NAGBILANG ng mga araw si Edna. Sumama ang loob niya na umabot ng tatlong araw wala man lang tawag si Peter. Hanggang sa umabot na ito limang araw. Kahit na matamlay at parang walang gana ay nagtatrabaho pa rin siya ng maayos. Pinagsisilbihan ang pamilya Andrew.
Minsanan na lang siyang umimik. Kapag hindi tinatanong ay hindi na ito magtatangkang umiimik muli. Nahahalata na sa bahay ang pagiging tahimik ni Edna. Pero hinahayaan na lamang siya.
Gabi gabi na balisa siya. Walang maayos na tulog dahil sa pag iisip.
Nagitla si Edna nang marinig ang tunog ng phone niya. Biglang dumagunding dibdib niya. Pagkatingin sa phone niya at laking dismayado na ang Tiyang Roma niya pala ang tumatawag. Ang buong akala niya si Peter na.
"Bakit ka naman naghihintay ng tawag? Bakit kayo ba?" mga tanong ng utak niya. Umaasa siyang totohanan ng binata ang pangakong tatawagan siya nito sa oras na nasa Singapore na ito.
Bumunting hininga siya. Saka sinagot ang tawag ng Tiyang Roma niya. "Hello po, tiya." Magalang na bungad niya Tiyang Roma niya sa kabilang linya.
"Edna, kumusta ka na?" masiglang tanong ng tiya ni Edna. Napairap siya. May kailangan siguro ang tiyang niya kaya napatawag.
"Okay lang po ako, tiyang. Kayo po? Saka bigla pong napatawag kayo."
"Maigi naman maayos ka d'yan. E, ako wala na akong panggastos. Wala na akong kakainin, Edna," napaawang mga bulalas ni Roma sa pamangkin.
"Sige po, tiyang. Magpapadala po ako bukas na bukas din," sagot ni Edna sa kabilang linya. Hindi man nakikita niya ang Tiyang Roma niya alam niyang malawak ang ngiti nito.
"Salamat, aking pamangkin. Hulog ka talaga ng langit sa akin."
Hindi naman naniwala si Edna sa sinabi ng Tiyang Roma niya. Noon kung pagsalitaan siya halos manliliit siya sa mga panlilibak nito. Ngayon, ang bango bango niya rito kasi may pera siyang ipapadala. Ang Tiya Roma niya ang nagpatay ng tawag.
Wala naman siyang magagawa. Kun'di ang magpadala ng pera sa tiyahin. Siya na lang ang natititirang kamag anak niya. Wala siyang nakikilalang ibang kamag anak, kun'di ang Tiyang Roma niya. Nabanggit sa kanya noon ng mama niya na may iba pa silang kamag anak pero hindi na niya nakilala noong mamatay ang mga magulang niya sa aksidente. Kahit noong burol nila ay tanging ang Tiyang Roma lang ang andoon. Kinalimutan sila ng ibang kamag anak sa hindi malamang dahilan.
Umaasa pa naman siya na balang araw ay makikita ng tiya niya ang halaga niya. Hindi na siya sisigawan o pagsasalitaan ng hindi magaganda. Pagtatrabahuhin na akala mo'y
Muling itinuloy ni Edna ang nilalabhan niyang mga damit ng kanyang mga alaga. Sumagi na naman sa isip niya si Peter. Nangako itong tatawagan siya. Hanggang ngayon naghihintay pa din siya sa tawag nito. Baka nakalimutan na siya ni Peter. Sino ba siya para maalala ng isang Peter Jon Clarkson?
Pinilit niyang aalisin sa kanyang isip ang binatang kaibigan ng amo niya. At itinuon na lamang ang isip sa trabaho niya.
ARAW nang Lunes. Ito ang araw na sinabi ni Peter na kukunin niya ang uniform niya sa university. Maganda ang araw ngayon. Pero para sa kanya walang kulay at matamlay. Hindi pa rin tumatawag si Peter. Isang linggo na rin ang nagdaan. Sadyang kinalimutan na siya ng binata. Sino ba siya? Para alalahanin ni Peter. Isa lang naman siyang katulong.
Biglang tumulo ang luha ni Edna. Miss na miss na niya si Peter. Hindi niya alam kung okay lang ito. Kung nakabalik na ba ito ng Pilipinas?
"Oh, anong problema?" Nagtatakang tanong ni Ditas kay Edna. Biglang ibinaling ni Edna ang tingin sa iba at mabilis na pinunasan ang kanyang mga luha. "Itinatago pa, e, nakita ko naman na." Nilapitan ni Ditas si Edna. Umupo siya sa tabi ni Edna. "Sabihin mo. Anong problema? Kapag kimikimkim mo lalong masakit. Sige na ilabas mo na."
Napaharap si Edna kay Ditas. "Ate, paano malalaman kapag gusto ka ng isang lalaki?" Napahagikhik ng tawa si Ditas. "Pinagtatawanan mo naman ako, Ate Ditas."
"Sorry. Hindi ko lang napigilan ang tawa ko. Pero ang sagot ko sa tanong mo. Hindi ko rin alam. Dahil wala pa naman akong nagugustuhan na lalaki."
