Electra POV
Napapa-wow ako sa bawat sulok ng bahay— hindi! Palasyo na ito. Ang gara! Ngayon lang ako nakapasok sa ganito ka-modern style ng bahay. Lahat ng sulok may ilaw, magaganda ang mga gamit. As in pang-sosyal. Totoong sosyal o beyond pa sa pinaka-sosyal. Ay, ginoon— kaya pala ganire na lang umasta ang lalaking ‘to.
Ang gara ng salaming pader sa likod ng mahahabang kurtina. Ang lalaki ng mga makikislap na chandelier na nakasabit sa taas ng ceiling. Talaga naman sa mga magaganda at mamahaling gamit. Oh, wow! Ito na lang yata ang bukang bibig ko mula pa kanina sa labas ng gate nila.
Halos umikot ang leeg ko 360 degrees sa pagkamangha. Hindi malaman kung saan ako lilingon sa dami ng magagandang gamit na ngayon lang ako nakakita.
Walang-wala ito sa bahay ni Senator. Nasa exclusive din na sub ito, pero mas malalaki ang mga bahay at mas magagara. Iyon kasi, tahimik na halos layo-layo ang mga bahay at matataas ang mga gate.
Mas maganda ‘to ng ‘di hamak. Mas bigatin pala ang kliyente ni Marga, nag-uumapaw sa yaman. Napalingon ako sa kanya. Tahimik na siya mula pa kanina nang makasakay kami sa sasakyan. Ganoon din ang lalaki niya. Para siyang naging— sub. Pagkasakay namin sa magarang sasakyan. Nawala ang pagtanggi at mga panakaw na irap niya sa lalaki.
Napanguso ako, kanina lang, tsk!
“Una na ako,” kinuha ko kay Marga ang mga dala namin at alanganin ngumiti sa dalawang— hmm, ewan ko. May nararamdaman akong tension, lalo na kay Marga.
“Ah, Sir. . . hello! Nagmamadali po kasi kami.” Saad ni Marga. Hindi makatingin ng diretso.
Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanila. Pilit kinukuha kay Marga ang dalawang eco bag na dala niya. Hinigpitan niya ito at nilalabanan ang paghila ko.
Kunot noong, “Marg, kausapin mo na siya mukhang galit.” Bulong ko.
“Lagi naman ganyan mukha niyan. Pinanganak yatang galit sa mundo ‘yan.” Balik niya sa akin.
Napagaya ako sa pagtikhim ng lalaking mas lumapit sa amin. Tumikhim siya para mabaling ang atensyon naming dalawa. “Saan kayo pupunta? I can both drop you, if you want.”
“Ah- ah, no na, sir! K-kasi diyan pa kami sa. . .” nilingon niya ang daan sa likod namin. “D’yan . . . ahmm. Sa loob ulit kami! May nakalimutan kami sa hardware.”
“Ano?” Hinawakan niya ang braso ko. “Marga,” tawag ko sa kanya. Hindi ko alam bakit siya umaayaw sa lalaking ‘to. Naalala ko ang huling sinabi sa kanya ni Madam Polaris. Kaya bakit niya inaayawan ang lalaking ‘to na parang umiiwas. Samantalang kahapon sila rin ang mag-kasama.
“Okay. Hintayin or— samahan ko na kayo. Cris!” Napalingon ako sa tinawag niya. May lalaking lumabas mula sa sasakyan na gaya niya naka-formal din ito na suot. May eyeglasses na sa tingin ko mas matanda sa kanya ng ilang taon.
“Sir. Good evening, ladies.” Bati niya sa amin. Bahagyang yumuko. Parang nakita ko na siya sa bar.
“Pakikuha mga dala nila.” utos niya. Walang salitang ginawa iyon ng lalaki. Lumapit sa akin at ako ang inuna niya. Umawang ang bibig ko ngunit hindi na nakapagsalita.
“Pe-pero. . .” Kinuha niya rin ang kay Marga at walang kahirap-hirap na binitbit ito papasok sa likod ng sasakyan. “Sir, kaya na po namin. B-baka busy kayo. ‘Di ba?” nilingon niya ako. Pinanlakihan ng mga mata. Ngumiti ako ng pilit at tumango.
“No. Pauwi na rin ako. And. . gabi na para maghanap pa kayo ng masasakyan sa ganitong oras.”
