One-shot
This is work of Fiction.
THE UNFORGETABLE DECISION by byunta_queen
I'm almost living with my own fantasy world and I fan of it. Yes ! I like fairies, mermaids and other enchant living creatures .
Nagsimula ito nung nag kwento ang lola ko nung siya ay nasa kabataan palamang . Nakapunta na daw siya noon sa ibang mundo----mundo ng mga engkanto -the place we're almost perfect and rich ,kaya nacurios ako sa mga shinashare ni lola ko. May naging kaibigan daw siyang fairy nakatira sa bulaklak na pinapangalan niyang Cinderella and I like to have a freinds like them also.
Naka-impaki na kami ng mga gamit dahil babalik na kami sa probinsya Kung saan nakatira ang lola't lolo ko.
"Pa! Excited akong makapunta sa probinsya ,gusto ko makakita ng engkantada for real! "
Napahinto si Papa at mama sa kanilang ginagawa at sabay pa silang nagkatinginan.Lumapit si mama sa akin at may pinasout sa akin. Kwentas siyang may maliit na boteng pendant at may papel sa loob.
"Maze! Ipangako mo samin ng mama mo na pagkarating natin doon. Wag mung babangtin ang mga yan. Atsaka wag mong tatangalin ang Kwentas na yan! "
"Hindi mo dapat, ginugusto sila. Hindi sila katulad sa atin!"
"Naiintindihan kita anak, maski ako noon, interesado din sa bagay nayan pero yan din ang kinapapahamak ko !"
Kahit di ko Alam Kung bakit sila ganun, tumango nalang ako sa kanila.
"Opo! "
Gusto ko sanang itanong Kung para saan 'tong kwentas . Kung bakit binigyan nila ako ng ganun ka weird na Kwentas, nanahimik nalang ako para Hindi na masayang oras namin sa pag-explain nila sa akin di bali, pag nagkita na kami ni lola.
------
Pagkarating namin sa bayan ng probinsya . Umarkila lang sila papa ng sasakyan para maghatid sa amin roon dahil papasok pa. Nasa kalagitnaan na kami ng daan papunta sa bahay nina lola. Maraming kahoy at talagang mamangha ka sa paligid. Mga bulaklak na nakadikit sa kahoy na kaakit-akit tignan.
Naagaw ang atensyon ko sa isang lalaki nakatayo sa gilid ng kahoy na may kakaibang kasoutan. What? may nagtataping ba ng movie dito ? Ba't ganon suot niya?
Ang mga kulay berde niyang mata ay parang naghahalina kung kaya nilabas ko ang ulo ko sa bintana para makita siya kaso bigla nalang siya nawala roon . First time Kung makakita ng ganong mata? Green? Dagdag pa yung sout niyang sobrang weird.
Hindi lang din kami lumalayo dun sa lugar na nakita yung lalaking may green ang mata , dahil malapit na din iyon sa bahay nila lola.
"Lola! Lolo! "
Sabay yakap ko sa kanila pagkalabas ko ng sasakyan ,sila mama kausap pa ang driver na inarkila nila.
"Apo! Ang laki mo na, Apo "
"Oo maze. Parang kelan Lang, inaakay ka pa ng lola mo pag umiiyak! ", si Lolo naman.
"Mano, Tay ! "
Nagmano sila Mama at Papa saka ako sumunod. Sa sobrang excited ko nakalimutan ko iyon.
Nag-aya na sila Mama pumasok sa loob pero ako nag paiwan ako sa labas. Natutuwa kasi ako sa mga bulaklak ni lola nakatanim sa bakod.
"Ang gaganda niyo naman? "
Kausap ko sa mga bulaklak na parang nakangiti sa paningin ko.
" Maze! "
"Ma! "
" Wag kang lumayo rito huh! Hindi mo pa alam ang pasikot-sikot rito ?"
"Opo! "
Saka ko ulit bumaling sa bulalak nasa harapan ko. Kinuha ko cellphone ko at kinunan ng litrato isa-isa. Ang cu-cute kasi ang tanim ni lola.
Umikot na ako sa likod ng bahay. May isang bulaklak ang naka agaw ng atensyon ko. Ang puputi ng petals niya at talagang namumukadkad siya ng sobrang ganya. Ang mahalimuyak nitong amoy na parang ito ginagamit pambango sa perfume Ang ganda, diko ma explain ?
