Pitik sa noo ang nagpabalik sa huwisyo ni Sachi. Hinaplos niya ang kaniyang noo at masamang tinignan si Lyka—ang kaniyang kaibigan simula elementary. Sinimangutan niya ang kaibigan na nginitian lang siya. Bumalik sa pagbabasa si Lyka habang si Sachi ay muling tumulala. Hindi niya talaga mapigilan ngunit madalas gumagana ang kaniyang imagination sa iba’t ibang bagay. Kahit pa abalahin niya ang kaniyang sarili ay kusa na lang sisingit ang paggana ng kaniyang imahinasyon.
“Sachi, alam kong matalino ka. Pero magreview ka pa rin.” paalala ni Lyka.
Sumunod naman si Sachi. Her friend is really caring. Sinubukan niyang magbasa at laking pasasalamat niya ng matuon doon ang kaniyang atensyon. Kaya naman ng matapos ang kanilang long quiz ay nakakuha siya ng mataas na marka kasama si Lyka. Pagdating ng lunch ay mayroon na silang reserved table. Abot tenga ang ngiti ni Sachi ng makita ang nakaupo at naghihintay sa kanila.
“Hello, Tristan.” bati ni Lyka sa lalaki na binati rin siya pabalik bago ipaghila ng upuan si Sachi.
“Kanina ka pa ba naghihintay?” tanong ni Sachi kay Tristan.
“Nope. Minuto lang naman.” sabay ngiti ni Tristan.
Tristan is Sachi’s boyfriend for years since she started her high school. Too young but they stayed strong. Maayos ang kanilang relasyon at madalas ay ito na ang nag-oorder ng kanilang kakainin na magkaibigan. He’s sweet and lovable. Walang maipipintas doon si Sachi. Katulad ng madalas nilang gawin sa lunch ay nagkwe-kwentuhan lang ang tatlo. Hindi maramdaman ni Lyka na third wheel siya dahil madalas ay isinasama siya sa usapan ng dalawa. Even Tristan treats her well.
Matapos ang kanilang lunch ay masugid na inihatid ni Tristan ang dalawa sa kanilang building sa senior high school building. Tristan gave Sachi a kiss on forehead bago ito magpaalam. Sa eskwelahan pa lang ay labis ng nakakatanggap si Sachi ng inggit. Lalo na sa aspetong love life dahil maswerte nga naman talaga siya sa kaniyang nobyo kahit pa mas matanda ito ng dalawang taon kaysa sa kaniya. Kaya naman ay inspired siya lagi sa pag-aaral.
“Hello, Dad, Mom.” sabay halik sa pisngi ng mga magulang.
Matapos batiin ang mga magulang ay umakyat na siya sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kaniyang kuwarto. Bago tuluyang pumasok ay muli pang sumulyap si Sachi sa mga magulang. Her step-mom—yes, step-mom is taking care of his dad. Bata pa lang siya ay namaalam na ang kaniyang biological mom at ilang taon ang lumipas ay muling nag-asawa ang kaniyang dad. Akala niya ay magiging witch ang tema ng kaniyang step-mom ngunit hindi pala. Dahil minahal siya nito ng higit pa sa tunay niyang anak.
Napangiti si Sachi ng makita kung gaano kasweet ang dalawa. Mula noon ay ganoon na kasweet ang kaniyang mga magulang. Mapalabas man o loob ay pareho ang kasweetan ng dalawa. Her parent’s relationship is her dream relationship. She giggled with that thought before entering her room.
Bilang pampatulog ay nagbasa muna si Sachi ng romance novel hanggang sa kusa na siyang makatulog. Kinaumagahan ay masaya ang naging gising niya. Nasa dining na ang kaniyang ama at nagkakape. Niyakap niya ang ama at pinupog ng halik.
“I love you, princess.” biglang sambit ng kaniyang ama.
Masuyong ngumiti si Sachi. “I love you too, Dad.”
“Always remember princess that I love you so much. And you are the best thing in my life.”
“You are the best thing too, Dad. Tapos si Mommy from heaven and si Mommy Violy.”
