There are many different kinds of goodbyes. And a lot of people are saying that the most painful goodbyes are those unsaid goodbyes.
Masakit para kay Sachi ang nababasang balita. Hindi siya makahinga ng maayos at hindi na niya mabasa pa ng maayos ang nakasaad sa post dahil sa kaniyang luha. Niyakap siya ng mahigpit ni Lyka at tsaka inalo. Hindi pa man din siya nakakabangon mula sa pagkawala ng kaniyang ama ay muli nanaman siyang nawalan ngayon. Isa pa sa taong hindi niya lubos kayang mawala.
Mula sa ibaba ay narinig ni Violy ang pagsigaw ni Sachi sa kaniyang silid kaya ay mabilis siyang nagtungo doon. Nadatnan niya ang kaniyang anak na nasa kaniyang tuhod habang umiiyak at yakap-yakap ni Lyka.
“Sachi, anak.” saad ni Violy at yumakap.
Lalong napahagulhul si Sachi at pilit na inilalabas ang sakit sa kaniyang puso. Hindi niya maintindihan kung paanong ang dalawang lalaki sa kaniyang buhay ay biglang nawala ng magkasunod. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang pagdaanan ang pagkawala na ganito. It’s painful. Really it is.
Halos isang linggo na nagkulong si Sachi sa kaniyang silid at palaging umiiyak. Palagi rin siyang binibisita ni Lyka at ng kaniyang ina. Iyon ang naging buhay ni Sachi hanggang sa dumating ang araw na kailangan ng ihatid sa huling hantungan si Tristan. Nahihirapan man ay sinikap ni Sachi na bumangon sa kaniyang kama, maglinis ng katawan, magbihis at sumama sa paghatid kay Tristan.
“He loves you. Be strong.” bulong ni Lyka.
Pagdating sa chapel kung saan gaganapin ang misa ay malungkot na nakipag-yakap si Sachi sa pamilya ni Tristan. Maayos ang relasyon niya sa pamilya ng nobyo at ngayong nakikita sila ay muli niyang nakikita ang kaniyang nobyo na wala na. Tahimik na lumuha si Sachi kasama ang pamilya ni Tristan hanggang sa matapos ang misa at magsimula ang paghatid nila sa huling hantungan nito. Pagdating sa pinaka malaking sementeryo ng lugar ay hindi lamang sila ang naroon. Naroon din ang ibang pamilya na ihahatid na sa huling hantungan ang kapamilya na kasama ni Tristan na nasawi sa pagkahulog sa bangin. Mga estudyanteng hindi na naabot ang mga pangarap.
“B-Bye…T-Tristan.” nanginginig ang kamay na inangat ni Sachi ang puting rosas at ihinulog iyon sa kabaong ni Tristan.
Kasabay ng unti-unting pagbaba ng kabaong ay ang unti-unting pagtanggap ni Sachi sa katotohanang wala na ang nobyo. Unti-unti na niyang tinatanggap na iniwan na siya nito. At kahit mahirap at masakit, kailangang tanggapin ni Sachi ang katotohanang iyon.
Dahil sa kaniyang pagmo-move on ay naging tahimik si Sachi. Hindi naman siya iniwan ni Lyka at palagi siya nitong sinasamahan sa lahat ng bagay kahit pa tumanggi si Sachi. Nang matapos ang kanilang huling taon sa senior high school ay nagpasya si Sachi na sa ibang bansa na mag-aral. Hindi naman tumanggi ang kaniyang ina dahil kailangan niya talaga ng air breather.
“I’m sorry, Egan.” malungkot niyang sabi sa kaibigan ng mapagpasyahan nilang magsleep-over sa kanilang bahay.
Ngumiti si Lyka ng totoo at tsaka niyakap ang kaibigan. “If it’s for your own sake, then it’s okay to me. Basta ipangako mo lang na talagang magmo-move on ka. I don’t want to see you in pain.”
