Electra POV
Hindi pumasok si Tricia matapos ang away namin kaninang umaga. Ang sabi nila, may sakit daw siya at kasalanan ko. Nagagalit ang ibang mga kaibigan niya sa akin at panay ang pagpaparinig nila ng kung ano-ano. Sa parteng iyon, alam kong mas maraming kaibigan si Tricia dito dahil sa tagal na niyang nandito. Kahit naman ganoon ang ugali niya, mas marami pa rin ang mga pinagsamahan nila kumpara sa amin ni Marga na wala pang-isang taon. Masama daw ang pakiramdam niya sabi ng isang kaibigan niya. Ang isa naman, baka daw dalhin pa sa ospital si Tricia at dapat lang daw na sagutin ko ang pagpapagamot sa kanya.
Hindi ko na lang sila pinapansin. Sabi nga ni Marga, O. A naman. Sana nga daw magka-rabies ang babaeng iyon sa mga kalmot ko.
“So, may rabies ako ganoon? Aso ako?”
Sinamaan ko siya ng tingin. Kagigising lang namin pareho. Nakaligo na ako at kakain na lang. Siya naman nabusog na daw sa tinapay na kinain.
“Ito naman! Hindi. Sana lang. . .” Inirapan ko siya. “Sana, matuluyan na nga siya.”
“Uy, masama ‘yan. Huwag tayo mag-isip ng masama sa kapwa na ‘tin.” Pagbabawal ko. Ibinaba ko sa lamesa ang suklay na hawak.
Hindi niya ako pinansin at tuloy lang sa pagsasalita. “Bitin ako sa pagsabunot sa babaeng, demonyeta niyang kaibigan. Tawagin mo ako kung aawayin ka pa nila ulit, ah? Ako sasalo sa laban mo. Laban na ‘tin, ‘to!” Tinanguan niya ako’t itinaas ang isang kamao. Umiinom siya ng zesto na stock namin dito sa kwarto. Bumili siya ng mini-ref namin nung nakaraan. Sa kusina kami nagluluto at madalas sabay kaming kumain dito sa kwarto dahil sa mga ilang-ilang bulungan nila. Naiiling na lumabas ako, ngunit bumalik ulit nang may maalala.
“I-lock mo ‘tong kwarto, ah. Dala ko susi ko. Diretso na ako sa dressing room.” Muli kong isinara ang pinto. Tumango siya at nag-thumbs-up na patuloy pa rin sa pagsipsip.
Tinitigan ko ang bulaklak na hawak ni Cindy kanina, ni hindi na niya nagawang itapon ang mga pinagbalatan niya ng chocolate sa tabi ng bulaklak. Babalikan daw niya ito mamaya.
Walang pasabi kung sino ang nagpadala nito. Walang nakalagay na card kung kanino galing at para saan. May hinala ako na kay senator, gaya ng sabi niya, pupuntahan niya ako dito at manunuod sa sayaw ko.
Alam kong wala siya sa mga panauhin namin. Hindi naman dito di-diretso iyon, dahil may makakakita sa kanya. At kung nandito man siya, sasabihin sa akin ni Bebang iyon. Pero wala.
Hindi kaya— magkasama sila. Sa kanya galing ang mga bulaklak at chocolate na ito. Alam ko.
So, asan siya?
Mula nang maging VIP ko si Senator, hindi na ako sumasama sa ibang gustong maglabas sa akin. May mga ilang costumer naman ako but for entertainment lang. Hanggang table lang at minsan may paghawak at kaunting halik sa akin. Hanggang doon lang.
Pinagbabawal niyang may maglalabas sa akin. Ayaw niya daw na may kahati. Bayad ang gabi ko kahit wala siya dito. Kahit hindi siya magpunta, bayad pa rin ako. Tambak ang mga pagkain ko at mga regalo mula sa kanya. Pinapadala niya sa kanyang driver ang mga ito kung hindi siya makakapunta.
Sweet siya. Oo, mabait. Galante at sabi nga nila Tricia— magaling, kahit sa edad niya.