“Thank you, princess. Your Mommy Violy loves you so much. Take care of her also, okay?”
“Got it, Dad. Let’s eat?”
May mga pagkakataon talagang hindi nila nakakasabay sa agahan ang kaniyang step-mom dahil late na itong nagigising. Bago umalis at pumasok ay yumakap pa si Sachi sa kaniyang ama. His father is truly an amazing man. Hindi siya nito pinabayaan noong hindi pa nito nakikilala ang kaniyang Mommy Violy. At kahit noong dumating ang kaniyang Mommy ay hindi siya ni minsan man nakalimutan ng ama. Mula noon hanggang ngayon ay siya pa rin ang prinsesa nito. And his father will always be her king.
“I changed your ulam. Gulay naman ngayon.” imporma ni Tristan ng dumating sila sa cafeteria.
“Oh. It’s okay. I eat gulay naman eh.” nakangiting sagot ni Sachi.
“By the way, our field trip will be on next month.”
Sumulyap si Sachi kay Tristan bago muling sumubo. “Saan naman?”
“Sa Baguio daw.”
Tumango-tango si Sachi at tsaka ipinaabot ang kaniyang pagbati sa nobyo. Ilang buwan na lang ay magtatapos na ito. Dalawang taon ang tanda nito sa kaniya kaya naman ay matured na talaga ito. He’s not just a boyfriend, he is also a good friend.
Masaya pang naglunch si Sachi kasama ang kaniyang kaibigan at boyfriend ngunit pag-uwi sa kanilang bahay ay naghihikahos na ama ang kaniyang dinatnan. Her heart was ripped into two at the sight of his father. Naluluha niyang dinaluhan ang kaniyang ama at niyakap ng mahigpit. She cried in his father’s arms.
“D-Dad, bakit naman ganito?” Sachi is clueless. Wala siyang kaalam-alam na mayroon na palang iniinda ang kaniyang ama. “D-Dad naman eh.”
Nahihirapan man ay pilit na ngumiti ang kaniyang ama. “Princess, take care of your Mom.” bilin nito sa pinaka-pabulong na paraan. “I j-just really waited for you…”
“Dad!” hagulhul ni Sachi ng pumikit ang kaniyang ama sa mismong mga bisig niya.
Kasama niyang humagulhul ang kaniyang step-mom ngunit kahit ganoon ay hindi na gumising pa ang kaniyang ama. It really pained her that it took days before she accepted the truth that her father is gone. Maging ang kaniyang step-mom ay kagaya niyang nagluluksa ng lubusan. His father is a big lost. Dahil nawalan siya ng isang magulang, kaibigan at taga-protekta. Habang ang kaniyang ina ay nawalan ng kaagapay.
Their home feels incomplete. Kay dami ng nakikilamay at nakiki-dalamhati sa kanila sa pagkawala ng kaniyang ama. Mula sa malalaking mga tao sa business world hanggang sa mga kaibigan ng kaniyang ama at sa mga kamag-aral ni Sachi. Mula ng mawala ang kaniyang ama ay hindi siya iniwan ni Lyka at ni Tristan. They were always at her side hanggang sa maihatid na sa huling hantungan ang kaniyang ama.
“Stop crying, Sachi. Your dad is at heaven now.” pag-aalo ni Tristan sa kaniya.
“It’s h-hard…I miss h-him already.” sabay muling iyak ni Sachi.
It is really hard for a child to lose his/her parents. Lalo na ang magulang na walang ibang pinaramdam kundi ang labis na pagmamahal, pag-aalaga at pagga-gabay. Kaya naman hindi naging madali para kay Sachi na makamove on mula sa pagkawala ng kaniyang pinakamamahal na ama.
“I’ll treat you. Doon tayo sa mcdo.” sabay kindat ni Tristan sa kaniya.
“Alright. Let’s go.” sabay angkla niya sa braso ng nobyo.
