloy magbago ng isip at huwag na umalis," ani Peter. Halos walang gatol at hindi siya na bulol sabihin ang sinasabi ng nasa loob niya.
"Ha? Bakit? Di ba, dahil sa trabaho naman kaya ka aalis?" mga sunod sunod na mga tanong ni Edna. Tumango ng ulo si Peter habang ngiting ngiti sa dalagang sobrang inosente.
"Yes, munchin. Dahil nga sa trabaho kaya ako aalis. At para sa future ng magiging pamilya ko balang araw. Gusto kong ibigay ang lahat sa kanila. Lalo na sa magiging asawa ko. Puwede naman na akong mag asawa. I'm in a right age, physically, mentally at financially stable na rin. Kaya lang may hinihintay pa akong babae. Tingin ko hindi pa siya handa," litanyang pahaging ni Peter.
Halata ang pagtataka sa dalaga.
"Gsnoon ba? Masaya po ako na natagpuan mo na pala ang babaeng iyon, Sir Peter. Tutal nakita niyo na po ako. Papasok na po ako sa loob at baka mahuli pa kayo sa flight niyo," may kurot sa dibdib na namutawi kay Edna.
Mabilis na hinuli ni Peter ang kamay ni Edna. "Iiwan mo na kaagad ako dito. Hindi pa nga tayo nagkakausap ng matagal. And don't worry. Dala ko ang private plane ko. Ginawa ko ito para masilayan ka sandali. I will miss you, munchin, so much."
Hindi nakaimik si Edna. Ngunit nag iisip ng malalim. Palaisipan ang mga sinasabi ngayon ni Peter sa kanya. "Mamimiss ko rin naman po kayo. Mag iingat po kayo roon. Sana maging successful ang meeting niyo kasama ang mga investors mo," usal ni Edna.
Sandaling nagkatitigan sina Peter at Edna. Tila kinakabisa ang mukha ng bawat isa. Isang linggo lang naman. Magkikita pa din kayo. Mga nasa isip ni Edna. Pero, paano kung bumalik siya na kasama ang sinasabing babae na gusto niya? Dahil sa isipin na iyon. Malungkot na nagbago ng tingin si Edna. At yumuko ng ulo. Ayaw niyang ipakita ang malungkot na mukha kay Peter.
Napansin iyon ni Peter. Kaya hinawakan niya ang baba ni Edna at inaangat. Nagtama ang mga tingin nila. At napatingin si Peter sa labi ni Edna. Kanina pa niya pinipigilan ang sarili na halikan ang dalaga. "Huwag ka ng malungkot. I'm hoping na naghihintay ka sa pagbabalik ko. Gusto kong makita ka, munchin, suot ang damit na binili ko sa 'yo. In that way, alam ko na may taong umaasa sa pagbabalik ko."
Naguluhan si Edna sa sinabing iyon ni Edna. May iba pa ba siyang binilhan ng mga damit? Siya lang naman ang binilhan nang damit Peter. Baka ang sinasabi niyang babaeng gusto niya.
Tinanggal ni Edna ang kamay ni Peter sa baba niya. "Umalis na po kayo. May trabaho pa po ako," taboy niya. Saka tumalikod kay Peter. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Nagseselos ba siya?
Napasinghap si Peter. At huminga ng malalim. Ang mga babae nga naman mahirap espelingin. Kanina lang okay sila. Ngayon nagsusungit sa kanya si Edna.
"Ano na namang kasalanan ko? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" mga tanong ni Peter. Umiling ng ulo si Edna. "Bakit ganyan ka? Aalis na ako, munchin. Iyan ba ang ipapabaon mo sa akin?" tila nahimigan ni Edna ang pagtatampo ni Peter sa kanya.
"Sige na po. Umalis na po kayo. Babalik ka naman po. At dito pa rin po ako magtatrabaho kay Sir Ely. Ibig sabihin po makikita niyo pa rin ako dito sa pagbabalik niyo," hindi pa rin niyang magawang humarap kay Peter.
"Okay,kung iyan ang gusto mo. Can I ask a favor?" Mabilis na tumango ng ulo si Edna. Ngumiti si Peter. "Can I have a hug? Okay lang kung ayaw mo. Gusto ko lang mayakap ka, bago ako umalis."
Napapikit si Edna ng kanyang mga mata. "O-Okay lang po," utal na sagot niya.
