Maxine and Josh first encounter

990 Words
MAXINE'S POV " teka bes naiihi ako. " sabi ko sa mga kaibigan ko habang naglalakad kami pauwi. " sa bahay ka nalang mag cr, wag na dito. " takot na sabi ni Olive. " bakit sa bahay pa eh madami namang cr dito, tsaka saglit lang naman eh. " " Di mo knows? May nagpapakita daw dito pag lagpas 5pm na daw. halika na ." paliwanag naman ni Jasper. " naniwala naman kayo? naku di totoo yun kwento kwento lang nila yun, kayo talaga. sigee na balik ako agad hintayin niyo ko diyan. " Pagkatapos kong mag cr mabilis akong naglalakad kasi parang may sumusunod sa'kin kaya bigla akong nakaramdam ng takot. Maya maya pa ay may biglang humawak sa balikat ko dahan-dahan ko siyang nilingon tsaka ako sumigaw. " AHHHHHHHHHHHHHHH " sigaw ko. Nang mapansin kong wala man lang siyang reaksyon nanahimik na ako, mukha namang hindi siya multo kasi ang gwapo niya namang multo kung nagkataon. " sino ka? ba't ka nananakot ha? " galit kong tanong sa kanya. " Hindi kita tinatakot, may itatanong lang ako. " sabi niya sa'kin. " ano yun? " mataray ko namang tanong sa kanya. " new student kasi ako dito, gusto ko lang itanong kung nasan Dean's office? " tanong niya sa'kin. " umakyat ka sa third floor tapos tingnan mo nalang yung mga doors don malalaman mo agad kung asan yung Dean's office kasi may nakasulat naman sa door, pero baka di mo maabotan yung dean kasi uwian na eh. " paliwanag ko sa kanya. narinig kong tumatakbo yung mga kaibigan ko papunta sa'kin kaya nilingon ko sila. " bes ano? Okay ka lang? " hinihingal na tanong sakin ni Olive . " may nakita ka bang kakaiba? " tanong naman ni Jasper. " ah wala, akala ko lang may nakita akong multo tao lang pala, may tinanong lang kasi siya sa'kin. " sabi ko at sabay turo sa lalaking nagtanong sa'kin. Nang nilingon ko yung lalaki nawala na. " San na napunta yun? andito lang yun kanina eh. " paliwanag ko sa mga kaibigan ko. " naku! yun na yun bes! " takot na sabi sakin ni Olive. " AHHHHH takbo mga bakla " sigaw naman ni Jasper. Kaya ayun nagsitakbohan na kaming tatlo pauwi. Anong oras na di parin ako makatulog, naiisip ko yung lalaking nagtanong sa'kin kanina. Multo ba talaga yun? Pero bakit parang totoong tao? At tsaka bakit ang gwapo? Sumisigaw na si Mama sa baba kaya tumayo na ako at naglakad pababa, nakapikit pa yung mga mata kaya di ko nakita yung hagdan. Nagulat sina mama kung ano yung malakas na tunog, di nila alam nahulog ako sa hagdan. " aray... " mahina kong sabi. " ayan! di ka kasi nag-iingat! " sigaw ni mama. " ang sakit ng bewang ko ma. " reklamo ko kay mama. " ipapa massage nalang natin yan this weekend, bilisan mo na Maxine at late ka na. every morning ka nalang ba kailangan gisingin? matanda ka na kaya dapat alam mo na kung anong oras ka dapat gigising. " sermon ni mama sa'kin. " oo na ma, gigising na ako ng maaga bukas. Kumain ka na po, ang aga-aga nagrarap ka na naman. " reklamo ko ulit kay mama. Dumating na ako ng skwelahan yung lalaki paring yun ang nasa isip ko. " bes anyari sayo? nabalian ka ba? " salubong na tanong sa'kin ni Olive. " huyyyy! kinakausap ka namin bakla ah, naka mute ka ba? ba't di ka nagsasalita? " " ha? " yan lang yung nasabi ko sa kanila. " tinatanong kita kung napano ka? kung nabalian ka ba? " tanong ni Olive. " di kasi ako nakatulog nang maayos kagabi tapos naglalakad ako nang nakapikit yung mga mata ko kaya di ko nakita yung hagdan. " paliwanag ko naman. " bakit di ka makatulog? iniisip mo pa rin ba yung nakita mo kahapon? sabi ko naman sayo wag ka na mag cr dito. Tsaka nga pala may bago tayong class mate." sabi ni Olive. Ang ingay ng mga kaklase ko, pinag-uusapan yata yung bago naming classmate. " okay good morning everyone. He's Josh your new classmate. " ma'am. Ewan ko kung anong pumasok sa utak ko, bigla nalang akong tumayo at sumigaw. " AHHHHHHHHHHHHHHHH " " hoy bes! nakakahiya hoy! anong ginagawa mo? " nahihiyang sabi sa'kin ni Olive habang hinahatak yung damit ko para paupo-in ako. " ha? " " nakakahiya ka bakla. " sabi ni Jasper habang tinatakpan yung mukha niya. Tiningnan ko yung mga classmate ko na masaman ang tingin sa'kin, nagbubulongan sila na baka nabaliw daw ako. Acccvkkkkkk nakakahiya! " Maxine! what's the matter? " tanong sa'kin ni ma'am. " sorry po ma'am. " mahinhin kong sagot. " okay everybody sit down! ayoko nang maulit pa yun. understand Maxine? " ma'am. " yes ma'am. " Habang kumakain kami ng lunch sa cafeteria pinagtitinginan parin ako ng mga kaklase ko, wala na akong nagawa kundi yumuko nalang dahil sa kahihiyan. " bes? bakla? Anong gagawin ko ngayon? " tanong ko habang pinagtatawanan lang nila ako. " eh ano pa bang magagawa mo? Nangyari na yun kaya kalimutan mo nalang. " payo sakin ni Olive. " at tsaka makaklimutan din ng mga classmate natin yan. " sabi naman ni Jasper. Biglang natahimik ang lahat nang pumasok ng cafeteria si Josh. " ang gwapo niya talaga " tili ng mga kaibigan ko. Nang dumaan siya sa table namin dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko at tiningnan ko siya, ang di ko alam tinitingnan niya rin ng sobrang cold na tingin. " nakakahiya talaga, lamunin mo nalang ako lupa. " sabi ko habang pinupokpok yung ulo ko sa mesa. Tapos biglang may malamig na kamay na humawak sa ulo ko kaya tiningnan ko kung sino at nagulat ako nang makita si Josh. " stop it. Ayokong masaktan ka. " seryoso niyang sinabi sa'kin habang tinitingnan at pinag-uusapan kami ng mga tao sa cafeteria. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD