CHAPTER 35

1318 Words

Yumuko ang babae at kinagat uli ang ibabang labi. He could almost see a hint of blood in there. Hindi nakatiis si Raiven. Lalo pa siyang lumapit dito at hinawakan ang baba nito. Napatingala sa kanya si Lauradia nang pisilin niya ang baba nito. “Stop doing that. You are bruising yourself,” mahinang utos niya rito. Agad namang tumalima ang babae. Nakita niya ang munting hiwa sa ibabang labi nito. “s**t!” mahinang napamura si Raiven. Then he dipped his head to her and softly licked the cut. Napasinghap ito pero hindi niya itinigil ang ginagawa hanggang sa bahagyang mawala ang lasa ng dugo roon. “Raiven,” saway sa kanya ni Lauradia. Lumapat sa dibdib niya ang mga kamay nito at marahan siyang inilayo. Hinayaan niya ito.  Nang magtama uli ang mga mata nila ay nakita niya ang takot at pagtataka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD