KASASAKAY pa lang ni Raiven sa kotse niya ay tumunog na uli ang cell phone niya. Dinukot niya iyon sa bulsa ng pantalon niya at tiningnan kung sino ang tumatawag—si Riki. Mabilis niyang sinagot iyon at pinindot ang loudspeaker mode habang binubuhay ang makina ng kotse niya. “I will explain everything later, Riki. Can you contact Jeremy for me?” agad na sabi ni Raiven. “Okay. Pupunta na rin kami nina Choi sa bahay mo. We’ll think of something to divert the reporters. Huwag mong kakalimutan ang paliwanag mo, okay?” “Oo na.” Iyon lang at pinutol na niya ang tawag. Mas gusto niyang makarating sa bahay niya sa lalong madaling panahon kaysa ang magpaliwanag kay Riki. He was about to go crazy with worry for Lauradia and their son. Marahas na namura niya ang mga reporter na walang ginawang mat

