Styx...Tagapagbantay ng Lagusang Potion Mansion ◐.̃◐

2110 Words
Habang naglalakbay na silang apat patungong lagusan ng potion mansion, napadaan sila Fairy Io, sa karagatan ng Orlin, kung saan nananatili ngayon si Mayumi kasamang mga kaibigan nitong laman dagat. "Napakaganda talaga nitong karagatan ng Orlin, nuh! Urduja?" "Syang tunay, Amihan. Kaya nga dito napili ni Mayumi na magtatag ng sariling Palasyo, kasi, mahal nyang karagatan lalo ng mga nilalang dito." "Pero, ang nasagap kong balita, madalang na lang syang pumapalaot ngayon, dahil abala daw sila sa Mansion sa paggawa ng iba't ibang klase ng gamot." "Hah! Bakit naman, Urduja? May digmaan na naman bang nagbabadya sa Engkantadya?" "Mas maiging laging handa, kesa magugulat na lang tayo sa mga kalabang sumusulpot na lang bigla.." "Sabagay, matinik at malakas ang pakiramdam ng Ina ni Mayumi sa mga pangyayaring ganyan.. Laging tumutugma ang bawat salita nito sa paparating na kaganapan, kaya malaki ang tiwala ng mga kaalyado nitong Kaharian, dahil sa kakayahan at taglay nitong karunungan at kapangyarihan." Napatigil ang dalawang Prinsesa sa pagkukwentuhan ng makitang huminto sa paglalakbay sa himpapawid sila Fairy Io at Lorsan na kanilang sinusundan. Kaagad nila itong nilapitan. "Bakit kayo huminto, Fairy Io?" Nagtatakang tanong ni Amihan. "Tumingin kayo sa baba!" Tanging nasabi ni Io na ang mga mata ay na kay Lorsan. Na tila balisa at hindi alam ang gagawin ng makita ang mga nilalang na umaahon sa karagatan. "Ang Reyna Eira ng Orlin!" Nanlalaki ang mga matang napasinghap pa si Urduja. "Hala! Bakit ito umaahon ng karagatan?" "Baka mahalaga ang sadya sa'tin, kita mo kasama pang mga anak at si Nexie." May pagkabahalang sagot naman ni Lorsan. "Kung sina Ashera, Eihran at Nexie lang ang makikita mong umahon sa dagat, wala tayong dapat ipangamba, pero kapag ang Reyna Eira na ang makikita mong umahon sa karagatan..." Napahinga muna ng malalim si Io, saka binalingan ng tingin isa isa ang tatlong kasamahan na seryosong nakikinig sa kanya. "Siguradong may mabigat itong dahilan, ang pansamantalang iwan ang kanyang trono't Kaharian, para lang makipagtalastasan sa kung sinumang nilalang na tumatawid sa hangganan ng lagusang Orlin, ito ay may pananagutan na kelangang pagbayaran, at kung may nilabag o lumagpas man tayo sa batas nyang pinapatupad.. alam nyu ng sasapitin natin dito. Kaya ihanda nyu ng mga sarili nyu!" "Teka lang muna! Kakaiba ang nararamdaman ko sa kanila Fairy Io, parang may mali dito na hindi ko mawari kung ano!" "Anong balak mong gawin ngayon, Urduja?" "Ako na muna ang unang haharap, dahil sa ating apat, ako ang mas higit na nakakakilala sa kanila." "Kung ganun! Mag iingat ka Urduja! Nandito lang kami, nakahanda at mag aabang sa mga kaganapan." Matapos sabihin yun ni Fairy Io, Kaagad na nagpalabas ng makapal na usok si Lorsan, nagkanya kanyang hugot sila ng mga sariling sandata. Isang tungkod na mahaba ang kay Lorsan, dalawang talisman na maliliit ang kay Fairy Io, magkapareho sila ng sandata ni Amihan, pero mas malaki at mahaba lang ang hawak nito, isang espada naman ang kay Urduja. Nakangiti pa itong humarap sa mga kasamahan at nagbilin na... "Hintayin nyu lang ang aking hudyat!" "Sige! Mananatili lang muna kami dito, ikaw ng bahala!" Tumango na lang si Urduja bilang sagot sa kanyang mga kasamahan. Mabilis syang naglaho at lumitaw ng may distansya sa Reyna at mga kasamahan nito. Mabuti ng nag iingat kesa magsisi bandang huli. 