Ah? Napatingin ako sa relos ko sa kamay, alas otso traenta pa lang ng gabi. Maaga pa para sa syudad na gaya dito. 12 nga nagsasara ang mga mall. May mga masasakyan naman kami bente kwatro oras sa sakayan.
“Per—”
Tinalikuran niya kami bago pa man matapos ni Marga ang sasabihin niya. Pagtapat niya sa kanyang sasakyan, inalis niya ang coat na suot at muling naglakad. Tinignan ko ang lalaking tinawag niyang Cris, inaayos niya ang coat nito, ipinatong sa upuan bago sinara. Hinila ko si Marga na nakatayo lang at naka-tanga sa lalaking nakakalayo na mula sa amin.
“Hoy! Ano na?”
Humarang ako sa tinitignan niya. Huminga siya ng malalim. “Ano bibilhin na ‘tin sa hardware?” tanong niya. Tumaas ang kilay ko.
“Aba, ewan ko sa ‘yo. Ikaw nagsabi, ‘di ba? Tsaka, hoy. . nakakalayo na siya.” Tinuro ko ang lalaki.
Hinabol namin siya papasok sa entrance ng mall. Sandali kami pumila para ma-check ng guard. Naglakad kami magkahawak kamay ni Marga. Nanlalamig ang kamay niya. Panay ang lingon sa mga nadadaanan naming mga store.
“Alam mo, kung wala ka bibilhin sa hardware, maghanap ka ng ibang dahilan.”
“Bakit kasi nandito siya? Tsaka, ang usapan, pagnasa labas kami— react, as we don’t know each other. Nasa contract n’ya ‘yon. Kaya bakit nandito ‘yan? Ihahatid pa daw tayo.”
“Baka naman nag-aalala kasi nga daw gabi na. And girl, mall ‘to. Kahit sino pwede pumunta. Wala naman iba tao para mag-act kayo na hindi kayo magkakilala. Pareho tayong binabayaran. He knows that. Kaya para saan pa para magkunwari siya, ‘di ba?”
“Tsk! And day-off na ‘tin ngayon.” Sikmat niya.
“Oh— wala naman siya sinabi na ano, ah. Ihahatid lang tayo. Kalma! Nagmagandang loob lang ang tao.”
“Walang maganda sa loob niyan.” Irap niya.
Gusto ko matawa sa sinabi niya ngunit napahinto kami nang lumingon ang lalaki sa tapat ng hardware na pupuntahan namin.
“Ahm. . . hindi ko kasi alam size ng strew, baka next time na lang kami bibili.” Palusot ni Marga. Tumawa siya ng bahagya, siniko ako nang hindi ko man siya sinamahan sa trip niya.
Kumunot ang noo ng lalaki, halatang hindi naniniwala kay Marga. Napakagat labi ako. Pinipigilan mapangisi sa kaibigan kong alanganing napakamot ng batok niya.
“Saan niyo na balak pumunta n’yan? Hatid ko na kayo. Or kain tayo.” Tinignan niya ang kulay gintong relo niya.
“Naku, hindi na!” awat sa kanya ni Marga. “Kala mo naman kumakain sa ganito ka-public na lugar.” Bulong ni Marga. Siniko ko siya. Alam kong narinig iyon ng lalaki.
‘Di ba? Sakit nila sa bangs? Pero kung makaungol ngayon parang ang tagal nilang hindi nagkita.
Sandali lang kami nag-usap-usap sa may counter, pinainom kami ng wine at ilang tanungan. May isa siyang katulong na hinatid ako sa magiging kwarto ko kuno. Sa second floor ito at bawat kwartong madaanan ko, para akong nasa isang museum. Maraming mga art pieces bawat sulok.
At ang kwarto ko. . .
Ang ganda! Puting kama, puting mga walls. May beranda, maganda rin ang roses na nasa tabi ng bed table.
Ito ang una kong nilapitan, at manghang fresh pa ito. Totoong bulaklak pa nga! Isang kumpol sa isang babasaging vase.
Alam niya bang pupunta ako dito? Kasi, kung hindi— bakit maglalagay siya ng fresh flowers— oh, sabagay, mapera sila.
Baka gusto lang niyang welcome na welcome ang mga guest niya kung sakali.
Like us, biglaan.
