NAPATITIG si Raiven sa isang artikulo sa isa sa mga broadsheet na dinala ng sekretarya niya sa opisina niya. Hapon na at katatapos lang niyang magpunta sa mga meeting na naka-schedule nang araw na iyon. Ang pagbabasa ng mga diyaryo ang ginagamit niyang paraan para magpahinga bago umuwi. Ang artikulong nakaagaw ng pansin niya ay ang tungkol sa pagkakahuli kay Armando Villacorta dahil sa pamemeke ng testamento ni Loretta Chen at kung ano-ano pang kaso na hindi maaaring piyansahan ng lalaki. May koneksiyon din pala si Armando sa isang malaking sindikato na ang modus ay mang-akit ng mayayamang matrona at nakawan ang mga ito. Sa tulong daw ng tunay na testamentong napasakamay ng anak ni Loretta Chen ay lalong tumibay ang kaso laban sa lalaki. Testamentong muntik nang makapagpahamak kay Laurad