Nangjslap ang mga mata ni Peter. Tinawid ang pagitan nila. At hinila si Edna. Saka iniharap sa kanya. Kinabig ng yakap. Mahigpit na mahigpit na yakap. "Thank you, munchin. I will miss you so much. Please, wait for me. Pakiusap," bulong ni Peter sa tenga ni Edna. Tumango tanong ng ulo si Edna.
"I love you, Edna..." usal ni Peter sa isip. Nanlaki ang mga mata sa nasabi. Walang boses iyon. Ngunit sa kanya ay tila isang katotohanang sumabog sa kanya. Mahal na niya si Edna. Totoo ba iyon?
Siya si Peter Jon Clarkson. Never pa siyang nainlove muli sa isang babae after five years noong maghiwalay sila ni Lodina . At ayaw na niya ang salitang love. Pag ibig na sisira lamang sa kanya.
Kumalas si Peter at walang paalam na tumalikod kay Edna. Naglakad ito palayo sa kanya. Nagtaka si Edna sa inasal ni Peter. "Anong nangyari r'on?" napapakamot sa ulo na sabi ni Edna. Hindi man lang siya hinintay ni Peter na magsalita. Tinatanaw niya na lamang ang binata na palabas ng gate. Hanggang sa hindi na niya ito maabot ng tanaw.
Edna heaved a very heavy sighed.
"Bakit ganoon ang nangyari? Bakit hindi niya ako hinintay makapag paalam sa kanya? Mamimiss din kita, Sir Peter. Sobra," iyon sana ang gusto niyang sabihin sa binata. Ngunit inalisan siya ng pagkakataon ni Peter.
Mabilis na naglalakad si Peter papunta sa bakanteng lote. Malapit sa bahay ng kaibigan niyang si Ely. Nang makita siya ng kanyang bodyguard at assistant niya ay kaagad siyang nilapitan.
"Sir, it's time for you to go. Nagpasabi na po ako na mahuhuli lang kayo ng kalahating minuto. And they are willing to wait for you. Ready na din po ang lahat," imporma nang assistant ni Peter.
Hindi sumagot si Peter at diretso lang pumasok sa cockpit ng kanyang private plane. Sinalubong siya ng isang stewardess at ipinasuot ang coat ni Peter. Inayos ni Peter ang coat niya. Saka nakadekwatrong umupo. Umupo naman sa harap niya ang kanyang assistant. Inabot ang sunglasses niya saka isinuot ni Peter. At isinandal ang ulo sa head rest ng upuan.
Nasa isipan niya pa din ang maamong mukha ni Edna. "s**t! Hindi ako inlove! No!" mga sigaw niya sa isip. Ipinikit niya ang kanyang mga mata.
Nakapalumbaba na patingin tingin si Edna sa cellphone niya. Alas diyes na ng umaga. Kanina pa niya tinititigan ang phone niya. Inaasahan ang tawag o mensahe ng isang tao. Hindi siya nakapagpaalam. Kundi sinungitian niya at itinaboy ang binata. Naiinis tuloy siya sa sarili niya. Isang linggo silang hindi magkikita. Tapos ganoon pa ang paalaman nilang dalawa.
Napansin ni Ditas ang ginagawa ni Edna. "Hoy! Baka matunaw na 'yang phone mo katitig. Kung may hinihintay ka. Tawagan mo na. Baka mamaya niyan naghihintay ka sa wala," sabi ni Ditas. Nilingon ni Edna si Ditas.
"Wala naman, Ate. Hindi naman ako naghihintay sa text o tawag niya," napatakip si Edna sa bibig niya dahil sa lumabas sa bibig niya. Huli na para bawiin iyon. At may ngiting nakakaloko si Ditas sa labi.
"Oyy, may hinihintay. Sino naman 'yun?" usisang tanong ni Ditas. Umiling iling ng ulo si Edna.
"Wala po," mabilis na tanggi ni Edna. Ayaw niyang buksan ang usapan tungkol kay Peter. Tiyak na tutuksuhin na naman siya ni Ditas.
"Aminin mo na kasi. Sino ba iyon? Share mo na sa akin. Promise hindi kita pagtatawanan."
"Ate, wala nga po," maikling sagot ni Edna.
Tumaas ang isang kilay ni Ditas. Paniguradong may inililihim si Edna sa kanya. At iyon ang aalamin niya.