Umupo ako sa malambot na kama. Ilan beses ako nagpatalbog-talbog para ma-test and lambot nito. Hindi ako lumulubog, hindi rin sobrang lambot. Tama lang, firm ang lambot niya. Hinawi ko ang kurtina sa babasaging pader. Wala naman ako makita doon na kakaiba maliban sa mga ilaw ng ibang mga bahay. Pero ang hangin na tumatama sa mukha ko, ang sarap sa pakiramdam.
Ngayon lang ulit ako nakalanghap ng ganito kasariwang hangin mula nang umalis ako sa probinsya. Mula nang mga araw na iyon, usok ng sigarilyo, alak at mga mamahaling perfume ng mga lalaki ang nalalanghap ko.
Dahil wala akong damit na dala, wala ako pamalit pantulog. Inalis ko ang suot kong maong na short at crop-top. Naka-bra at panty lang ako sa ilalim ng kumot. Alas- tres na nang madaling araw nang makaramdam ako ng uhaw. Isinuot ko ulit ang damit ko at nagdiretso sa kusina nila. Hindi naman siguro masama mangialam dito. Baso lang naman ang gagamitin ko, huhugasan ko na lang pagkatapos na parang hindi ko iyon ginalaw.
Hindi ko na nakita ang lalaking Cris na naghatid sa amin. Ang katulong naman, hindi ko alam kung saan ang kwarto niya. Nakakahiya na rin kung i-istorbohin ko pa siya.
Nakapaa akong naglakad, iniiwasan makagawa ng ingay. Hindi naman ako nahirapan makarating doon dahil. Nakikita ko pa rin naman ang dadaanan ko kahit na hindi ganoon kaliwanag.
Humawak ako sa isang cabinet na nadaanan mula sa ibaba ng hagdanan. May grand piano sa tabi nito at may isang baso ng tsapain.
Parang ganoon yata tawag doon. Basta wine. Kulay maroon.
Napalinga ako sa paligid. Tahimik. Tangin ungong lang na sa tangin ko, ungong ng ref o aircon. Pumunta ako doon, naghanap ng tubig ng pitsel. Sunod ang baso— pero wala ako makitang estante. Siguro dito sa mga cabinet, isa-isa ko iyong hinila ng bahagya. Naka-ilan ako bago napunta sa mga baso. Grabe, napakasinop naman nila. Para tuloy walang gamit sa sobrang sinop.
Nakailang lagok na ako nang makarinig ng kalampag. Nung una, hinintay ko may sumunod pa tanda na may gising na at pupunta dito.
Ngunit, ilang kalampag iyon na parang. . . hinahampas.
Kumunot ang noo ko, nakinig.
Binalik ko sa ref ang tubig, hinugasan ang baso saka, umakyat muli. Sa 3rd floor galing ang tunog. Nasa second floor na ako at paliko na sana sa kinaroroonan ng kwarto ko nang marinig ang ungol ni Marga. Hindi basta ungol.
Kaya nagtaka ako.
Nagmadali ako bumaba ng ilang hakbang sa hagdanan para makapagtago. Bumukas ang pintuan. Sinilip ko iyon, anino lang ang nakita kong lumabas mula sa loob ng isang kwarto. Pagkasara, sabay nawala ang anino. Kagat labing yumuko ako, alam kong naglakad ang mga yapag. Napahigit ang hininga ko nang makitang walang kahit na anong saplot ang kliyente ni Marga.
As in hubo’t hubad itong naglalakad at karga si Marga sa kanyang bisig. Parang bagong kasal. Parang bagong honeymoon. Wala rin saplot si Marga. At mukhang— walang malay.
Nanlaki ang mga mata ko sa— sa nakikita. Ang pwet ni. . . OMG! Hindi ito ang unang beses na makakakita ko ng hubad na lalaki pero, natatawa ako ng sobra.
Sasabunutan ako ni Marga nito. Napabungisngis ako. At ang laki, ah. . kaya pala ganoon ungol niya.
Ayaw daw sumama pero hindi pa kami nakakalayo kanina ng katulong niya para ihatid ako sa kwarto ko nang lingunin ko sila pabalik, naghahalikan na sila at halos ihiga na nito si Marga sa counter. Ang isa naman, tsk!
Sarap sabunutan! Ayaw pa kunwari. Ungol naman nang ungol, halikan pa lang. Nagpipigil lang pala, tsk!