Kaya ganoon na lang magalit si Tricia na nasa akin na si Senator. Malaking kawalan sa kanya iyon. Lalo na’t ilang sa mga naging costumer niya, gustong lumipat sa akin. Kung hindi naman, ako ang unang choice. Nawalan siya ng mga biggest client nang dumating ako.
Sa part na iyon, hindi ko naman ginusto. Gaya ng sabi ko, anytime, pwede niya itong kunin kung gugustuhin niya.
Sinenyasan ako na umakyat na sa stage. Solo performance ko ngayon, naka-roba akong pula nang pumasok. Inihanda ko ang sarili para sa pagsisimula. Kung dati siya ang in demand dito at binabalik-balikan— ngayon, kami na ni Marga. Mga pangalan namin ang sinigaw nila gabi-gabi.
Pagkatapos ko magsayaw— tanging fantasy bra at sexy panty with tong na lang ang suot ko.
“Danie, I would die for you. . .” paggagaya ng isang waiter sa kantang sinayaw ko nang madaanan ko siya sa likod ng stage. May hawak siyang tray sa itaas ng kanyang kamay.
“Manahimik, trabaho!” sita sa kanya ng isa pang kasunod na waiter. “Danie, pupunta ka ba mamaya sa VIP room? Doon ako naka-assigned ngayon.” Todo ngiti niyang saad.
“Tahimik! Umiilaw na guest pager mo.” Ganti naman sa kanya ng kaibigan niya. Muli itong kumanta mula sa kanta ng The Weeknd. “Cause’ I’m right for you, baaaby. . .” birit niya na hindi naman ganoon sa kanta.
Napailing na lang ako sa dalawa. Nagtulakan sila na parang nakalimutang may mga inuming dala sa kanilang mga tray. “Tsk! Ingat kayo. Mahal mga inumin na ‘yan.” Paalala ko sa kanila.
Bumalik ako sa dressing room naabutan ko doon si Marga na aligaga sa pag-aayos. “Ohh, anyare?” Ginaya ko siya sa pagsasalita. “Nagbago ka ng ayos?” Matapos ako ayusan ni Bebs, siya na ang inayusan nito.
“Kainis! May sumabutahe sa make-up at damit ko. Gagong ‘yon!” reklamo niya. Napansin ko ang mga pantal sa mukha niya ang leeg at pisngi.
“A-anong nangyare d’yan? Ang dami! Okay ka lang ba?”
Nakikita ko sa galaw niyang nangangati siya. Hindi mapakali ang kamay niyang hindi kamutin ito habang nagmamadaling mag-apply ng make-up niya.
“Nag-shower na nga lang ulit ako, wala pa rin.” Kinuha niya ang cotton na may alcohol, dinampi-dampi iyon sa leeg niya. Naiinis siya lalo nang hindi malagyan ang mukha dahil naka-apply na siya ng foundation.
“Paano ka makakasayaw kung ganyan ka? Akin na nga!” Isinuot ko muna ang roba ko bago kinuha ang cotton ball sa kamay niya. “Sabihin mo kay Bebs na hindi ka muna makakasayaw.”
“No! Sayang tips. Malaman ko lang sino may gawa nito, babalatan ko ng buo.”
“Ano ba kasi nilagay nila? Langgam. Grabe, namumula ka na!” Nagpa-panic na anunsyo ko.
“Hindi. Walang langgam, sa tingin ko, itch powder or sa— s**t! Sa kinain ko sigurong tinapay kanina. Or ewan!” aligaga siya. Hindi mapakali sa kinauupuan.
Halata sa boses niyang hindi siya makasagot ng maayos. Mas madalas pa ang mura.
“Tinapay?” May nakita akong tinapay sa kwarto namin kanina. Akala ko nga binili niya. Gusto kong kainin kanina pagkatapos ko maligo. Nakita ko na lang paglabas ko, kinakain na niya ito. Hinayaan ko na. “’Yung nasa table sa kwarto na ‘tin?”
“Oo. Saan mo ba binili ‘yon? Gutom na gutom na ako kanina kaya kinain ko. Masama ba loob mo kasi kinain ko? Ka-kaya mo ako sinumpa ng ganito?” Namumula na at parang— nahihirapan siyang huminga.