Lalapitan ko na sana pero naunahan ako ng --- isang butterfly na may mala-unicorn ang kulay. Nakakamangha as in. Kahit sa google hindi ko pa nakita ang ganung klaseng paru-paro parang nasa ibang mundo galing.
Dumapo ang paru-paro sa bulaklak kung saan yun sana ang lalapitan ko kanina. Hangang sa muling lumipad na naman siya pataas. Sinundan ko ito para makunan ko ng picture. Pinipicturan-ko na ito kahit lumilipad kaso blurred ang mga nakuha ko. Kahit pumasok na sa kakahuyan ang butterfly pero sumulong parin ako. Disperada akong kunan iyon ng litrato.
"Ay sorry po! "
Pinulot ko ang cellphone sa damohan. Nang mag-angat ako ng tingin para makita kung sino yung nabunggo , para nafreeze sa kinatayuan ko. Pinagpawisan pa ako when our eyes met.
"Di ba kayo po yung kanina nakita ko sa kakahuyan?. "
"Oo !"
Ang mala berde niyang mata ang nagpapalakas ng t***k ng puso ko.
"Matagal kitang hinihintay, Samantha! Muli naman tayong nagkita !"
Napatulala lang ako sa kanya. Ano daw? Samantha? Jusko! Lola ko yun a. Jowa ba siya ng lola ko. Imposible? Kamukha lang ako ng lola ko ng kabataan niya pero hindi ako si Samantha.
Tumawa ako baka matawa din siya . Kaso seryoso si kuya?
"May taping ba kayo rito . Anong genre ng movie ? Fantasy ba? Gusto ko emekstra. Magaling akong umakting----" hindi ko na naituloy dahil ang seryoso ni kuya. Tumingin ako sa paligid, kakahuyan lang. Walang direktor, walang camera, kami lang dalawa.
" hindi ko alam ang iyong sinasabi, Mahal kung Samantha. Basta mahalaga sa akin ngayon ay nagbalik ka "
"Huh? Wait lang kuya,ah. Di kita magets. Maze po pangalan ko hindi Samantha. Baka nagkamali po kayo? Jusko! Gwapo niyo po? "
Hindi ko mapigilang purihin siya dahil ang Gwapo naman talaga niyang nilalang. Anong lahi ba meron siya baka sakaling hindi siya makatuluyan ko, maghahanap na lang ako ibang kalahi niya.Ahernn!.
"Ilang taon akong nag-iisa at naghihintay sayo, oras na para bumalik tayo sa tahanan natin! "
"Heh! Ayoko na. Cut..Cut...alis na ako baboo-----"
"Aray ughh! "
Dahil sa kashungaan ko hindi ko nakitang May maliit na sanga pala akong natapakan kaya yun ang dahilan ng pagkadapa ko.
"Halika, Mag-iingat ka Samantha. "
Naglahad siya ng kamay sa akin. Parang pati inner core ng utak ko nauyog din sa pagkadapa ko.
"Salamat! "
"Tara !"
"Huh?"
"Sundan natin ang paru-paru na iyon? "
Sinundan ko yung tinuro niya. Yung impokritang paru-paro nayun ayaw magpakuha sa akin ng litrato. Feeling na butterfly porket maganda siyang tignan ,sarap batuhin ng sapatos.Grrr! Kasalanan niya 'to eh.
Pagkasabi ni Green eyes guy, lumipad na naman unicorn butterfly sa kung saan.
"Wait lang! " pagpigil ko sa kanya. "Incase lang hindi ko siya makunan ng litrato, tayo nalang mag picture atleast hindi naman masayang ang effort kung pumunta rito para sa impokritang butterfly nayun!Diba! "
Sabay higit ko sa braso niya. Kaso yumuko siya kaya ang ang matangos at ang kalahati lang na mukha ang naisama sa kamera.
Nagulat ako sa paligid dahil May narinig akong umagos na tubig. Isang paraisong ilog aking nasasaksihan ko . Yung nakikita ko sa T.V ay katulad ng aking nakikita ngayon. Hindi lang kami ang nandito.
"Sirena? " Nanlaki ang mata ko nakatingin sa mga babaeng nagtatawan sa tubig. Para silang mga chismosang stupidents sa skwelahan. Nagtipon-tipon. "Totoo ba 'to? "
Sinampal ko isa kung pisngi. Masakit. So totoo nga?