Pagdating sa fast food chain ay si Tristan na ang nagboluntaryong mag-order. Naroon lang si Sachi, nakaupo at naghihintay. Ang kaniyang isipan ay muling lumipad sa kung saan-saan. Lately, her imagination is starting to live up again. talagang pinupukaw na siya ng kaniyang imagination para makapagsulat na muli siya. Sa mga nakaraang araw kasi ay wala ni isang salita na naisulat si Sachi. Kaya siguro ay nagpaparamdam na ang katawang manunulat niya. Napukaw lang ang kaniyang atensyon ng dumating si Tristan bitbit ang kanilang order.
“Ang dami nito.” natatawang sabi ni Sachi.
“I want you to eat all of these.” sagot ng nobyo.
Napanguso si Sachi at tsaka na sila nagsimulang kumain. Habang kumakain ay kung saan-saan napunta ang kanilang usapan hanggang sa mabanggit na nga ni Tristan ang kanilang fieldtrip.
“Next week na iyon, Sachi.” paalala nito. “I won’t be here for a week. Kaya naman gusto kong ngayon pa lang ay mapanatag na ang kalooban mo para maayos akong makaalis.”
“Ang bilis ng araw.” sabay iling ni Sachi. “Don’t worry, Tris. Nasa process na ako ng healing. Kaunti na lang ay lubusan ko ng matatanggap ang pagkawala ni Dad.”
“Just remember Sachi, that everything happens for a reason.”
Dahil sa susunod na lingo ay tutungo na si Tristan sa Baguio para sa kanilang fieldtrip ay nilubos-lubos na nito ang paggala nila ni Sachi. Bawat vacant nila ay naroon sila sa mcdo at nagmemeryenda. Tuwing breaktime ay nasa kiosk sila at magkasama. Minsan ay kasama nila si Lyka ngunit madalas ay hindi. Pinipili ng kaniyang kaibigan na bigyan sila ng alone time na dalawa.
Kahit kailan ay walang maipipintas si Sachi sa kaniyang nobyo dahil sa angkin nitong personalidad. Aminado si Sachi na marami rin ang nagkakagusto sa kaniyang nobyo ngunit panatag siya dahil alam niyang seryoso sa kaniya si Tristan at wala itong balak na lokohin siya. Kaya naman kahit ilan sa mga nagkakagusto kay Tristan ay makakasama nito sa fieldtrip ay panatag pa rin si Sachi. For her, trust will always be the key.
“Dadaan ako dito ng madaling araw bago dumeretso sa school. I will see you before I leave, okay?” bilin ni Tristan kay Sachi.
“Alright. Gigising ako ng maaga.” sabay ngiti ni Sachi.
“Good. Sige na. I’ll go ahead. Good night, Sachi. I love you.”sabay halik ni Tristan sa labi ni Sachi.
“I love you too.” tugon ni Sachi matapos ang halik.
Pinanood ni Sachi ang pag-alis ng sasakyan ng kaniyang nobyo at ng mawala ito sa kaniyang paningin ay tsaka lamang siya pumasok sa loob. Sinalubong siya ng kaniyang ina na kaniya namang ginawaran ng halik. Sabay na nagdinner ang dalawa at ng matapos ay muling bumalik si Sachi sa kaniyang silid.
She and Tristan chatted before they both fell asleep. Katulad ng nais ni Sachi ay maaga siyang nagising. Dahil sobrang aga ay nagpasya muna siyang magjogging. Nang matapos ay sa harap ng kanilang gate siya nagpahinga. Eksaktong alas kuwatro ay naroon na si Tristan sa kanila.
Mabilis siyang hinagkan ng kaniyang nobyo at nagtagal iyon. “Para namang sa ibang bansa ka pupunta.” sabay tawa na sabi ni Sachi.
“Isang buwan kaya ‘yon. Mamimiss kita.” tugon ni Tristan. “Always take care, okay?”
“Yes, Tris. Ikaw din. Keep me updated.”
“I love you, Sachi.” masuyong sabi ni Tristan at hinalikan ang labi ni Sachi.
“I love you more, Tris.” tugon ni Sachi at niyakap ng mahigpit ang nobyo matapos ang halik.
