JEMA:
hindi ko alam kong bakit ako pumayag na pasamahin si dj kay ponggay alam ko namang nandun si deans..sana naman tumupad si ponggay sa usapan namin na wag sasabihin kay dean na anak niya si dj..
best sure kaba talaga na wala kang balak ipakilala si dj sa daddy niya..tanong ni kyla nandito kame ngayon sa office maya maya uuwi na din,,alam din nilang pinsan ni deans si ponggay at alam na din nila na isa si deans sa may ari nang gagawing resort..
best ilang beses mo nang tinanong yan sakin,,at ang lagi kong isasagot sayo ay wala akong balak at wala siyang karapatang kilalaning ama ng anak ko..seryosong sagot ko habang nag aayos ng mga gamit ko..
jems pano kung dumating yung araw na malaman ni dj ang totoo,nagkakaisip na siya jems..singit naman ni ced habang ng aayos din ng gamit niya..
hahanapin din niya ang daddy niya best,lalo nat nag kakaisip siya pano pag tinanong ka niya kung nasan ang tomb ng daddy niya sino ang ipapakita mo sakanya at san mo siya dadalhin..dagdag pa ni kyla,,hay hindi ko na alam ang gagawin at iisipin ko pati sila mama ganito din ang sinabi..
jema hindi mo ba talagang kayang patawarin ang daddy ni dj,,baka naman pinagsisihan na niya ang nagawa niya,nakwento mo samen dati na kamamatay lang ng buong pamilya niya nun,,lalaki kame jema kaya kahit sobra na kameng nasasaktan hindi namin yun pinapakita,kahit hirap na hirap na kame tinatago namin yun wag lang makita ng iba na mahina kame.,jema hindi masama magbigay ng second chance kung deserve naman ng tao yun..mahabang daldal ni tots,may nasasabi din palang matino to hindi puro kalokohan..
wow carlos may sakit kaba?ikaw ba yan?..pang aasar ni ced kay tots kaya natawa kame ni kyla..
hon naman minsan lang magseryoso binara mo pa..pagrereklamo ni tots kaya lalo kameng natawa ni kyla napailing naman si ced pano ba naman parang batang nagmamaktol si tots haha..
nagulat naman ako sa vibrate nang phone ko kaya chineck ko..hindi ko alam kung matutuwa ako o anong mararamdaman ko..picture ni dj at deans na masaya....

napansin yata ni kyla na natulala ako sa phone ko kaya inagaw niya,napatakip naman siya ng bibig sa nakita niya...
hoy kyla ano ba yan bakit ganyan itsura mo..sita sakanya ni ced kaya inagaw din niya ang phone at gaya ni kyla nagulat din siya sa nakita niya..
hoy jems bakit sila magkasama..takang tanong ni ced na nakatingin pa din sa.phone ko..
hiniram ni ponggay si dj kanina ipapasyal daw niya siguro may bonding silang magkakaibigan..sagot ko saka tinapos yung inaayos ko..natatakot ako panu kung mapalapit si dj kay deans,panu kung malaman niya anak niya si dj..
best tingnan mo si dj oh kitang kita sa mga mata niya ang sobrang saya,yung ngiti niya hindi pilit,,pati yang tawa niya best oh parang ngayon ko lang narinig tumawa ng ganyan si dj..si kyla habang pinapanood yung video na sinend ni ponggay naghaharutan si deans at dj habang nagpupunas ng tissue sa bibig dahil pareho silang puro ketchup..tama si kyla ngayon ko lang nakita ganyan kasaya ang anak ko,ngayon ko lang narinig ang mga tawa niyang ganyan,,yang mga mata niya na kitang kita ang saya...si deans ba talaga ang kukumpleto sa anak ko,.
para pala silang pinag biyak na bunga jema,,buti hindi napapansin ng mga kasama nila na para silang mag ama..singit naman ni tots na nasa likod pala ni ced tinitingnan yung picture ni deans at dj na sinend ni ponggay..
uo nga jems oh tingnan ko sobrang close nila agad..dagdag naman ni ced..nag usap usap lang kame saka nagpaalam na sa.isat isat para umuwi pagdating ko nang bahay ilang minuto lang dumating din sila ponggay hinatid si dj nagulat pa siya nung hinatid niya sa bahay si dj kasi sa office niya lang sinundo kanina..nagtaka naman ako bakit ganun itsura niya at nakatingin pa siya sa kabilang bahay...pumasok na sa loob si dj excited magkwento sa lolo daddy at lola mommy niya.
jema kilala mo ba kung sino nakatira diyan sa kabilang bahay..seeyosong.tanong ni ponggay bakit ba ganito reaction niya..
hindi pongs 3years na kame dito nakatira hindi ko pa nakita ang may ari ng bahay na yan,parang last week lang yata my tumira diyan..diretsong sagot ko ,,napailing naman siya kaya mas lalo akong nagtaka.
si deans ang may ari niyan jema..diretsong sagot niya..napanganga naman ako sa sinabi niya,ganun naba talaga kaliit ang mundo para samen,at talagang magkapitbahay kame..anong gagawin ko ngayon hindi naman kame pwedeng umalis dito kabibili ko lang ng bahay at lupa na to..nagpaalam na din si ponggay na aalis na baka daw abutan ni deans ang kotse niya sa labas baka magtaka pa,,nagpaalam din siya na hihiramin ulit si dj bukas ,pumayag na ako wala pa naman pasok si dj..pumasok na din ako sa loob ng bahay pagkaalis ni ponggay..
mommy may nameet ako cousin ni tita pongs si tito dean ang cool niya mommy,,mommy sasama po ulit ako bukas kila tita at tito ha mag mamall daw po kame,tito dean said we play arcade daw po..mahabang sinabi ng anak ko,kitang kita ko sakanya ang saya at excitement ngayon ko lang nakitang ganito ang anak ko..
ok anak basta behave ka ha..yan nalang ang nasabi ko..hindi ko alam kung anu pang sasabihin ko sakanya..
yes mommy thank you..sagot niya saka humalik sa pisngi ko
ganun ba kadaling mapalapit ang anak ko kay deans