Mabilis ko silang nilapitan. Mabibikas ang pagkabigla ni James sa mga nagaganap. Sapo niya ang isang pisngi na tinamaan ng malakas na suntok ni Joaquin. Sa kabila noon matatalim na titig ang ipinipukol sa kanya ng kaharap. Patakbong dinaluhan ni Lauren si James na labis ding nabigla sa mga nangyayari. Akmang susuntukin ulit ni Joaquin si James ngunit naunahan siya ng huli. Inundayan ni James ng isang solidong suntok si Joaquin sa pisngi. Mukhang napuruhan niya ito. Pumutok ang ibabaw ng labi ni Joaquin dahil dito. “Tama na!” hindi ko mapigil na sigaw sa kanilang dalawa. Bago ko mahila ang isang braso ni Joaquin ay nasapak na naman niya si James sa panga. “Harap-harapan ka na ngang niloloko! Pinagtatanggol mo pa!” galit na galit na asik ni Joaquin. Sa kagustuhan kong mapigilan siya