Hindi naman maniwala si Edna. "Talaga? Sa edad mong iyan wala ka pang naging boyfriend."
"Teka, bakit sa akin napunta na ang usapan? Di ba, dapat ikaw ang binibigyan ko ng payo?"
"E, ang sabi mo. Wala ka pang naging boyfriend. Paano mo sasagutin ang tanong ko?"
"Sa nababasa ko, mahilig kasi akong magbasa ng mga pocketbook. At sa mga love story madalas may hiwalayan. Sa nababasa ko rin ang mga bidang lalaki ay seloso. Iyong walang dahilan tapos biglang nagseselos. Pagkatapos babaeng babae ang trato niya sa 'yo, 'yong parang ikaw ang kanyang reyna. Ipagbubukas ka ng pinto ng kotse. Aalalayan ka, ang sweet, di ba? Bibilhan ka ng mga bagay na hindi mo inaasahan na ibibigay niya. 'Yong mga ga'non. Ganoon daw 'pag gusto ka ng lalaki."
Nasamid bigla si Edna ng sarili niyang laway. "Ganoon ba iyon, Ate Ditas?" mabilis na tumango ng ulo si Ditas. "Seloso, sweet at mapagbigay. Ganoon ba dapat ang mga lalaki sa ating mga babae?"
"Nabasa ko lang 'yon. Hindi ko alam kung ganoon dapat ang mga lalaki sa ating mga babae. Bakit mo naman natanong ang ganoong bagay?"
Napaiwas ng tingin si Edna. "Wala lang, ate. Natanong ko lang. Baka may lalaki ng may gusto sa akin," pagsisinungaling ni Edna.
"Ah ga'non ba? Si Cory, baka may sagot siya. May asawa na nigaang amo natin. Siguro mas madami siyang isasagot sa 'yo, Edna."
Sumang ayon na din si Edna at muling binalingan ang kanyang labahan na nasa loob ng washing machine. Maya-maya ay nagpaalam na din si Ditas sa kanya na papasok na sa loob ng bahay.
Naiwan si Edna na malalim ang iniisip. Posible kayang gusto siya ni Sir Peter? Malabo naman magkagusto iyon sa kanya. Mayaman at magandang lalaki. Napakaalangan nilang dalawa.
Umiling iling ng ulo si Edna. "Erase, erase, erase," sabi niya na napakrus ng kamay. Pilit niyang kinakalimutan ang tungkol kay Peter. Naisip niyang hindi magkakagusto sa kanya ang kaibigan ng amo niya. Hindi puwedeng mangyari.
Habang si Peter, kanina pa niya tinititigan ang kanyang telepono. Tatlong araw na ang lumipas. Simula nuong umalis siya ng Pilipinas. Nangako siya kay Edna na palagi siyang tatawag. Pero heto siya. Tinitignan lamang ang kanyang telepono.
"Do I should call her?" usal na tanong ni Peter sa isipan. Napasabunot siya sa kanyang buhok. "Ednaline... Why you're always in my mind? Nababaliw na ata ako. I should focus in the meeting. Pero, ikaw ang nasa isip ko." huminga nang malalim si Peter at sumandal sa headrest ng upuan.
"Mr. Clarkson, any questions?" tanong ni Mr. Asuncion sa kanya. Umiling ng ulo si Peter.
"No." tipid na sagot ni Peter. Sa totoo lang wala siyang naintindihan sa sinabi nitong proposal. Napansin siya nang Assistant niya.
"Sir, are you sure that you will accept Mr. Asuncion proposal?" mahinang bulong ni Tony kay Peter.
"I will review his proposal when we go back to the Philippines. Ikaw na muna ang bahala dito. Aalis na ako." paalam na sabi ni Peter. Inayos niya ang kanyang tie at tumayo. 1 Gentlemen, meeting adjorn." nanlaki ang mga mata nang mga naroon. Walang pakialam si Peter kahit pa gusto na niyang umalis. Kanina pa siya atat na makita si Edna. Kailangan niyang makauwi nang Pilipinas ngayon din.
********
Isang buong araw na matamlay si Edna. Napapansin na din iyon ni Cory. Kaya pinuntahan niya si Ditas. "Ditas, anong nangyari kay Edna? Bakit parang wala siyang gana? May sakiy ba ang batang iyon?" sunod sunod na mga tanong ni Cory.
"Ma'am Cory, huwag niyo na lang pong pansinin. Mukhang iba kasi ang tumatakbo sa isip ng batang iyan. At normal lang sa ganyan edad. Naunahan pa ako."
"Huh? Paanong huwag pansini? Tingnan mo nga. Ang tahimik niya ngayon."
"Lalaki iniisip niyan. Mukhang may natitipuhan na." sagot ni Ditas. Napatingin si Cory kay Ditas.
"Kung gusto niyang magtapos ng pag-aaral. Kalimutan na muna niya ang pag-ibig na 'yan. Bata pa naman siya. Marami pa siyang makikitang iba. Ang mas maganda unahin niya munang makatapos. Para pagdating ng araw may ipagmamalaki siya sa lalaking mamahalin niya." untag ni Cory. Sumang ayon si Ditas sa sinabi ni Cory. May pangarap si Edna. Iyon ay ang makapagtapos ng pag-aaral. Kaya siya nagtitiis na magkatulong. Sana naman ay gamitin niya ang utak niya. Makakapaghintay ang pag-ibig.