'Ano naman ang dahilan nyo at sadya samin? Hmm.. isang malaking palaisipan ito..!' Mga tanong sa kanyang isipan na nais nyang masagot kaagad. "Maaliwalas na araw, Kamahalan!" Kaagad syang yumukod sa Reyna Eira ng Orlin. "Ang makita't makaharap ko kayo dito ay nakakabigla para po sa'kin!" "Saan kayo patutungo, Urduja?" Seryosong tanong ng Reyna sa kanya. "Sa Kaharian po nila Mayumi, Kamahalan!" "Bakit kayo patutungo sa Potion Mansion? May kaganapan ba doon ng hindi ko nalalaman?" "Papasyalan lang po namin si Mayumi, Kamahalan! dahil ngayon lang po ulit nakalabas ng Nahara si Amihan, at nais nyang makita ang aming kaibigan." Habang nakikipag usap, sinusuring mabuti ni Urduja ang mga kaharap, bumaba pa syang lalo sa karagatan para makasiguro kung totoo ngang ang Reyna Eira, at ang kaibigang sina Ashera't Nexie at higit sa lahat ang katipan na si Eihran nga ang mga ito. 'Huh! Hindi sya si Eihran!' Mula sa pagkakatitig nya sa mga mata ni Eihran, sinuri nya rin ang mga mata ni Ashera, Nexie at ang Reyna Eira. 'Pare pareho ang kulay ng kanilang mga mata! Kahit na kulay itim, hindi pa rin maikukubli ang tunay na kulay dilaw ng mga mata nila.' Isa lang ang alam nyang nagtataglay ng may dilaw na mga mata, at yun ay ang Angkan ng mga Didosaur. "Mga Salamangkera ng Didosaur..!!" Kasabay sa pagbigkas nya ay ang pagbabagong anyo ng kanyang mga kaharap. Napatiimbaga na lang si Urduja ng magbalik sa tunay nilang katauhan ang mga ito. Ang kaninang nag anyo na si Eihran, ay ang salamangkerong si Buddi, na ang pangunahing gamit sa pakikipaglaban ay puting panyo na lumilikha ng iba't ibang ilusyon.. Ilusyong ginagamit ang kahinaan at kinatatakutan ng kanyang nakakalaban. Si Lenid, na nag anyong Nexie.. plawta naman na kulay berde ang kasangkapan nito sa pakikipagdigma, ang tunog ng musika na nanggagaling sa kanyang plawta ay hindi basta basta, dahil, isip at puso ang pinupunterya. Ang nag anyong Ashera ay si Kala. Puting pamaypay naman ang sandata nito. Hangin ang pinagkukunan ng salamangka, gamit ang kanyang pamaypay... sinasabog nito ay pag-ibig at poot na kapag nagbanggaan... walang hanggang pighati ang mararanasan at mararamdaman, ng kung sinumang madampian ng hangin na nanggagaling sa puting pamaypay nito. At ang Reyna Eira na inakala nila, ay walang iba kundi si Azena, ang salamangkerang gumagamit ng dilaw na dyamante. Ang kapangyarihan nito ay lumikha ng iba't ibang nilalang.. Mapa kalupaan, karagatan, kabundukan at himpapawiran ay makakaya nyang maglabas ng mga insekto, laman dagat, mga mababangis na hayop at iba't ibang klase ng ibon. "Mga mapanlinlang..!" Napahigpit ang pagkakahawak ni Urduja sa kanyang espada ng biglang lumitaw ang dambuhalang bughaw na octopus sa likuran ni Azena. Ang mga galamay nito ay pasugod na sa kanya.. mabilis ang kanyang kilos na iwinasiwas ang kumikislap sa talim nyang espada. Akma na nyang puputulin ang isang galamay na pumulupot sa kanyang braso ng marinig ang pagsigaw ni Lorsan sa kanya. "Urduja! Waggg..!" "Ha?" Napalingon sya bandang kanan ng lumitaw dun sila Lorsan, Fairy Io at Amihan. "Isa lamang ilusyon ang ating mga nakikita ngayon!" "Ilusyon? nubang pinagsasabi mo dyan, Lorsan?" "Hayaan mo akong gawin ito!" May kinuhang isang maliit na telang supot si Lorsan sa loob ng kanyang damit, bandang dibdib nito. Binigay sa kanya ni Chameleon ang bagay na yun, para gamitin sa kanilang paglalakbay. Dumakot ito ng konting kulay gintong abo sa loob ng supot, inilagay sa nakabukas nitong palad, saka hinipan papunta dun sa apat na salamangkerang