Muli, pinanood ni Sachi ang pag-alis ng sasakyan ni Tristan. Kumaway siya sa nobyo at nagflying kiss pa. Kanina pang nawala sa kaniyang paningin ang sasakyan ng nobyo ngunit hindi pa rin kumikilos si Sachi para pumasok sa kanilang bahay. Kung hindi lang siya nalabasan ng kanilang kasambahay ay hindi pa siya papasok.
Masyado pang maaga at weekend naman kaya naman pinili pa ni Sachi na matulog muli. Dala ng pagjogging kanina ay naging mahimbing ang kaniyang pagtulog. Kahit anong ring ng kaniyang cellphone ay hindi siya naalimpungatan.
Mula naman sa labas ng kanilang bahay ay naghahabol ng hininga si Lyka dala ng pagod sa pagmamadali. She keeps on tapping the doorbell until their maid open the gate for her. Pagpasok nito sa bahay ay naroon ang ina ni Sachi. She greeted Violy and then rushed at Sachi’s room. Dinatnan niya ang kaibigang nahihimbing sa pagtulog. Tila nakahinga siya ng maluwag. Ngunit ng maalala kung anong pakay niya ay dali-dali siyang naupo sa kama ng kaibigan.
“Sachi,” paggising nito sa kaibigan. “Sachi,” pag-uulit niya.
Gumalaw si Sachi ngunit nag-iba lang ito ng higa. Napabuntong-hininga si Lyka at hindi malaman kung ano ang gagawin. Habang nakatingin sa kaibigan ay tila pinipiga ang kaniyang puso. She knows Sachi too much. At kung si Lyka ay mahinhin at mapag-alaga, si Sachi ay independent ngunit may malambot na puso.
Ilang minuto pang tumitig si Lyka sa kaibigan hanggang sa kusa na itong nagising. Nagugulat pang nagmulat ng mata si Sachi ng makita ang kaibigan.
“Hey,” untag niya.
Ngumiti si Lyka ngunit hindi iyon umabot sa kaniyang mata.”Hey,”
“What are you doing here, Egan?” tanong niya sa kaibigan gamit ang ikalawang pangalan nito.
Huminga ng malalim si Lyka at ayaw namang iyon ang agad na ibungad sa kaibigan ngunit wala siyang ibang pagpipilian. “Gisingin mo muna ang diwa mo, Sachi.”
Tumango si Sachi at tsaka ito bumangon para magtungo sa kaniyang sariling banyo. Nang matapos itong makapaghilamos ay naupo ito sa kaniyang kama at matamang tinitigan ang kaibigan.
“You are creeping me out, Egan.” saad nito.
Muli pang bumuntong-hinga si Lyka. Tila ayaw lumabas ng salita sa kaniyang bibig. But she has to. Alam niyang nasa process pa lang ng healing ang kaniyang kaibigan mula sa pagkawala ng ama nito ngunit hindi niya pwedeng bitinin ang balita. Hindi niya ilihim sa kaibigan iyon. Sachi needs to know that news. It may hurt her but truth always hurt. Kaya walang ibang pagpipilian si Lyka kundi ibalita sa kaibigan ang dapat ibalita.
“Pick your phone, Sachi.” utos nito na sinunod naman ni Sachi ng puno ng pagtataka.
Nagulat si Sachi ng makitang kay daming messages at missed calls mula kay Lyka. Tatanungin na niya sana ang kaibigan ng may notif na nagpop-up sa kaniyang cellphone ng sunod-sunod. Hindi niya alam kung saan ang uunahin niyang bubuksan. But one thing caught her attention. Iisa at panay related ang notifications na natatanggap niya. Kumabog ng malakas ang kaniyang dibdib at ang una niyang binuksan ay ang notifications mula sa kanilang school page.
Pagbukas ng notification ay tila nabingi si Sachi. Wala siyang ibang narinig kundi ang pintig ng kaniyang puso. Hanggang walang sali-salita na bumagsak ang kaniyang luha.
“N-No…” sambit niya ng makita ang balitang nahulog sa bangin ang sinasakyan na bus ng mga magfi-fieldtrip na estudyante mula sa kanilang school. Kung saan ay kabilang si Tristan…sa mga nasawi.