JOSH POV
Flashback
Napanaginipan ko na naman siya. Ano bang ibig sabihin nito? Siya ba ang makakatulong sa akin kung paano maging tao? Kailangan ko siyang hanapin. Kailangan ko siyang makita, siya lang makakasagot sa mga tanong ko.
" bro, pano mo naman siya makikilala? Eh sabi mo walang mukha." tanong sakin ng kaisa-isa kong kaibigan na si Bryan. Si Bryan lang ang nakakaalam ng tunay kong pagkatao at siya lang din pinagkakatiwalaan ko sa lahat.
" mukha niya lang yung hindi ko makita pero yung mga bagay sa palibot namin nakikita. I know her name, nakita ko sa libro niya and alam ko rin kung saan siya nag-aaral kaya kailangan kong makapasok sa skwelahang yun ." sagot ko sa kanya.
" babalik ka ng pag-aaral? Eh may negosyo ka na tapos babalik ka ng highschool? " nagtatakang tanong ni Bryan.
" Kung yun lang ang paraan para makilala ko siya, gagawin ko." sagot ko sa kanya. " Kumusta na nga pala yung laboratory? Any improvement? "
" ilang taon na nating ginagawa tong vaccine pero hanggang ngayon hindi parin natin alam kung anong vaccine ba yung makakatulong sa'yo, hanggang ngayon wala paring pagbabago." paliwanag ni Bryan sa akin.
FF present
Nakita kong pinopokpok niya yung ulo niya sa table that's why I stopped her. Inalis niya yung kamay ko sa ulo niya tapos bigla siyang nainis sa akin.
" anong ginagawa mo? " mataray na tanong niya sa'kin.
" akala ko kasi dudugo na yung ulo mo kaka pokpok mo sa table kaya tinulongan lang kita, di ko naman alam na sing tigas pala ng ulo mo yung table. " seryoso kong sabi sa kanya at tsaka lumabas na ako cafeteria.
Nakita kong sinusundan niya ako kaya pumasok ako storage room. Nang dumaan siya ng storage room bigla ko siyang hinatak.
" ba't mo ko sinusundan? "
" bitawan mo nga ako! ba't mo ginawa yun? " she asked.
" sabi ko naman sayo tinulongan lang kita, masama ba yun? " I explained.
" sana pinabayaan mo nalang ako! Sinasadya mo ba yun para mapag-usapan tayo ha? May gusto ka ba sa'kin? " naiinis na tanong niya sa akin.
" naririnig mo ba sarili mo? HAHAHA wala akong gusto sayo. " I answered.
" bakit? Anong nakakatawa? " this time galit na siya.
" natatawa ako sa mga tanong mo, kakakilala lang natin tapos sasabihin mong may gusto ako sa'yo? " nagpatulog ako sa pagtawa at nag walk out na siya.
Natatawa kapag naiinis siya, buti nalang talaga cute siya.
DURING CLASS [ESP]
" so what if your friend humiliate someone in front of people. What would you do? Are you gonna stop her or are you gonna tolerate her actions? " Sir Gabriel.
" sir! " Maxine raised her hand.
" okay Maxine stand up. " Sir Gab.
" I'm not gonna tolerate her actions sir, kasi kung may nagawa man sa kanya o wala yung tao wala parin tayong karapatan na ipahiya siya. " she answered while looking at me.
Parang pinaparinggan niya ako so, tinaas ko rin yung kamay ko.
" yes Josh. " Sir Gabriel.
" tama po si miss Maxine pero in my opinion po sir, we don't know their stories, baka po malaki talaga yung kasalanan niya sa kaibigan ko, baka po ganun din ginawa sa kanya so, di muna dapat natin e judge yung kaibigan natin. " I answered.
" talaga ba Mr Josh Alejo? kung kaibigan mo yun eh diba dapat alam mo yung stories nila, dapat alam mo yung mga past niya so, bakit mo sinasabing we don't know their stories? Oh baka naman wala ka talagang kaibigan? " Nasaktan ako sa sinabi niya kaya umupo ako tumingin sa malayo.
" Miss Mendoza, what you said is really bad." Sir Gab.
" I'm sorry sir. " she said.
" end of discussion, good bye everyone. " Sir Gab.
Nang lumabas na si sir, nag walk out na ako. I know wala siyang kasalanan dahil di niya naman alam na wala talaga akong kaibigan maliban kay Bryan, kaya hindi ako galit sa kanya, galit ako sa sarili ko kasi kakaiba ako sa mga tao .