"Lahat ng nakikita mo, Mahal ay totoo. Tumingin ka sa iyong sarili! "
Sinunod ko naman ang sinabi niya.
"Heh! O my god. Ang ganda. Jusko! Totoo to. Wahh! "Umikot ikot pa ako na Parang bagong baliw sa lansangan. Feel ko outfit ko ngayon. Naka dirty white akong bestida ngayon at may-koronang bulaklak ang nakasabit sa ulo ko.
Tumingin ako sa kanya. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti simula kanina.
"Alam mo pangarap ko 'to noon? Ang makapunta sa ganitong lugar. Ang makasout ng ganitong damit. Ang makakakita ng mga --- Wait lang! Selfie tayo, para May mai-upload ako sa IG ko . ", Kaso pag -open ko sa phone, biglang siyang nag shutdown. Kainis!
"Halika. Pupunta naman tayo sa harden? "
"May harden kayo rito? Tara tour mo ako? Mahilig ako sa mga flower? "
Ngumiti lang siya. Sumunod ako sa kanya. Napatingin naman ako sa kanya, ba't ang hinhin niyang maglakad.Hindi bagay sa kanya.
"You know what. I'm a fan of Fantasy. Saang lugar ba'to, para next time dalhin ko yung mga freinds ko rito para masaya diba? "
Huminto siya at Tumingin sa akin.
"Hindi maari at hindi nila ito basta-bastang mapapasok. Ang lugar na ito para sa mga kalahi ko lamang ? "
"Ay ganun ba? Anong bang lahi mo kuha? Filipino? Di ka naman mukhang pinoy, korean hindi rin. German siguro,pwede. Tama ba ako? "
"Ang aming lahi ay wala sa isa na nabangit mo. Isa kaming----"
"Oh my g ! Ang cucute nila. Fairies. Oh em ge! "
Tumakbo ako sa mga harden na puno ng magagandang bulaklak. Ang feelingerang paru-paro kanina yy dumami narin sila. Ang ganda. May mga fairies din nagliliparan. Ang cute.
"Hey! Come here !"
Tawag ko sa kanya. Lumapit naman siya sa akin.
"Ano ulit pangalan mo, Green eye guy? "
"Tawagin mo na lang akong Hashim, Samantha? "
Here we go again. Samantha na naman. Sino ba kasi yun? Siguro girlfreind niya yung nang-iiwan sa kanya. Isa lang masasabi ko sa naging jowa----ni Hashim. Isa siyang pokpokera. Pinakawalan pa ang Isang hotty Green eyes guy. Jusko pag ako naging asawa nito, Ayoko siyang umalis na hindi niya ako kasama..
Nagulat ako na bigla siyang Tumawa.
"Luh! Ano nakakatawa? "
"Hmm. Masaya lang ako sa sinabi mo? "
Sinabi ko? Ano ba sinabi ko? Self may sinabi ka?
"Wag kang mag-alala, hindi talaga ako aalis pag hindi ka kasama!Sana Ikaw din "
Napahawak ako sa mukha ko. Ano ba ? Nababasa ba niya nasa isip ko?Umalis pasiyang nakangiti.
----------
"Wow! Ang ganda dito? Asan ba ang magulang mo? "
Tanong ko. Sa laki ng bahay--- I mean palasyo. Siya lang mag-isa. Crazy!
"Nasa sariling tahanan nila? "
"Ay! Kanya-kanya pala rito. Bakit? Puntahan natin parents mo, ta. Sasamahan kita? "
Ngumiti siya sa akin. "Wag na. Huli na ang Lahat. Hindi na ako makakapasok sa teritoryo nila. Subalit, pinarusahan na nila ako! "
Umupo siya sa Isang bench na May mga bulaklak sa gilid. Na curious tuloy ako. Matanong pa nga?
"Bakit naparusahan ka? Ano ba ginawa mo? "
"Lumabag ako sa batas ng Enkantasya? "
Huh! Enkantasya? Wait? Loading ? Saan bang lupalop ng pilipinas 'tong lugar nila.
"Ano bang batas niyo rito?"
Mamaya ko na siya tanungin kung Saang lupalop ng mapa 'tong lugar nila.Matanong nalang kung anong batas nila. Jusko baka may mailabag ako. Paktay!
"Bawal umibig ang kagaya namin sa Isang mortal. "
Mortal?
"Heh! Dont tell me isa kang ---"
"Engkantado. Tama ka! "
Engkantado? Hindi yan ang naiisip ko?
