KINABUKASAN ay naramdaman ni Raiven na bumangon si Lauradia nang mas maaga kaysa karaniwang gising nito. Pero hindi siya bumangon at nagkunwang tulog pa rin. His chest warmed when he felt her kiss his lips before she went out of the room. Pero napalitan na naman iyon ng pagdududa nang sa pagdilat niya ay makita niya ang maliit na note ng babae sa bedside table. Ayon doon ay may pupuntahan lang daw ito at babalik din kinagabihan. Bumangon siya at mabilis na kinuha ang cell phone niya at may taong tinawagan. “Are you following her?” tanong ni Raiven sa imbestigador na kinausap niya kagabi. “Yes, Sir.” “Good. Tawagan mo ako kapag alam mo na kung saan siya pumunta.” Pagkatapos ng tawag na iyon ay naligo na siya at nagbihis. Kinausap na niya ang sekretarya niya kagabi na hindi siya pupunt

