JOSH POV
Naka sandal ako sa pader habang hinihintay si Maxine na dumaan, malayo palang siya naririnig ko na ang hakbang ng kanyang mga paa. Naglakad ako para salubongin siya pero nang makita ko siyang papalapit sa akin napatigil ako sa paglakad at tiningnan ko ng maigi ang kanyang mukha. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya, dahan dahan niyang itinaas ang kanyang ulo at gulat na tumingin sa akin .
" ba.. kit? Pa.. Panoo ka nakarating Di.. to? " utal utal at nagtataka niyang tanong sa akin.
Ngumiti ako at lumapit sa kanya, sabi ko " pano pa ba? eh di naglakad. " pero kita ko sa mga mata niya na hindi siya naniniwala.
" eh ba't ambilis mong nakarating dito? Nauna pa nga akong umalis sa'yo eh. " seryoso niyang tanong niya sa akin
" Maliban sa naglakad ano pa bang iniisip na ginawa ko para makarating dito? " tinanong ko siya ng nakangiti.
" akala ko kasi nag teleport ka. Na excite pa naman ako. " dissapointed niyang pagkasabi sa'kin.
Natawa ako't tumalikod at nagsimulang maglakad habang siya nakasunod naman sa akin.
" Bakit mo naman naisip na nag teleport ako? " tinanong ko siya habang mabagal na naglalakad. Bigla siyang tumabi sa akin at tiningnan ako sa mata.
" akala ko kasi fox ka eh. " sabi niya ng nakangiti sa akin.
" ang lawak naman ng imagination mo. " biro kong sabi sa kanya.
" eh kasi ganon naman talaga yung mga fox diba? Nag teteleport sila at excited akong makakita ng fox kasi sa kdrama ko lang sila napapanood eh, gusto kong malaman kung totoong mga gwapo ba yung mga fox. " nakangiti parin niyang sabi sa akin.
" itsura lang pala habol mo eh nandito naman ako ah. " bigla siyang tumigil sa paglalakad at seryoso akong tiningnan, maya maya pa 'y bigla niyang hinampas ang braso ko tumawa ng malakas.
" nakasinghot ka ba? Mas malala pala imagination mo eh." sabi niya habang patuloy sa pagtawa.
Hindi ko malilimutan ang araw na ito, masaya kaming naglalakad at nagkukwentohan. Pakiramdam ko unti-unti na kaming nagkakalapit sa isa't -isa at habang nagkakalapit kami mas lalo ko siyang nakikilala, nakikita ko yung ganda ng kalooban niya. Kung dati gusto ko lang malaman kung bakit lagi ko siyang napapanaginipan ngayon parang gusto kong mas makasama siya ng mas matagal kasi kapag kasama ko siya pakiramdam ko nagiging totoong tao ako, nakakaramdam ako ng mga emosyon ng tao, siguro nga siya na ang makakatulong sa akin.