DEANS:
sobrang gaan talaga ng pakiramdam ko ky dj,ewan hindi ko maipaliwang basta masaya ako na nakasama ko siya,,tinanong ko si pongs kung sinu parents ni dj sagot ba naman sakin wag ko na daw alamin dahil diko naman kilala oh diba kundi ba naman bastos ang pinsan kung yun..naalala ko pa nung nagmall kame last week uo nga pala one week na din nakalipas nung huling nakasama ko si dj,,sobrang natuwa ako nung bonding namin sa mall pati yata ako naging bata din nung time na yun,sarap sa pakiramdam na nakikita yung ngiti niya,,yung pagnaririnig ko yung tawa niya sobra yung tuwa sa puso ko,ang weird nga kung bakit ganon pakiramdam ko sakanya...
hey baby boy are you ok..tanong ko sa batang natumba sa bike tinulungan ko naman siyang tumayo,,nakayuko ako nakatayo naman siya may konting gastas yung tuhod niya...nagulat naman ako nung pag angat ko nang ulo ko kung sino tong bata na nasa harap ko..
tito deans..gulat na tanong niya..pati ako nagulat din,,tiga dito din ba siya sa subdivision...nadito kasi ako sa harap nang bahay ko katatapos ko magjogging papasok na sana ako sa loob ng gate ng mapansin kong natumba siya sa bike niya..
dj..are you ok may masakit ba sayo..tarantang tanong ko..ngumiti naman siya,,eto yung namiss kong ngiti..
im ok po tito,,big boy na po ako kaya ko na po yang gasgas na yan..mayabang na sabi niya..teka nasan ba mommy o daddy niya bakit hinahayaan siya magbike mag isa dito sa labas..magtatanong sana ako kung nasan parents niya nang biglang may nagsalita sa likod ko nakaluhod pa kasi ako kay dj..
anak anong nangyari sayo..tanong nang isang babae sa likod ko,,kilala ko yung boses na yun hindi ako pwede magkamali boses niya yun..
im ok po mommy natumba lang po ako sa bike,pero tito help me na po..nakangiting sagot ni dj,hindi parin ako tumatayo sa pagkakaluhod ko,,sobra sobra yung kabang nararamdaman ko,,
thank you sa pagtulong sa anak mr...hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang bigla akong tumayo at humarap sakanya,,tama ako boses ni jessica yun,,natulala akong nakita ko siya pati siya nagulat din..iniwas niya ang tingin sakin at mabilis kinuha si dj..
dj anak halika na mainit na oh tama na yang pagbibike mo..nagmamadaling sabi niya kay dj,,kailangan ko siyang makausap,antagal ko siyang hinanap kapitbahay ko lang pala siya...kaya bago pa siya makatalikod hinawakan ko ang kamay niya..
jessica can we talk..kumunot naman ang nuo niya at mabilis winaksi ang kamay ko,,ramdam na ramdam ko ang galit niya..
dj anak mauna kana sa loob susunod na si mommy magpahugas kana kay tita mafe..utos ni jema may dj mabilis naman sumunod si dj..
bye po tito deans..paalam niya sakin yumakap muna bago tumakbo papasok ng bahay nila..
jessica siya ba ang anak ko..seryosong takong ko kay jema,nagulat naman ako sa reaction niya bigla ba naman tumawa buti nalang walang mga tao sa kalsada saka magkakalayo naman ang mga bahay dito sa subdivision..
nagpapatawa kaba deans kelan kapa nagka anak..sagot niya na tumatawa parin,,pero kahit tumatawa siya ramdam ko yung sakit at galit sa puso niya..
please jessica tell me the truth anak ko ba si dj..pamimilit ko sakanya na naging dahilan para maging seryoso siya..
unang una deans ezikiel wong hindi mo anak si dj,pangalawa sa pagkakaalam ko hindi mo naman deserved magkaanak dahil wala ka namang paninindigan,pangatlo matagal nang patay ang ama ng anak ko kaya wag kang mag assume na anak mo si dj..at panghuli wala kang anak sakin wong..dirediretsong sabi niya...para akong sinampal ng paulit ulit sa mga salitang binitawan niya,ganun naba talaga ako kawalang kwentang tao,sobrang sama naba nang nagawa ko sakanya..
jesssica patawarin mo sannn...hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit siya..
kahit kelan deans ezikiel wong hinding hindi kita mapapatawad,hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaanan ko dahil sa ginawa mo,sobra sobrang sakit ang naramdaman ko nang araw na talikuran at iwan mo ako...walang kapatawaran ang ginawa mo sakin,,eto na sana ang huling araw na makikipag usap at kita ka sa anak ko..huling salitang binitawan niya bago ako talikuran,,sobrang sakit ng nararamdaman ko,,ramdam na ramdam ko yung sobrang galit sakin ni jema...
malakas ang kutob ko anak ko si dj at gagawin ko ang lahat mapatawad niyo lang ako