Mas hinigpitan ni Sachi ang yakap sa kaibigan dahilan para tumumba sila sa higaan. “I will. I don’t want to see you in pain too. Kahit saan pa ako, I will still communicate with you.”
“No boys, no pain. So, don’t worry. I won’t be in pain because I don’t have boys.” sagot ni Lyka at sabay silang tumawa.
They spent the night just by talking and watching some movies. Kinabukasan ay maaga siyang ihinatid ng kaniyang ina at ng kaniyang kaibigan. They hugged her tightly before letting her go. Kumaway siya sa dalawa bago sila tuluyang iwan.
As Sachi sees the cloud, that’s where she hopes that in the right time, she’ll heal. Pagdating sa Australia ay agad siyang tumuloy sa apartment na napili niya. Hindi pa man din siya nakakapaghinga ay tumunog na ang kaniyang cellphone. Nang sagutin niya iyon ay bumungad sa kaniya ang tinig ng kaniyang dalawang pinsan.
“Yeah. Bye.” Sachi said and hang up the phone.
Pagod siya sa hindi malamang dahilan kaya naman ay hindi na niya pinatapos ang panenermon ng kaniyang dalawang pinsan na halos tumayo ng kuya sa kaniya. Inis ang mga ito kung bakit sa Australia niya napiling mag-aral at hindi na lang sa New York kung nasaan sila. Well, she loves beach. And Australia has a lot to offer when it comes to beach. Sa Maldives sana pero pang romantic doon.
Dala ng pagod ay mabilis siyang nakatulog. Nang magising ay bumungad sa kaniya ang hindi pamilyar na silid. Bumuntong-hininga siya. I’m all alone. Bulong niya bago magtungo sa kaniyang kusina para magtimpla ng kape. Dinala niya iyon sa balkonahe niya kung saan ay overlooking ang syudad na kinaroroonan niya. Matapos humigop ng mainit na kape ay binuksan niya ang kaniyang laptop para sana magsulat. Ngunit isang oras na ang nakakalipas ay wala pa siyang nagagawa.
Sachi is a writer. Kaya naman ay madalas gumagana ang kaniyang imahinasyon dahil parte na iyon ng pagiging manunulat niya. Ngunit dahil sa magkasunod na nangyari ay tila nararamdaman niya ang pagkawala ng kaniyang interes sa pagsusulat. Huminga siya ng malalim at sinubukang magtipa ngunit paulit-ulit lang din niyang binubura. Kaya sa huli ay isinara na lang niya ang kaniyang laptop at nagpasyang huminto na sa pagsusulat.
Kahit na ang pagsusulat ang kaniyang passion ay nawalan talaga siya ng interes dahil sa mga nangyari. Bukod doon ay hindi na niya makita ang kaniyang motibasyon at inspirasyon sa pagsulat. Mahirap man bitiwan ang nakasanayan ay kailangan niya. As of the moments, what she need is a healing.
“I can do this.” aniya sa sarili at ngumiti.
Hindi naging madali ang panibagong buhay ni Sachi kung saan ay mag-isa siya sa kaniyang apartment at walang kakilala sa bago niyang paaralan. Ngunit kahit ganoon ay hindi siya sumuko at tinuloy ang gusto. She needs to be more independent. Kailangan niyang matutong mapag-isa dahil may mga pagkakataon na talagang mag-iisa siya sa buhay. Kaya naman ngayon ay hinahanda na niya ang kaniyang sarili.
Waking up early in the morning to cook your own food was a challenge to Sachi. Lalo na at hindi siya fan ng kusina. Kung fan man siya ay ang pagtimpla lamang ng kape ang ginagawa niya. Ngunit ngayong mag-isa siya at walang kasambahay na ipagluluto siya ay masugid niyang inaral ang pagluluto. At iyon na siguro ang pinaka mahirap na aralin ang inaral ni Sachi.
“Talsik ng mantika lang iyan, Sachi.” natatawang komento ni Lyka sa kaibigan habang magvideo call.
“Masakit kaya! Nakakalapnos ng balat.”
