MAXINE'S POV
After what I said na guilty ako, nakita kong biglang nag-iba yung tingin niya. Gusto kong mag sorry sa kanya kaso nag walk out siya, sinundan ko siya pero bigla siyang nawala.
" bakla, ba't mo ba kasi sinabi yun? Foul ka don. " Jasper.
" Hindi ko nga alam eh, siguro sa sobrang inis ko kaya ko nasabi yun. " I said. Dali-dali kong sinuot yung bag ko at tumakbo ako palabas ng room para hanapin si Josh.
" hoy bes! san ka pupunta? May next subject pa tayo! hoyyy! " tawag sa akin ni Olive pero nagpatuloy lang ako sa paghahanap kay Josh.
Pumunta akong cafeteria at don ko siya nahanap, bumili muna ako ng dalawang Yakut and sandwich. Naglakad ako palapit sa kanya habang nakatingin naman siya sa'kin. Inabot ko sa kanya yung isang Yakut and sandwich ng nakangiti.
" I'm sorry. " sabi ko habang inaabot parin yung yakult and sandwich kasi hindi niya pa tinatanggap.
" ano yan? peace offering? " cold niyang tanong.
" I'm sorry, hindi ko dapat sinabi yun. I'm sorry kasi nadala ako sa inis. I'm sorry, di na mauulit." sincere akong nag sorry sa kanya at sana makita niya yung sincerity ko.
Tinanggap niya yung inalok kong Yakut and sandwich and then he asked me to sit beside him.
" hindi naman ako galit sa'yo eh. "sabi niya bago siya tumingin sa'kin at ngumiti .
" di ka galit? Pero bakit ka nag walk out? " tanong ko sa kanya .
" Di ko nga rin alam eh. " yan lang yung sinagot niya sa'kin at saka siya tumingin sa malayo.
Marami pa sana akong gustong e tanong sa kanya pero napapansin kong malalim ang iniisip niya kaya sinamahan ko nalang muna siya sa cafeteria.
" may last subject pa tayo diba? " tanong niya sakin habang mahinhin niyang sinisipsip yung yakult.
" yeah, pero di na ata tayo aabot, kanina pa nag start yun. " sagot ko naman.
" sinamahan mo ba ako dito dahil worried ka sa'kin? " seryoso niyang tanong sakin at ngumiti habang nakatitig sa mga mata ko.
" hindi ah! bakit naman ako mag-aalala sayo noh, wag ka ngang feeling. " natataranta kong sagot sa kanya.
" relax tinatanong lang naman kita , ba't ka nag bablush? " tukso niya sa'kin.
" hindi ako nag ba-blush! mainit lang talaga, dyan ka na nga lang wala kang kwentang kausap eh. " naiinis kong sagot sa kanya.
" hey san ka pupunta? " tanong niya sa'kin pero tumalikod na ako at di ko na siya nilingon.
Mabilis akong naglakad papunta sa room, titingnan ko sana kung tapos na ba yung class. Bigla akong nagulat may humila braso ko at dinala ako sa cr , bumulong siya sa'kin " wag kang magsasalita baka marinig tayo ni sir. "
Ilang minuto nang nakalipas nasa cr parin kami at hindi parin tapos yung class namin. Unti-unti akong nakakaramdam ng takot dahil hindi niya maalis yung tingin niya sa'kin.
" ba't ganyan ka makatingin sa'kin? mahinhin kong tanong.
" because you're cute. " deretso niyang sabi sa'kin habang ako hindi na naka imik.
Sinubukan niyang lumapit sa'kin, at ako naman dahil sa nataranta ako bigla akong lumabas. Pag labas ko ng cr nakasalubong ko yung mga kaibigan ko.
" bes kanina ka pa namin hinahanap nandyan ka lang pala. " nag aalalang tanong ni Olive sa akin.
Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas yung door at lumabas si Josh.
" omg bakla! " kinikilig na sigaw ni Jasper .
Tinakpan ko ng bag yung mukha ko at mabilis na naglakad para umuwi ,pero mabilis din na nahila ni Jasper yung damit ko sa likod kaya di ako makaalis.
" aalis ka na? Di ka pa nag eexplain sa'min? " tanong ni Jasper at saka nila pinagtitinginan ni Olive .
Tumingin muna ako kay Josh bago nagsalita.
" magpapaliwanag ako, basta bitawan mo muna yung damit ko. Wag kang mag-alala hindi ako tatakas. " ngumiti ako ng unti sa mga kaibigan ko. Binitiwan ni Jasper yung damit at tsaka niya ako pinag paliwanag.
" May sasabihin ako sa inyo. " seryoso kong sabi sa mga kaibigan ko.
Tiningnan ko silang dalawa at nakita kong curious sila sasabihin ko. Ngumiti ako at biglang tumakbo.
" Maxine! huyyy! bumalik ka dito! " sigaw nilang dalawa habang ako patuloy lang sa pag takbo.
Nang mapansin kong hindi naman nila ako sinundan tumigil na ako sa pagtakbo at naglakad nalang. Habang naglalakad ako sinisipa ko yung bato na nakikita ko sa daan kaya nakayuko lang ako palagi, maya maya pa ay may nakita akong pamilyar na sapatos na nasa harapan ko, mahinhin kong itinaas ang aking ulo para tingnan kong sino yung taong nakatayo sa harap ko. Biglang lumaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko si Josh.
" ba...kit? Pa..pano? Ka nakarating dito? " utal-utal kong tanong sa kanya.
Nilapit niya lang yung mukha niya sa mukha ko at saka siya ngumiti .