PINIGILAN ni Lauradia na itirik ang mga mata nang pagdating niya sa mansiyon ni Armando ay lango na ito sa alak. Fifteen minutes late pa lang siya sa party ng lalaki ng lagay na iyon. Marami itong bisita at gaya ng nakasanayan na niya ay nararamdaman niya ang pagsunod ng tingin ng kalalakihan sa kanya. Pero bago pa may makalapit sa kanya ay inakbayan na siya ni Armando at bigla na lang siyang hinalikan sa mga labi na para bang gusto nitong sabihin sa lahat na pagmamay-ari siya nito. Walang balak magpahalik sa lalaki si Lauradia pero labis siyang nabigla sa ginawa nito kaya hindi siya kaagad nakahuma. Lalo na nang bigla siyang hatakin ng lalaki paakyat sa second floor ng bahay nito. “Kanina pa kita hinihintay,” naiinip na sabi ni Armando sa kanya bago binuksan ang silid sa dulong bahagi n