“Huwag kang OA.” sabay iling ni Lyka at tumawa ang dalawa. “How’s life in Australia?”
Lumabi si Sachi. “Fine. I’m enjoying my stay here.”
“You okay now?” tanong ni Lyka na nagpatahimik kay Sachi.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Sachi. “I’m on my way there.” aniya sa makahulugang tinig.
The best healing comes from your own self and without being attach to someone. Kaya na ni Sachi. Kaya na niyang ngumiti at kaya na niyang tumawa ng walang lungkot sa kaniyang mga mata. Kaya na niyang harapin ang umaga ng hindi bitbit ang nakaraan. Being alone really helped her. Masasabi niyang isa na talaga siyang ganap na independent woman. And that was a reward for her.
Sapat ang kaniyang finance at hindi naman siya gumagastos ngunit hindi alam ni Sachi kung bakit ngayon ay nagpa-part time job siya sa isang café. Minsan ay matatawa na lang si Sachi sa kung gaano siya ka-explorer sa mga bagay-bagay. She is enjoying her part time job when a man approaches her.
“Hi.” the man greeted.
“Yes Sir?’ Sachi asks.
“I’m Yuhan.” sabay lahad sa kamay nito.
Sachi felt awkward. Hindi niya alam ang isasagot sa lalaki. Mabuti na lang at mayroong umorder kaya naman nagawa niyang iexcuse ang sarili niya. Nasundan pa iyon ng kaparehang pangyayari ngunit ni isa ay walang inentertain si Sachi, kung bakit ay hindi niya alam. Mula ng mawala si Tristan ay hindi na nagawa pa ni Sachi na mag-entertain ng lalaki. Nakikisalamuha siya ngunit hindi siya pumapayag sa mga panliligaw. Ni maski pag-aya sa labas ay hindi siya pumapayag. Alam niya sa kaniyang sarili na nakamove-on na siya sa pagkawala ng kaiyang ama at ni Tristan. Maging sa pagmamahal na mayroon siya para kay Tristan ay nagawa na rin niyang palayain. All she has now is a love for herself.
“Congatulations, fren!” pagbati sa kaniya ni Lyka na kasalukuyan niyang kavideo-call.
Galak namang ngumiti si Sachi sa kaibigan. “Thank you! Congratulations din. I’m sorry. I wasn’t able to come in your graduation.”
“It’s okay. I can’t go on your graduation too. So, it’s a tie.” pabirong sabi ni Lyka.
Dahil minsan lang magbiro ang kaniyang kaibigan at talagang binili niya ang biro nito. Kaya naman ng huminto siya sa pagtawa ay nakita niya ang pagnguso ng kaibigan. She did a peace sign at muling tumawa. After four years, she’ll now graduate with flying colors. Kay bilis lumipas ng araw na hindi namalayan ni Sachi na apat na taon na pala. Parang kahapon lang umalis siya ng Pilipinas at ngayon nga ay magtatapos na siya.
Literal na nanlaki ang mata ni Sachi ng makita ang kaniyang ina, ilang Tiyahin at ang dalawa niyang pinsan na super close niya. Naroon sila sa bungad ng kaniyang apartment. Hindi pa man din nakakabawi sa gulat ay agad na siyang sinugod ng dalawang pinsan at nagpaunahan pang yumakap sa kaniya.
“Geez! Stop it!” aniya ngunit natatawa. “Mom, Tita’s.” pagbati niya matapos siyang pakawalan ng dalawang pinsan.
Akala ni Sachi ay hindi makakarating ang kaniyang ina dahil sinabi nitong nadelayed ang flight niya. Ngunit ngayon ay nasa harapan na niya at kasama pa ang ilang kamag-anak nila sa father side. Masayang tinanggap ni Sachi ang kaniyang diploma at tsaka iyon winagayway sa ere. Umani siya ng maraming palakpakan at hindi niya napigilang mapaluha. Lalo na ng matapos ang graduation speech niya.
