PART 11

585 Words
JEMA:   kahit anong iwas ko talaga pinagtagpo parin kame ni deans,bumalik lahat ng sakit at galit nung nakita ko siya,,hindi pa talaga ako handang patawarin siya,punong puno ng galit yung puso ko.. anak nakita ko yun diba si deans yun..tanong ni mama pagpasok ko ng bahay hindi ako umimik,niyakap ko siya at umiyak ng umiyak sa balikat niya.. sige lang anak iiyak mo lang..sabi ni mama habang hinihimas ang likod ko.. mama akala ko ok na ok,akala ko hindi na ako masasaktan at iiyak pag nakita ko siya,akala ko matapang na ako,pero hindi mama bumalik lahat lahat ng sakit at galit  na naramdaman ko nung araw na iniwan at tinalikuran niya ako..sabi ko kay mama habang iyak parin ako ng iyak..buti nalang may magulang akong gaya na nila na masasandalan ko anumang oras.. sssshhhhh tahan na anak...alam kung mahirap anak pero bakit hindi mo subukang magpatawad,,baka yun ang sagot para mawala lahat ng sakit at galit diyan sa puso mo..anak lahat ng tao nagkakamali ang mahalaga dun handa siyang itama at ituwid kung anumang nagawa niyang mali..buksan mo yang puso mo anak,wag galit ang pairalin mo..payo ni mama pero hindi ko alam kung pano,punong puno ng galit ang puso ko..parang ang hirap gawin ng sinasabi ni mama. hindi ko po alam mama,hindi pa ako handang magpatawad..tipid na sagot ko habang umiiyak parin.. wag mong madaliin anak,dahan dahanin mo lang..step by step sabi nga nila diba..alam ko darating ang araw mawawala din yang sakit at galit diyan sa puso mo..dagdag pa ni mama,,sana nga ma sana nga dahil sobrang bigat sa dibdid ilang taon ko na dinh dinadala tong sakit at galit sa puso ko.. bakit hindi mo hayaang patunayan ni deans na pinagsisihan na niya ang nagawa niya..kahit sa apo ko nalang bakit hindi mo hayaang bumawi siya..anak alam mong matagal nang nangungulila sa ama si dj,kahit nandiyan ang papa mo iba parin yung pagmamahal na maibibigay ni deans sakanya..dagdag pa ni mama,sana ma ganun lang kadali ang lahat,.. ma hindi ganun kadali yun..maikling sagot ko saka pinunasan ang luha ko sa mata.. isipin mo nalang na para sa anak mo,sa tingin mo ha hindi magiging masaya si dj pag nakilala niya ang daddy niya..dagdag pa ni mama,,kung saya lang ma nakikita kong magiging masaya ang anak ko,dahil ngayon palang na hindi niya alam na si deans ang daddy niya sobra sobrang saya na niya pagmag kasama silang dalawa.. pag isipan mo lahat ng sinabi ko anak,,alang alang sa apo ko..huling sabi ni mama,tumango naman ako..pumunta na kame sa kusina dahil kakain na daw ng breakfast.. mommy magkakilala na po ba kayo ni tito deans..biglang tanong ni dj habang kumakain.. ahhhh   uuoo anak diba nakwento mo na siya tapos kanina nakita ko siya diba..nauutal kong sagot napatingin naman siya sakin kaya yumuko ako,napansin yata niyang nauutal ako,,matanong pa naman tong anak ko.. cool at mabait siya diba mommy,,sana kung buhay ang daddy ko gaya siya ni tito deans,,o pwede din sana si tito deans nalang ang daddy ko mommy..diretsong sabi ng anak ko na dahilan kung bakit ako biglang maubo,,parang wala lang sa anak ko ang mga sinasabi niya masyado pa talaga siyang bata para maintindihan ang lahat ..nagkatinginan naman si mama at papa pati si mafe sabay tingin sakin..eto naba ang kinatatakutan ko masyado nabang napalapit ang loob ng anak ko sa ilang araw nilang pagsasama ni deans....walang umimik samin nila papa mama at mafe,,pare pareho kameng hindi alam ang sasabihin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD