Angkan ng Potion Mansion ◐.̃◐

2448 Words
"Maaliwalas na araw, Diwatang Mayumi!" "Styx! Anong kaganapan sa mansion at naglabas ng bahaghari si Ina?" Humahangos na tanong ni Mayumi pagkakita kay Styx, ang tagapagbantay ng lagusan patungo sa Potion Mansion. "Marahil dahil sa inyong mga panauhin kaya ka pinapauwi ng iyong Ina." "Panauhin? May panauhin ako? Sino naman yun, Styx?" "Ehh.. Kasi.." Nagkakamot ng batok na napaiwas ng tingin kay Mayumi si Styx. "... ayaw ipasabi ng yung Ina! Ang pinahatid na ulat lang nya kay Monera sa'kin dito, ay agad kang pauwiin sa mansion, dahil may mahalaga daw kayong pag uusapan." "Ahh.. ganun ba! Sige, uuwi na lang ako dun, pagkatapos nito..! Ummp..!" Mabilis na sinipa ni Mayumi ang nakausling ugat malapit sa kinatatayuan ni Styx. "Anong sadya mo, Laka? Inutusan ka ba ng kambal Diwata, para manmanan ako hanggang dito?" Malumanay man ang dating ng boses ni Mayumi, natataranta pa ring napalabas ng mabilis ang palakang si Laka, mula sa kinukublihang ugat ng punong Talisay. Malapad ang ngiti nitong ipinakita kay Mayumi ang dalawang kamay na nakatali ng malapot na dagta. "Mahal na Prinsesa Mayumi, isa lamang po akong hamak na palaboy.. binihag, pinahirapan at ginawang alipin nila Amna at Anma..." "Hindi ko tinatanong ang tungkol sa'yo, Laka! Ang nais kong malaman ay kung bakit mo ako sinusundan.. mula karagatan hanggang dito sa lagusan.. anong pakay mo sakin?" Namilipit ang palaka.. maya maya malakas itong ngumawa, na halos makita na nila Styx at Mayumi ang ngala ngala nito sa laki ng pagkakabuka ng bunganga nito. "M-Mahal na Prinsesa... maaari mo ba akong kunin mula sa malupit na mga kamay ng Kambal Diwata?" Mabilis itong lumuhod, tumingala kay Mayumi, magkahalo ang luha't sipon nito habang nakikiusap sa mabait na Prinsesa. "Naninikluhod po ako ngayon sa inyong harapan.. na ako'y inyong kahabagan.. Inyo po akong tulungan, lubusang makalaya at mumuhay ng masaya at mapayapa!" Likas na malambot ang puso ni Mayumi. Kaya nga sa apat na magkakaibigan, sya ang laging nasasaktan, naloloko at nalilinlang.. Pero kaligayahan na nyang tumulong, masaya sya sa kanyang mga ginagawa. Hindi nya natitiis ang makakita ng isang nilalang na umiiyak at naghihirap.. Tutulong sya sa abot ng kanyang makakaya, maging ito man ay maliit o malaki, mahirap o madali, makakabuti o makakasama, ang lahat ng yun ay dina mahalaga.. basta't para sa kanya, ang maging masaya ka lang ay sapat na, para sya'y matahimik at mamuhay ng payapa. "Styx!" "Anu po yun, Prinsesa Mayumi!" "Ikaw ng bahala sa kanya! Alam mo ng gagawin mo! Hmmm?" "Makakaasa po kayo sakin! Hindi ko po kayo bibiguin!" "Salamat, Styx!" Nginitian nya ito saka bumaling sa palaka na nagpupunas na ngayon ng kanyang mukha! "Umuwi kana sa tahanan mo, Laka! Si Styx ng bahala sa'yo!" Nakangiting hinaplos nyang pisngi ni Laka, saka nya hinawakan ang nakatali nitong kamay, saglit lang yun, pero ng kanyang bitawan wala ng dagta na taling nakapulupot dito. Tumayo na sya't