Sachi look up at the sky. She flashes her beautiful smile as she waved her diploma and medal. Dad, I know that I made you proud. Tristan, I hope you’re proud. As I end this chapter of my life, I will leave everything here. Tristan, know that you will always be special to me. But as I open the new chapter of my life, I have to leave you behind. Your teachings will always be with me.
Isang pitik sa noo ang pumukaw sa atensyon ni Sachi. Galing iyon sa magaling niyang pinsan. Sinamaan niya sila ng tingin ngunit ang dalawa ay nginisihan lamang siya. Gusto niyang kilabutan ngunit dahil kilala niya ang dalawa ay hindi na lang.
“Anong graduation gift ang gusto mo?” tanong ng isa niyang pinsan.
“Tigilan mo ako, Rax. Alam kong hindi lang din darating sa akin iyan kung sakali.” sagot sa kaniya ni Sachi.
“What?” eksaheradang reaksyon ni Rax. “Dumadating naman sa’yo ah. Kapag hindi dumating,ibig sabihin ay hindi ko afford.”
“Wow. Ang isang Garvan Rax Galvez ay may hindi naa-afford? Talaga?” sarkastikong asik ni Sachi sa pinsan.
“Kung ayaw mong magsabi ng gusto mo ay kami na lang ang magdedesisyon.” singit ng isa niya pang pinsan.
Taas kilay siyang tinignan ni Sachi. “Kayo ba naggraduate, Sid?”
Blanko siyang tinignan ni Sid na animo’y kahibangan ang naging tugon niya. “Hindi.”
Napaface-palm si Rax at hindi niya alam kung bakit mayroon siyang pinsan na tulad ng dalawa. “Fine. Ikaw na magdesisyon. Kahit ano pa ‘yan.”
“I second the motion.” tipid na saad ni Sid.
Ngumisi si Sachi na ikinailing ng dalawa. Even before, they always treat her with extra special. Para na siyang kapatid ng mga ito. Maging ang kapatid ni Sid ay kapatid ang trato sa kaniya. Ganoon din ang panganay ni Rax. Habang nasa daan patungo sa restaurant na kanilang pagseselebrahan ay nag-iisip na si Sachi kung ano ang hihingiing reward sa dalawa. They are one year older than her pero nakakaya-kaya niya sila. That’s the power of being a princess.
“May naisip kana ba o kailangan mo pa ng isang five years para makapag-isip.” inis na sabi ni Rax.
“May naisip na ako.” sagot niya dahilan para sabay siyang lingunin ng dalawa.
“And that is?” Sid asks.
Ngumiti ng malawak si Sachi at tila nagningning ang kaniyang mga mata. Hindi niya alam kung bakit ito ang naisip niyang irequest kahit pa afford niya. Well, sometimes, Sachi is a childish.
“Buy me a car. Kayo na ang bahala kung anong brand. Basta limited edition. Sa Pilipinas ipadala.” sabay ngiti niya ng matamis sa dalawa.
Akala niya ay iyon lang ang baon ng kaniyang mga pinsan. Ngunit hindi rin pala papahuli ang kaniyang ina. Isang condominium ang regalo ng kaniyang ina na labis niyang ikinatuwa. Ngunit kasunod niyon ay ang mas nakakatuwang balita para sa kaniya. Nang makita ang kinang sa mga mata ng ina ay inalon ang kaniyang puso. It’s been years since she saw that happiness in her mother’s eye. Kaya naman ng hingiin ang kaniyang basbas ay pumayag siya ng walang kahirap-hirap.
“Thank you, anak.” sabay halik ng kaniyang ina sa kaniyang pisngi. “Uwi ka na rin sa Pilipinas para makilala mo siya, okay?”
“Yes Mom. Sasabihan kita kapag pauwi na ako.” nakangiting sagot niya sa ina.
Alam niyang uuwi at uuwi siya ng Pilipinas. But for now, all she wants is to travel. At iyon nga ang kaniyang ginawa sa mga sumunod na buwan hanggang sa tawagan na siya ng ina para tuluyan ng umuwi ng Pilipinas.