NAKANGITING itinuon ni Lauradia ang tingin kay Armando Villacorta na abala sa paghaplos sa balikat at braso niya habang nakaakbay sa kanya ang lalaki. Nag-panic siya nang marinig niya ang pangalan ni Raiven. Nagpalinga-linga siya para hanapin ang binata hanggang sa nagtama ang paningin nila. Naroon nga si Raiven. Nagkita uli sila pagkaraan ng walong taon. At sa sitwasyon pang iyon! Alam na niya kung ano ang iniisip nito sa kanya base sa nakita niyang reaksiyon sa mukha ng binata. That she was just a normal high-end w***e working on her next target. Hindi niya magawang inumin ang alak na binili ni Armando para sa kanya dahil pakiramdam ni Lauradia ay babaligtad na ang sikmura niya anumang oras. Wala siyang ibang nais gawin kundi ang umalis sa lugar na iyon bago pa siya mag-break down sa