naglakad papasok ng Lagusan, dipa sya tuluyang nakakapasok sa loob ng marinig nyang boses ni Laka. "Maraming salamat! Prinsesa Mayumi... Napakabuti mo talaga! Naway pagpalain kapa ng kataas taasang Bathala! dahil sa taglay mong busilak na puso!" Nilingon nya ito, ngumiti saka kumaway dito..Masaya na syang matulungan si Laka na makalaya mula sa malulupit na kambal Diwata. Kilala ang mga ito sa masasamang gawain. Minsan na nyang nakasagupa ang mga ito, kaya alam nyang kakayahan at taglay na kapangyarihan ng kambal. Pero, matatapos ng kalupitan ng mga ito, sa oras na makaharap nila ni Styx. Maingay, madaldal at masayahin mang tingnan ang tagapagbantay ng lagusan, kabaliktaran naman ang katangian nito kapag nakikipaglaban. Wala pang nakakaligtas na buhay sa mga kamay nito. Kaya walang sinumang masasamang Engkanto ang nakakapasok sa lagusan, dahil yun kay Styx. "Paalam! Laka... mag iingat ka palagi!" Saka sya naglaho. Nais nyang mapabilis ang kanyang pag uwi sa Mansion, nasasabik syang makita kung sinuba ang mga panauhing sinambit ni Styx sa kanya kanina. 'Di kaya sila Urduja at Ayana? Haayy.. sana nga silang dalawa!!!' Sa mismong harapan ng Mansion sya lumitaw, napangiti si Mayumi ng makita ang kanyang buong Angkan na nag eensayo sa makapal at makulimlim na ulap. "Habib..!" Kuha nya sa pansin ng isang lalakeng Engkantado, na nakasuot ng mahabang pulang damit. Nakababatang kapatid ito ng kanyang Ina. "Mayumi..! Buti naman at naalala mo pa kaming dalawin dito.." "Ang drama mo! Eh, nung nakaraang araw nandito din yan!" Nakangiting tumalon mula sa ulap si Fatma. Kasunod nitong nagsitalon na rin sina Carra at Bella, ang kambal nitong mga kapatid. Mga anak naman sila ni Ivana ang nakakatandang kapatid ng kanyang Ama. "Dito kana ba ulit mamamalagi sa mansion, Mayumi?" "Sana dito na! Para masaya ulit tayo! Saka makakapag paligsahan ulit, baka sakaling matalo kana namin ni Klyto!" "Syanga! Lalaban ulit kami ni Zaito! Tinuruan kaya kami ni Ama, ng mga bagong paraan sa pakikipag laban.. Saka si Ina, tinuruan din kami ng mga bagong salamangka!" Pagmamayabang naman ng mga pinsan nya. Kambal na lalakeng mga Anak naman sila ni Imam at Niza. Ang nakakatandang kapatid ng kanyang Ina. "Talaga? Aba'y sigurado ng pagkatalo ko sa inyong dalawa! Kaya, mag eensayo muna akong mabuti, para may laban ako sa inyong dalawa." Sa masayang usapan nila, napasulyap si Mayumi sa isang Diwatang paparating na nagmula sa Mansion. Nakangiti nyang hinarap ito saka binati. "Maaliwalas na araw sayo, Monera! May mga panauhin daw ako sabi ni Styx, nasaan sila?" "Maaliwalas na araw sayo, Prinsesa Mayumi!" Yumukod muna si Monera, bago tuwid na tumayo at ngumiti sa kanya. "Prinsesa, nasa punong bulwagan na po ang iyong mga panauhin, kasamang Hari at Reyna, pinapatawag na po kayo ng 'yung Ina!" "Ganun ba! Salamat!" Binalingan nyang mga pinsan. "Mamaya na lang ulit tayo magkwentuhan, haharapin ko lang muna ang aking mga panauhin, Paalam na muna sa inyo!" "Sige, maghihintay