“Gage! Hindi ko binili ‘yon. Akala ko nga binili mo. Kakainin ko sana.” Pati ako nagpa-panic na sa nakikita ko sa kanya. Ramdam ko nangangati na rin ako. Bawat pumapasok dito, tinitignan kami. Tumayo siya at pinapaypayan ang sarili.
“Shiit! Sindi mo nga aircon!” Nilingon ko ang aircon. Full blow naman iyon sa lakas pero nilapitan ko pa rin para i-checked. Kahit na sagad na ang ikutan, sinubukan ko pa rin.
“Sagad na, eh.” Lumapit ako sa kanya. Tinapik ang likod niya. “Pakitawag nga si Bebs, please.” Pakiusap ko sa alam kong mabait na kasamahan namin dito. Tumango siya at nagmadaling lumabas.
“Bakit ganyan itsura mo? Hala. . .”
Namumugto ang mga mata niya!
“S-sa tingin ko, may— may mani ang tinapay. Allergic ako sa mani.” Nahihirapan na aniya. Hawak ang dibdib niya, hinahagod ito. Kinuha ko naman ang mask niya sa lamesa at pinaypay ko sa kanya kahit na hindi ako sure kung may hangin nga itong magagawa.
“Paano ka ma-allergy? Eggpie ‘yon!”
Pinaupo ko siya. Gaya ng kwento niya sa akin dati, ginawa ko ang 1st aid sa taong inaatake ng allergy. Pinahiga ko siya, pinabigyan ng sapat na space para makahinga siya ng maayos. Sumigaw ako sa iba dahil sa pakiki-usyoso nila.
“Alis muna kayo, please. Nasaan na si Bebang or si Aling Polaris? Paki-tawag naman.” Sigaw ko sa kanila. Naiinis na rin ako nang wala man lang gustong kumilos.
“Nat!” tawag ko.
“Ate! Nandito na si Ate Bebs. Wait lang, nakatakong kasi.” Aniya. Umupo sa tabi ni Marga at hinaplos ang kamay nito.
“Nat, ito susi— paki naman sa kwarto namin gamot niya. Nasa isang pouch sa banyo or sa table sa tabi ng kama niya.” pinagmadali ko siya. Itinulak ko pa para makadaan sa mga babaeng nakatayo sa may pintuan.
“May Gad! What happened?” sigaw ni Bebang sa pintuan. Hinahawi sila.
Pagpasok niya, may dala na siyang first aid kit. Kinuha niya ang BP ni Marga. Si Aling Polaris naman, pinaalis ang mga babae. Pinagalitan niya ang mga ito at nagtawag ng dalawang bouncer.
“Dalhin na na ‘tin sa hospital?” tanong niya.
“BP, checked! Air-flow checked! Medyo may pamamaga,” aniya sinisipat ang lalamunan ni Marga gamit ang maliit na flashlight.
“Hintayin po muna na ‘tin gamot n’ya. Pinakuha ko na kay Natasya. Kailangan po na ‘tin muna isaksak iyon sa kanya bago dalhin sa hospital, para lumuwag kahit papaano ang paghinga niya.” naiiyak na sagot ko. Unang beses ko makakita ng ganito.
Nakikita kong nahihirapan huminga si Marga. Nakapikit na siya na tumatango sa bawat tanong ni Aling Polaris. “Huwag ka matutulog, Marga. Saan na ba anak ko? Ang tagal naman, ata!”
Tumayo ako para silipin ang pinto. Hindi ko makita si Natasya. “A-ako na po pupunta, baka, hindi niya makita sa kwarto.” Pagkasabi noon, tinignan ko muna si Marga at patakbong pumunta sa kwarto namin.
Hindi ko inalintana ang taas ang heels ko. Para akong lilipad sa pagmamadali. “Alis!” sigaw ko sa mga babaeng nakaharang sa daraanan ko. Sa likod ako ng bar dumaan para mas mapadali.
“Nat! Ang tagal mo. . .”
Napahinto ako nang makita kung bakit siya nakatayo lang sa pintuan ng kwarto namin.
“Ate! Sila kasi. . .” sumbong niya, tinuro ang dalawang kaibigan ni Tricia.