Nagpaalam si Edna sa aming babae na magpapadala ng pera sa Tiyang Roma niya. Pinayagan naman siya kaagad nito. Kaya ngayon papunta na siya sa isang branch nang padalahan ng pera. Nang matapos, siya doon ay ipinadala kaagad ni Edna ang tracking number sa Tiyahin. Maya-maya ay nakita na niyang tumatawa ito.
"Salamat, Pamangkin. Maasahan talaga kita. Pasyal ka dito sa day off mo. Nang makita mo naman ang mga bunga ng ipinapadala mong pera sa akin." turan ni Roma kay Edna sa kabilang linya.
"Susubukan ko po, Tiyang. Magiging abala na din po kasi ako. Dahil magpapasukan na po." sabi ni Edna.
"Bakit, ikaw lang ba ang maasahan para magbantay ng mga bata sa eskwelahan?"
"Hindi po. Mag-aaral na po ako. At pasukan na po namin sa Lunes." sagot ni Edna.
"Aba, Edna. Mag-aaral ka pa. E, kulang na kulang ang sahod mo para sa ating dalawa."
"Hueag po kayong mag-alala. Dahil hindi naman po ako ang nag bayad ng tuition fee ko."
"Huh? Sino?"
"A-Amo ko po." pagsisinungaling ni Edna na sagot. Ayaw niyang malaman ng Tiyang Roma niya na si Peter ang Nag bayad ng tuition fee niya. Baka hingian pa nito si Peter nang pera. Ayaw niyang huthutan ng Tiyang Roma niya ang binata. Alam niyang hindi ito tatanggi dahil masyadong mabait si Peter.
Pagkatapos nilang mag-usap na mag-Tiya ay dumiretso nang uwi si Edna. Pagkapasok sa loob ng bahay ay nadatnan niya ang mga bata na may kinakain na tsokolate. Pati si Ditas ay panay ang nguya ng tsokolate.
"Oooyy, pahingi. Kanino galing?" sabi ni Edna na natatakam sa mga kinakain na tsokolate.
"Yaya, bigay po ni Tito Peter ang mga chocolate. Meron ka din po. Sayang nga po hindi niyo naabutan si Tito Peter. Umalis po kasi kaagad." mahabang sagot ni Calli.
"Ganoon ba." dismayading hindi niya naabutan si Peter. Naghintay siya ng ilang araw sa tawag nito. Ngayon na bumalik ba ito ay hindi pa sila nagkita. Naalala ni Edna na dapat ay isang linggo sa Singapore si Peter. Bakit andito na kaagad ito? "Sige, kain lang kayo diyan." sabi niya sa dalawang alaga. "Ate Ditas." tawag ni Edna. Napahinto si Ditas sa pagkain ng tsokolate. Saka nilingon si Edna.
"Bakit?"
"Kanina pa ba si Sir Peter dito?" usisang tanong ni Edna.
"Kadarating lang. Hinahanap ka nga. Nasa kuwarto mo na ang mga tsokolate mo. Kapag hindi mo naubos. Ibigay mo sa akin." sagot ni Ditas.
Napakagat labi si Edna. Siya agad ang pinuntahan ng binata. Pagkagaling sa Singapore. Bakit? May dala pang pasalubong.
"Ate Ditas ikaw na muna ang bahala sa dalawa. Magbibihis lang ako." paalam at bilin ni Edna. Tumango lang ng ulo si Ditas. Hindi siya magawa ng lingonin ng kaibigan dahil abala sa pagkain. Napailing ng ulo si Edna. Saka pumunta sa likod bahay para pumunta sa, kuwarto nila ni Ditas. At nang makapagpalit siya ng damit.
Ang hindi alam ni Ditas ay kanina pa nasa labas ang kotse ni Peter. Nakamasid at naghihintay sa pag-uwi ng dalaga. Pagkagaling ng airport at dumiretso kaagad siya kina Ely. Ngunit hindi niya naabutan si Edna. Umalis daw ang dalaga. At may pinuntahan.
Gusto sanang lapitan ni Peter si Edna. Napanghinaan lang siya ng loob. Dahil nuong nagpaalam siya kay Edna ay bigla na lamang niyang tinalikuran ito. Naiinis siya sa sarili niya. Hindi niya alam kung totoong mahal na niya si Edna. May agam-agam siya dahil sa masyadong masalimuot ang buhay niya. Ayaw niyang nadamay si Edna. Kapag nangyaring minahal niya ito. Siguro ay makukuntento na lang siyang nakatingin sa malayo kay Edna. Atleast doon malaya niyang napapagmasdan ang mukha ni Edna. Walang pipigil at walang magiging problema para sa dalaga. Siguro kapag dumating ang araw na maayos na lahat ay aaminin din niya ang nararamdaman para kay Edna. Kung pag-ibig na nga ito.