na lamang kami dito!" Ani Habib, ang pinakamatanda sa kanilang magpipinsan. "Babalik ako kaagad!" Tinapik muna nya sa balikat isa isa ang mga ito, saka sumabay na kay Monera, papasok ng Mansion. "Monera, sino bang mga panauhin ko? Sabihin mo na sakin! Sige, na...!" Pangungulit pa nya. "Pasensya kana, Prinsesa Mayumi! Kabilin bilinan po kasi ng iyong Ina, na kakausapin daw muna nya kayo, ang Kamahalan ng magsasabi sayo.. kaya halika na sa loob, para makita mo na sila!" "Kung ganun! Halika na! Bilisan mo daliii...!" Halos liparin na nyang pagitan ng malawak na hardin marating lang ng mabilis ang punong bulwagan.. "Kung bakit ba naman kasi, di ako pwedeng maglaho eh! Si Ina kasi, bakit pa pinagbawal sakin yun, huuuhh..!" "Kasi po, basta basta kana lang naglalaho ng di nagpapaalam sa kanya. Eh! Gusto pa naman nun, ang palagi kang nakikita dito sa Mansion." Tama naman ang sinabi ni Monera, kaya nanahimik na lang sya,, hanggang makapasok na sila sa loob ng Mansion at sapitin nilang punong bulwagan. Kaagad na umikot ang tingin nya sa paligid, wala namang ibang nandun kundi ang kanyang Ama na nakaupo sa trono nito at seryoso ang mukhang nakatingin sa kanya. "Ina!" Tawag nya kay Diamond na nakatayo sa tabi ng kanyang Ama. Seryoso din ang mukha nito ng bumaling ng tingin sa kanya. "Ama!" Wala pa ring imik ang kanyang mga magulang, kahit paulit ulit na nyang tinatawag ang mga ito. 'Anubang nangyayari? Bakit nakatingin lang sila sakin?' Sinuri nyang mabuti ang kanyang kaharap, mula ulo hanggang laylayan ng mga suot na damit. Nagtagal ang tingin nya sa mga mata ng kanyang Ina. Mas kilalang kilala nya ang kanyang Ina kesa sa Ama nyang palaging wala at madalang lang kung sila ay magkita. 'Sabi ko na nga ba!' Napangiti sya ng makitang dahan dahan na naglalaho ang kaliwang kamay ng kanyang Ina. "Tama ng pagsubok Ina! Alam ko ng ilusyon lang itong mga nakikita ko! Sige, na po.. lumabas na po kayo!" Naghintay pa sya ng ilang minuto, bago nya narinig ang boses ng kanyang Ina. "Mayumi! Mahal ko! Bakit ngayon ka lang?" "Patawad po Ina! Sinamahan ko pa kasi si Octo manguha ng kabebe para kay Ashera." "Kung medyo nahuli kapa ng uwi, baka dimu na naabutan pang mga espesyal mong panauhin Anak!" Nakangiting inakbayan sya ng kanyang Ina at inakay papasok ng hapag kainan nila. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita sa mahabang mesa ang mga kaibigang matagal na nyang hindi nakikita't nakakasama. Lalo na si... "Amihan!" Tawag nya dito, katabi nito si Urduja sa upuan, at sa kabilang bahagi naman ng mesa kaharap ng dalawang Prinsesa, sila Fairy Io at Lorsan na magkatabi rin sa upuan. Naunang tumayo ang kanyang Ama, nakabukas ang dalawang braso nito, malapad ang ngiti sa kanya. Kaagad syang lumapit sa kanyang Ama sabay halik at yakap dito. "Aming Prinsesa!" "Ama! Dito na po ba kayo mamalagi? Hindi na po ba kayo aalis?" "Hindi na, Anak! Mas kailangan ako ng yung Ina dito, lalo pa't sinusundo kana ng yung mga kaibigan." Napabitaw sya sa