“Pwede bang umalis kayo d’yan? Nagmamadali kami.” Tumapat ako sa pinto at kinuha kay Natasya ang susi.
Napasinghap ako ng kinabig ng isang kaibigan niya ang kamay ni Natasya kaya napatilapon ang susi.
Sinamaan ko siya ng tingin. Isinenyas kay Natasya na kunin ito muli. “Ano ba? Wala akong oras sa inyo,”
Tinulak ko siya sa kanyang balitan. Kukunin ko na sana muli kay Natasya ang susi nang itulak ako pabalik ng babae. Nilingon ko siya. Then kay Natasya na siya na ang nagbukas ng pinto.
“Kunin mo na, Nat. Ako na bahala dito.” Utos ko. “Bilisan mo na.” Dagdag ko pa.
“Hindi ba kayo nakakaintindi? Nagmamadali kami.” Tanong ko. Pinilit maging matapang. Galit na galit ako sa ginawa nila sa nag-iisang kaibigan ko dito.
“Tsk! Saan?” Tumatawang tanong niya naka-crossed ang mga braso sa ilalim ng kanyang pekeng dibdib. Taas kilay na nagtinginan sila ng kasama niya.
“Kayo ba naglagay ng mani sa pagkain niya?”
“Duh! Oo— bakit? Sa patay gutom kayo kaya kahit na ano kinakain niyo na lang.” Nang-uuyam na tumawa sila.
“Gumaganti lang kami sa ginawa mo kay Tricia.” Saad ng isa. Nilingon ko siya. Kung dati, hinahayaan ko lang sila sa mga pinaggagawa nila at sinasabi sa akin, ngayon. . . tsk! Dinamay nila si Marga.
“Wala akong ginawa sa kanya. Alam niyo ba ginagawa niyo? Pwede niya ikamatay ‘to!” sigaw ko. Sa gilid ng mga mata ko tumayo si Natasya sa tabi ko hawak ang pouch. Tinanguan ko siya na agad naman tumakbo palayo.
“So? Mababawasan pa-epal, dito. Susunod ka namin.”
Tinutal ko siya sa kanyang dibdib. Sinugod ako ng isa. “How dare you!” sigaw niya. Pinagtulungan nila ako. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para lumaban sa kanilang dalawa.
Kapwa kami hinihingal nang paghiwalayin ni Polaris. Nakasunod sa kanya ang isang bouncer.
“Kayong dalawa, sa office ni Boss Z.” turo niya sa dalawa. Inakay sila ng nag-iisang bouncer na hindi nagpatalo sa pagpupumiglas ng dalawa. “Ikaw naman, tara. Dalhin na ‘tin si Marga sa hospital. Wala ba si Senator ngayon? Parang meron siya kanina sa usual VIP room na kinukuha niya.” sunod na tanong niya habang naglalakad kami.
“Wala. Walang pasabi.” Pagkasabi ko noon ‘di na siya nagkumento pa.
Dinala namin si Marga sa pinakamalapit na emergency. Kabado kong pinakawalan ang kamay niya na tulak-tulak ng mga naka-blue scrub na mga nars.
Umupo ako sa bench na nandoon at nagdasal. Si Polaris ang pumunta sa nursing station para sa mga itinatanong ng isang nars doon. Sumandal ako at pumikit.
Magulo ang buhok ko, humulas ang make-up at nakasuot pa rin ng roba. Hindi ko na nagawa pang magpalit ng damit bago kami pumunta dito. Madaling araw na rin at wala nang gaanong tao maliban sa mga sinusugod at mga nurses dito na busy kakaikot. Ramdam kong pinagtitinginan ako ng mga nakapaligid sa akin.
“Ay, ano ba ‘yan?” Rinig kong saad ng isang ginang. “Dyos por santos! Ang laswa naman ng babaeng iyan! Bayaran siguro. May tulo kaya nandito sa hospital. Kadiri!”
Hindi ko dinilat ang mga mata ko. Nagkunwaring natutulog. Huminga ako ng malalim. Pinilit maging binge sa mga taong nakapaligid. Ang importante, si Marga. Maging ayos lang siya.
Pero— masakit pa rin pala marinig.