“DAMMIT, Choi! Kaya ako nagpunta rito dahil akala ko may emergency ka na naman at kailangan mo ng tulong ko. Wala naman pala,” sikmat ni Raiven sa kapatid niya nang makita ang bunsong kapatid na kampanteng nakaupo sa opisina nito sa club na pagmamay-ari nito. Tumawag sa kanya kanina ang lalaki at sinabing kailangan niyang magpunta roon sa lalong madaling panahon. Bago pa niya matanong si Choi ay tinapos na nito ang tawag at kahit anong tawag ni Raiven rito ay hindi sumasagot ang kaniyang kapatid. Kaya akala niya ay kung ano na ang nangyari dito. Sa halip na ma-guilty ay nginisihan pa siya ni Choi. “I just want you to relax once in a while, brother. Tingnan mo nga, nataranta ka kaagad? Ibig sabihin masyado ka nang stressed out nitong mga nakaraang buwan kaya kailangan mong mag-relax.” Pab