Nanlaki mata ko na marealize ang sinabi niya. Tumayo ako sa kinaupuan. Tinapik ko pisngi ko. Binangungot na ba ako sa sobrang adik ko sa Fantasy.
Ayoko na? Ayoko rito?
Tumingin siya sa akin. Nababasa ko ang mukha niya na nasasaktan siya. Bakit?
"Wag mo kong itaboy, Samantha. Nasasaktan ako? Nababasa ko ang nasa isip mo pero di ko kayang i-control ang Lahat ng nasa isipan mo "
"Huh ?"
"Isa akong prinsepe ng engkantasya bago ako naipatapon rito. Simula nun ito na naging tirahan ko. Mag-isa kasama ang lungkot at pighati dahil binalik nila ang babaeng nag-iisa kung minahal at Ikaw yun, Samantha! Ilang taon akong naghihintay. Kung sa mundo niyo naghihintay ako sa babaeng maipanganak sa pangalawang henerasyon galing pamilya mo, Samantha! Dahil sinumpa nila ang una kung pag-ibig "
"Hindi ka ordinaryong tao? "
Pilit siyang Ngumiti sakin." Oo pero May paraan para maging mortal ako kung pipiliin mo ako kesa pamilya mo! "
"Hoy! " ,Tumayo ako at hinarap siya. "Hindi naman pwede iyon? "
"Pag-isipan mo, Samantha! Gustko maging mortal kagaya mo para walang nang hahadlang sa pagmamahal ko sa iyo ", sabi niya bago umalis.
Napabuntong hininga ako. Ang bigat sa pakiramdam? Bakit? Parang nasasaktan ako sa kanya. Naawa ako sa kanya. Gusto ko siyang tulungan pero Di ko alam kung pano?
" Binibini? "
"Oh my god! ", Tumayo ako sa gulat. Yung feelingerang butterfly nagsasalita.
"Nagsasalita ka? "
" narinig niyo na po akong nagsalita? Ibig sabihin tama kayo "
"Bakit? Ano sadya mo? ", pagtataray ko sa kanya akala niya nakalimutan ko yung ginawa niya.
Hindi sumagot Paru-paro at umalis nalang bigla. Ay ma-atitude talaga? Sa Lahat nakikita kung paro-paro ito lang pinaka -maattitude.
Sinundan ko yung paro-paro hangang sa huminto siya sa Isang silid.
"Wow! "
Puno ng bulaklak ng boung kwarto, May mga paro-paro din gaya niyang feelingera. Hindi namamansin. Dumapo siya isang maliit na mesa na May Isang bote nakalagay sa gitna .
"Ano 'to? "
" Yang bote nayan Ay pinapangalaan ng magenta rito sa engkantasya. "
"Ano Yang nasa loob? "
" ilan nakikita mo? "
Nakakainis din 'tong parong-paro to. Papabilangin pa talaga ako.
"One..two..three..four.. five...six! ",sabi ko sa kanya .
'' ilan ang iyong bilang ?''
'' o my god! ang kulit mong paru-paro ka. sabing six e. o sige anim !''
"Yan ang anim na Yan Ay luha mula sa mataas na antas na engkantado? "
see? di pala niya ako naiintindihan kanina. kaloka! wala bang silang english class. kaloka!
" LUHA? "
Nagulat siguro siya sa pagtaas ng boses ko. Dapat lang, ginulat niya rin kaya ako kanina nung sasalita siya. Gantihan lang men.
" sinong engkantadong iyon?"
"Si prinsepe Hashim. Ang mga kagaya nila Ay hindi mo basta-bastang makikita ang mga luha nila lalo na pag marami ring engkantado makakita. Ikinahiya sa kanila ang mga Taong mahihina lalo na sa pag-ibig "
Si Hashim? Seryoso talaga siya kanina. Akala ko nagbibiro lang talaga siya.
"Ba't siya naparusahan? Ano ba kasi ginawa niya? "
"Sa engkantsya, batas Ay batas. Ang mga kagaya nila ay Bawal umibig sa taong mortal. At hindi sila basta-bastang makakapasok sa mundo namin? Pinapayagan lang nila ang taong mortal makarating rito pag natipuhan sila ng Isang engkantado?"
