Naging abala si Manang Maria sa paghahain para sa aming agahan. Habang nakaupo ako sa nakagawian kong pwesto rito sa dining table ay hindi ko mapigilan ang mga mata ko na mapadako sa namamagang pisngi ni Joaquin. Labis na pag-aalala na naman ang naramdaman ko. Kailangan na niya talagang matingnan ng doktor. Kaya naman pagkatapos naming kumain ay inutusan ko si Manang na tawagan ang doktor ng pamilya upang makapunta ito ngayon sa penthouse. Hindi na nagawang tumutol ni Joaquin na matingnan siya ni Doctor Perez. Mga bandang alas diyes ng umaga ito dumating. "Doc, huwag mo na lang ipaalam kina Daddy," pakikiusap ni Joaquin sa kanya nang magpaalam ito. Marahan namang tumango si Doctor Perez. Pinayuhan pa rin si Joaquin ng doktor na magpa x-ray. Sinulat niya sa precription pad ang mga labor

