Pilit kong pinapakalma si JD na nagpapalahaw na ng iyak. Tinabihan kami ni Joaquin na may dalang isang baso ng tubig. Pinainom niya iyon sa aming anak. “Stop crying baby,” taimtim na bulong ni Joaquin sa kanya. Panay ang singhap ng aking anak habang tinatanaw siya. “Who is she dad?” Nakatitig nang mariin si JD kay Joquin habang sinasabi iyon. Umiwas ng tingin si Joaquin sa kanya at napapikit nang mariin. “She is your dad’s girlfriend,” mabilis kong tugon. Nabaling ang atensyon sa akin ng aming anak. Hinimas ko ang likod ng kanyang ulo. “JD, your dad and I are not together anymore,” dugtong ko pa. May namuo na namang mga luha sa sulok ng kanyang mga mata. “Ang importante anak ay mahal ka namin ng daddy mo.” Tila dinudurog ng pinong-pino ang puso ko habang sinasabi ko iyon sa aking