pagkakayakap sa kanyang Ama dahil sa sinabi nito. Napatingin sya kay Urduja at Amihan. Nakangiting tumango ang dalawa. Nginitian nya rin ang mga kaibigan, gustong gusto na nyang yakapin ang mga ito, nagpipigil lang sya. "Anong ibig nyu pong sabihin, Ama?" Bilang sagot ng kanyang Ama, inilahad nitong kamay sa dereksyon nila Fairy Io. Nakakaintindi namang tumayo na sa pagkakaupo si Io at nagpaliwanag sa kanya. "Mayumi, gusto mo bang sumama saming paglalakbay?" Dipa nga sya nakakasagot kay Io, sumegunda na ng isa pang tanong si Urduja. "Gusto mo bang maging isa sa mga tagapangalaga ng mahiwagang brilyante ng Bathalang Kaiser?" Mas lalo syang naguluhan sa tanong ni Urduja sa kanya. Na dinagdagan pa ni Amihan ng isa pang tanong. "Gusto mo bang sumama sa aming mag ensayo sa tahanan ng mga Dyosa?" Kunut nuo syang humarap sa kanyang Ina. Nagtatanong ang kislap ng kanyang mga mata dito. "Ina!" "Mahal ko, isa ka sa napili ni Io, na maging tagapangalaga ng brilyante ng tubig. " "Totoo po ba yan Ina?" Hinaplos haplos ni Diamond ang mahabang buhok ng kanyang Anak. Saka masuyo nya itong hinalikan sa ulo. "Oo, Mahal ko!" "Pahihintulutan nyu po ba ako ni Ama, kung sakaling nais kong sumama sa kanila Ina?" Nag aalalang tiningala ni Mayumi ang kanyang Ina na nagkataon namang sumulyap sa kanyang Ama. "Sino ang magsasanay sa mga bagong tagapangalaga na mapipili mo, Diwatang Io?" Seryosong tanong ng Hari kay Fairy Io. "Ang apat na Dyosa, Kamahalan. Ang mga sinugo ni Bathalang Kaiser na mangalaga't magbantay sa kalikasan, kalupaan, karagatan at kabundukan. Nakumbinsi na silang apat ni Batalumang Enolla.. Sa oras at panahong mahanap at matipon ko ng napili kong tagapangalaga. Dadating sa Fairyland, sina Waterya, Aireya, Eartheya at Fireya.. Silang apat ang huhubog at magbibigay ng iba't ibang pagsubok sa mga bagong tagapangalaga ng mga Brilyante, Kamahalan!" Narinig pa ni Mayumi ang pagsinghap ng kanyang Ina. "Hindi ko inakala na silang apat na mga Dyosa ang tinutukoy ni Prinsesa Amihan na magsasanay sa kanila." "Dahil tanging silang apat na mga Dyosa lang ang may karunungan sa nakatago pang kapangyarihan ng apat na Brilyante, Mahal na Reyna." "Kung ganun! Mapapalad pala ang mga bagong tagapangalaga na napili mo, Diwatang Io." Namamanghang sabi ng kanyang Ama. "At napakapalad ng aming Anak, dahil isa sya sa mga napili mo!" Natutuwang sabi naman ng kanyang Ina. "Matagal ko na pong kaibigan ang inyong Anak, Kamahalan.. Ako din ang nagdala sa kanila dati saking bahay na bato. Hinasa ko ang kakayahan at karunungan nila sa pakikipaglaban, tinuklas ang nakatagong kapangyarihan, at doon ko napag aralan ang kanilang tunay na katauhan." "Kaya pala biglang nawala noon si Mayumi, ni hindi man lang sya nagpaalam samin ng kanyang Ama...." "Ina, matagal na panahon na po yun! Paulit ulit na po akong humingi ng tawad sa inyo!" Napabuntunghininga na lang ang Reyna.. Wala na ngang saysay kung uungkatin pa nyang nakaraan.. Dapat pa nga syang magpasalamat kay