"Nǐ mā shìgè jìnǚ" pagmumura ni Aaron, gamit ang salitang Chinese. (Mga p*t*ng *n@ kayo!) "Sino ba ang mga taong yan na humahabol sa atin?" tanong naman ni Eve. Takot na takot na rin ang dalaga sa kanilang sitwasyon na dalawa ng kasama niyang lalaki. Dati sa lalaking ito siya natatakot, ngunit ngayon ay halos isiksik na niya ang katawan sa loob ng katawan nito makapagtago lang sa mga masasamang loob na humahabol sa kanila. "Hindi ko pa alam kung sino o anong groupo sila nabibilang." sagot ni Aaron. "Kumapit kang mabuti, pababa na tayo!" dagdag pa niya. Agad naman na sinunod ni Eve, ang kanyang sinabi. Niyakap niya ng mahigpit ang katawan ni Aaron, habang ang dalawang paa naman niya ay nakayakap din sa baywang ng binata. Wala na rin siyang paki alam kong masagwa ang kanilang style n

