SA kabila ng pagpoprotesta ni Lauradia ay halos araw-araw na nasa ospital si Raiven para bisitahin si Lance. Palagi niyang sinasabi sa binata na hindi nito kailangang gawin iyon at pagtuunan na lang ng pansin ang kompanya nito pero sa tuwina ay binabale-wala ni Raiven ang mga sinasabi niya. Nag-aalala siya na baka may makapansin sa ospital kung sino ito at makarating sa media ang ginagawa nito. Alam naman ni Lauradia na hindi basta kung sino lang ang binata. Nagmula ito sa pamilyang sinusundan ng media ang bawat galaw. Nang mga nakaraang buwan nga lang ay palagi niyang napapanood sa balita ang mga nangyayari sa dalawang kapatid nito, paano pa kaya si Raiven na presidente ng isa sa pinakamalaking kompanya sa buong bansa? Pero kahit ano ang gawin niya ay binabale-wala nito ang sinasabi niy

