“MAMA, sasamahan mo ba ako rito bukas ng maghapon?” May sumundot na guilt sa puso ni Lauradia habang hinahaplos ang buhok ng anak niya. Gabing-gabi na at doon siya dumeretso pagkatapos niyang magpalit ng damit at ayusin ang sarili pagkagaling niya sa party ni Armando pero nang dumating siya ay gising pa rin si Lance. Nang itanong niya kanina sa bata kung bakit hindi pa ito natutulog ay sinabi nitong hinihintay raw talaga siya nito. Nakonsiyensiya siya dahil halos hindi na niya nababantayan ang kaniyang anak sa ospital at ipinagkatiwala na lang niya ito sa mga nurse mula nang magtrabaho uli siya para kay Miss Red Butterfly. Lalo tuloy naging determinado si Lauradia na tapusin na iyon. Na dapat ay tapos na kung hindi lang kinuha ng lalaking iyon ang envelope na dapat ibibigay ko kay Czari