"Eh pano ako. Nakapasok ako rito. So Ibig sabihin, May nakatipo sa akin? "
"Pasensya na. Hindi ko masasagot iyan? Ikaw mismo ang makakasagot tanong mo? "
"Yung mga tao sa engkantasya ba Ay nabubuhay ba sila habambuhay. i mean dindi ba sila namamatay ?"
Yun yung Nababasa ko sa mga libro. Hindi daw namamatay ang mga immortal. Grabe! 99 level na talaga tong cuiriosity ko.
"Depende.Lahat May rason. Pero ito lang ang alam kung mabisang rason ; pag -hindi nasusuklian ang pagmamahal nila, mamatay sila. Lahat ng mga mortal na Nakapasok sa engkantansya Ay mabilis lang sila makabalik sa kanilang mundo gamit ang salitang makakapagpabalik sa kanila. "
------
Gulong-gulong ako napaupo sa isang bench. Ano ba'tong na experience ko. Really ? Yung enexpect ko sa Fantasy world malayo lang sa na experience ko.
Pati yung lovelife ni Hashim prinoproblema ko pa. Akala ko sa mortal world lang nangyayari ang Ang complicated relationship pati pala dito. Kaloka!
"Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap? "
" Somewhere down the road! "
Sabi ko pero Parang Di niya na gets.
"Alam mo na intriga na talaga ako sa lovelife mo . Sakit sa bangs? "
"Mahal kita ,Samantha "
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Ba't ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Medyo kumirot ang dibdib kung nas aman kanina. Ganun ba talaga niya kamahal sa kanya nababaliw na siya.
Hindi nalang ako kumuntra, ako na niyakap ng Isang hotty engkantado----aarte pa ba?
"Hihilingin ko sana na hayaan mong hakapin kita Kahit ngayon lang"
Hindi ako sumagot bagkos pinapakiramdam ko t***k ng puso niya. Sa sobrang dikit ng katawan namin nararamdaman ko mabilis ang pintig ng puso niya.
"Ang bilis ng t***k ng puso mo. Hindi normal ?"
Baka kung nasa mortal world kami, iniisip kung May sakit itong engkantadong ito. Humiwalay siya sa akin at ngumiti.
"Hindi galing sa akin iyon. Sa iyo, yun Samantha! "
"Huh! "
Agad kung nilagay yung kamay ko sa dibdib kung totoo at talagang sa akin pala galing. Jusko! Ano bang nangyayari sa akin?
"Hashim! Gusto ko Nang bumalik sa mundo namin. Ayoko na rito? "
Ang kaninang masaya niyang mukha Ay napalitan ng lungkot.
"Iiwan mo rin ba ako ulit? "
"Kailangan kung bumalik sa mundo namin, andun ang pamilya ko naaghihintay sa akin! "
"Ilang taon rin ako nag-aantay sa pagbalik mo, Samantha! "
"Hindi ako si Samantha! "
" Pag-isipan mo? "
"Nakapag-isip na ako? Gusto ko ng umuwi sa amin?"
"Hindi na ba talaga mababago desisyon mo? "
"Bou na pasya ko ,basta Ayokong magtagal rito! "
Sa gilid namin, may biglang lumitaaw na maliit na butas na gawa ng malakas na hangin .Ito na yata ang lagusan.
'' hindi ko man matatamasa ang ninanais kung maging mortal , di bali nasulyapan kita sa pangalawang pagkakataaon . masaya kung babaunin ang pasya mo sa pangalawang buhay !''
kita ko siyang pilit ngumiti. Nakita ko siyang lumuha bago ako higupin ng malakas na hangin papasok sa loob ng lagusan.
Hashim?
------------
Napahawak ako sa ulo ko. Ang bigat? Parang pati mundo niya pasan ko na?
"Hashim? "
Tawag ko sa kanya.
"Apo! "
"Lolo! "
Nagulat ako dahil hindi si Hashim ang nasa harapan ko. Kundi ang Lolo ko. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Tama nasa bahay na ako. Pano ako nakabalik rito?
"Lolo. Pano ako napunta rito ?"
Inalalayan ako ni Lolo umupo sa kama. Pinainom niya ako ng tubig na May nga halamang ugat ng mga kahoy na ginagamit niyang pangamot. Isa siyang abularyo.
"Nakita kita sa gitna ng kagubatan nung naghahanap ako ng mga halamang ugat . Ang tagal mong nawala Apo! "
"Matagal. Isang araw lang naman po?"
oo kahapon lang naman ah. Asan na sila mama?