Fairy Io, dahil sa ginawa nito, naging matapang ang kanyang nag iisang Anak. "Si Urduja, Amihan at Mayumi... sino naman ang isa pang makakasama nila?" "Si Prinsesa Ayana po, Mahal na Reyna Diamond." Magalang na sagot ni Lorsan, sya ng sumalo kay Io, dahil nakita nyang kausap nito sina Amihan, Mayumi at Urduja. "Kung ganun! Kaharian na ng Umbra ang susunod nyung lalakbayin?" "Ganun na nga po, Mahal na Hari." Kaagad nyang sagot kay Haring Dio. Napatango tango itong inakbayan ang kabiyak. Saka tinawag si Mayumi. Kaagad naman itong lumapit at parehong niyakap ang mga Magulang. "Ama, Ina, papayagan nyu na ba akong sumama sa kanila?" "Oo naman! Basta't sa kabutihan at kaligayahan ng aming mahal na Prinsesa... payag na payag kami ng yung Ina!" Bumitaw sya sa pagkakayakap sa mga ito, saka hinalikan nyang Ina na naluluha at ang kanyang Ama na nakangiti naman sa kanya. "Marami pong salamat! Napakasaya ko po talaga ngayon.." "Yan lang ang hangad namin ng yung Ama, ang maging masaya ka Anak." "O, sya! tama na yan! Baka umiyak kana naman Mahal ko!" Nanunukso ang ngiti ng Hari, na nagpatawa na rin sa mag Ina. Nahinto lang ang pagsasaya ng tatlo ng kunin ni Io ang pansin nila. "Paumanhin po, Kamahalan! Maaari na ba kaming maglakbay ngayon? Nais ko po sana na bago maghating gabi ay marating na namin ang Lagusan ng Umbra." "Dalhin nyu ang aming basbas sa inyong paglalakbay patungong Kaharian ng Umbra!" "Maraming salamat, Kamahalan!" Yumukod si Fairy Io, inilagay sa kaliwang dibdib ang kanang kamay at nagpasalamat sa Hari at Reyna ng Potion Mansion. "Sa paglabas nyu ng Mansion na ito, asahan nyung pagbalot sa buong katawan nyu ng isang potion na mangangalaga sa inyo hanggang Umbra." "Maraming salamat po, Mahal na Reyna! Maaliwalas na araw po sa inyo! Paalam!" Sabi ni Io, sabay yukod sa harapan ng Hari at Reyna.. Ganun din ang ginawa nila Lorsan, Amihan at Urduja.. Pagkatapos nun ay naglakad na sila palabas ng hapag kainan.. Sa labas ng Mansion na lang sila maghihintay kay Mayumi. "Salamat Ina!" Halik sabay yakap sa kanyang Ina, bago bumaling naman si Mayumi sa kanyang Ama.. "Ama, salamat po! Mahal na mahal ko kayo ni Ina!" "Mag iingat ka Anak! Mahal na mahal ka namin!" "Lagi ko po alalahanin ang mga pangaral nyo sakin... Paalam na po!" Panay ang kaway ni Mayumi sa kanyang mga Magulang habang humahakbang palayo sa mga ito... Isang kaharian na lang ang tutunguhin ni Fairy lo para makompleto na nyang apat na tagapangalaga ng mga brilyante, Ang Kaharian ng Umbra, kung saan naninirahan si Prinsesa Ayana, ang panganay na Anak ni Reyna Amethyst at Haring Xian. Napapangiti na lang sya habang nakikinig sa usapan ng tatlong Diwatang kasama nya sa paglalakbay. Habang nasa hulihan naman nila si Lorsan. 'Ayana, ikaw na lang ang kulang... para matapos ko ng misyon kong ito! Sana kagaya nila Amihan, Urduja at Mayumi... makumbinsi din kitang sumama sa amin!' Piping hiling nyang nasambit sa hangin... ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD