Mag-a-alas nuwebe na ng gabi ay hindi pa rin nakakauwi si Joaquin dito sa penthouse. Pinilit ko lang ubusin ang ihinatid na pagkain sa akin ng mga staff kanina. Wala talaga akong gana dahil natutulala pa rin ako sa tuwing naiisip ko ang mga nangyayari ngayon. Murder! It was a very serious accusation. Inosente man si Joaquin ay hindi malayong pag-isipan siya ng masama ng mga kaanak ni Engr. Berdaje lalo pa at kung natuklasan na nila ang imoral na relasyon nilang dalawa ni Lucy. Nilibang ko na lamang ang aking sarili sa panonood ng TV. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Joaquin. Malamlam ang kanyang mga matang nakatuon ang buong atensyon sa akin. “Joaquin, I’m worried!” natataranta kong sambit. Tumayo ako mula sa sofa upang makalapit sa kanya. “Ano na ang nangyari?