" Sa engkantasya. Ang Isang araw ay katumbas ng Isang taon at ang isang minuto nila, sa atin Ay araw! "
Nagulat ako dahil alam ni Lolo Ang engkantasya. Akala ko ako lang May alam. Balak ko pa naman sanang i-share sa kanya ang mga nalalaman Kaso baka Di niya ako paniwalaan.
"Pano niyo po nalalaman ang engkantasya? "
"Apo sa mundong ito. Hindi lang tayo ang na mumuhay . Merong iba na hindi natin nakikita. Sa pagkawala mo, alam namin na nasa Enkantasya ka, kasama ang prinsepe. Wala kaming magawa dahil iyon ang nakatadhana?"
"Nakatadhana ?"
"Si Prinsepe Hashim Ay mula sa mataas na antas sa engkantasya na umibig sa isang mortal na si Samantha, na iyong lola! "
Napatakip ako ng bibig. Si lola at Hashim Ay naging sila.
"Iyon ang bawal sa engkantasya. Pinatapon siya dulo ng parte ng engkantasya .Sinumpa at pinarusahan si Hashim. Bilang kapalit sa pagtangap sa parusa Ay kamatayan ?"
"Po ?"
" Dahil sa sumpa naisama ang lola mo. Sa pangalawang henerasyon mula sa angkan natin . Ang unang babaeng nakatadhana para baguhin ang buhay ng isang engkantado ay Ikaw?"
"Ako? "
Tumango si Lolo.
"Nung magkasama kayo, pinapapili ka ba niya ?"
Dahan-dahan akong tumango kay lolo.
"Opo ! Pinapapili niya ako sa kanya o sa pamilya. Syempre ,pinili ko yung pamilya !"
"Apo. Pinag-isipan mo ba talaga iyon bago ka sumagot !"
"Hindi! naguguluhan po kasi ako "
"Iyon Ang mali mong naging desesyon"
"Po! pano naging mali? "
" Apo, paminsan May mga bagay talaga na mahirap ipaliwanag. Pwede mo naman siyang piliin bago pamilya dahil Ang kapalit ang pagiging mortal niya kasama mo pabalik sa mundo natin, iyon an ba nakatadhana sayo pero sa maling desisyon mo, Ikaw mismo bumago sa tadhana na nag-aabang sayo . "
"Lolo ba't po marami po kayong alam tungkol sa kanila "
"Gaya mo, nakarating narin ako dun Apo at si Prinsepe Hashim Ang tumulong sa akin makabalik sa mundo natin kaya hindi ko makakalimutan ang kabutihan niyang ginawa sa akin. Ito tignan mo? "
May nilabas si lolo na panyo. Apat na maliliit na butil na Parang crystal kaso durug na siya.
"Ano ito lolo? "
"Iyan Ay mga mahiwagang luha ng isang engkantado. Ano nakikita mo,Apo? "
Naalala ko yung pinapakita ng paro-paro sa isang silid.Bote na May lamang anim na luhang crystal.
" mga durog na crystal po! "
"Ibig sabihin ! Wala na ang enkantadong nagmamay-ari ng crystal na luha! "
"Po! "
"Sa pag-apak mo sa Enkantasya, nakasalalay na sayo ang buhay niya! "
"Hashim! "
Nanginginig akong napahawak sa panyo.
"At ang paglisan mo sa enkantasya ay Ang pagpatay mo sa kanya na dapat ay kasama mo siyang lumabas ng enkastaya. Dahil sa Gusto mo at sa maling desisyon mo nagluluksa ngayon ang boung enkantasya sa pagkawala ng isang susunod na mamumuno "
Walang pigil ang pagtulo ng luha ko. Una palang ,nabangit na ni Hashim sa akin ang pagpili between sakanya at sa pamilya ko. Pina-paisip pa niya ako. Nabangit narin ng paro-paro ang unang epektibong rason para dahilan na mamatay ang isang engkatada at engkantado pag hindi nasuklian ang Pagmamahal nila.
He's waiting me for a fcking two generation to change his future pero wala akong ginawa. Sising-sisi ako na ginawa kung pasya. Napaka selfish ko. Kung alam ko lang na dapat pala ganun , ginawa ko sana. matatamasa sana niya ngayon ang pagiging mortal.
I choosing my want than saving his life.Damn! it just like I'm One who killed him.
I'm So sorry, Hashim.