seryoso ang mga mukhang nakamasid lang sa kanila. "H- Ha... A- anong...?" Napapailing iling na lang si Urduja ng unti unting naglalaho sa kanilang harapan ang apat na mga salamangkera ng Didosaur. "Nakalimutan mo na bang sinabi satin ni Chameleon?" Dun nya lang naalala ang babala ng tagapagbantay sa lagusan ng Inspra. Na maraming patibong ang nakakalat sa daan, bago nila sapitin ang lagusan ng potion mansion. "Salamat!" Nakangiting tinapik pa nyang balikat ni Lorsan. "Wag tayong magpadalos dalos sa'ting mga kilos, ating pakatandaan na.. nababalot ng malalakas na mahika ang daan patungong lagusan ng potion mansion.." "Kaya pala! hindi sila basta basta napapasok ng mga kalaban? ngayon ay alam ko na, kung bakit ni minsan hindi pa nasasabak sa kahit na anumang digmaan ang Angkan nila Mayumi." "Tama ka, Amihan! Ang Reyna Diamond ng potion mansion ay isa sa pinakamahusay sa paggawa ng mga sangkap na gamot pampagaling sa kahit na anumang sakit.. Pinakamautak sa pagbuo ng mga plano na maipanlaban sa kahit na anumang digmaan.. Pinakamagaling sa paghabi ng mga engkantasyon, na magagamit at panlaban sa kahit na anumang engkantasyon na makakasagupa nito... at isa sya sa pinaka dalubhasa sa paggawa ng mga likidong armas na magagamit sa malalakas na digmaan." Bakas ang paghanga sa mukha ni Fairy Io, habang nagkukwento ito sa kanila. "Kahit ngang kapatid kong si Arkin, ay nahumaling na rin sa paggawa ng iba't ibang uri ng sandatang pandigma, dahil malaki ang kanyang paghanga kay Reyna Diamond.. tinutularan nyang lahat ng nakikitang kakayahan nito.. yun nga lang.. madalas syang pumapalpak kaya pati ako nadadamay kapag sya'y napapatawan ng kaparusahan ni Reyna Amethyst." "Kaya kaba lalong gumagaling, dahil ginagaya mo na rin si Arkin!! Ha, Lorsan?" Lihim na napapangiti na lang si Fairy Io sa nakikitang pamumula ng mukha ni Lorsan. Alam nyang nahihiya ito sa kanya, kaya iniba na lang nyang usapan para kumalma ito. "Tayo ng maglakbay! Malapit na tayo sa lagusan ng potion mansion.. Siguradong masusorpresa natin si Mayumi nito!" "Tara na Urduja! Nasasabik na'kong makita si Mayumi!" "Ikaw lang ba, Amihan? Syempre ako din... nasasabik ng makita ang mahiyain nating kaibigan!" Nauna ng naglaho ang dalawang Prinsesa. Naiwan naman sila Lorsan at Io na magkasabay pang napatingin sa isa't isa bago nagkangitian at sabay na naglaho para sundan yung dalawa. Lagusan ng Potion Mansion "Maaliwalas na araw.. Prinsesa Amihan! Prinsesa Urduja!" Pagbati sabay pagyukod ni Styx, ang tagapagbantay ng lagusan patungong potion mansion, sa dalawang bagong dating na mga kaibigan ni Mayumi. Inaantabayanan na nito ang mga espesyal na panauhin, mula pa kaninang sinabi sa kanya ng tagaulat na si Monera, na estimahin ng maayos ang mga panauhin sa utos ng Reyna Diamond nila. "Uy! Styx, nasa mansion ba si Mayumi?" Nasasabik na tanong ni Urduja sa tagapagbantay ng lagusan. "Maaari na ba kaming magtungo dun?" Sabi naman ni Amihan, na hila hila sa kamay si Urduja. "Kayong dalawa lang po ba? Kasi, ang iniulat sakin ni Monera... apat daw kayo! Nasan na po sina Prinsipe Lorsan at Fairy Io?" "Nandito na kami, Styx! Kumusta kana?" Napabaling ang pansin ng tatlo sa mga bagong dating na sila Lorsan at Io. "Lorsan! Tagal nating di nagkita ah! Kumusta kana?" Masayang bati ni Styx sa kaibigang matagal ng di nasisilayan. "Ano ng balita dun sa Diwatang sinusubaybayan mo, nagpakilala kana ba sa kanya? Ano naaalala kana ba nya?" Panay ang senyas ni Lorsan kay Styx, pinapatahimik nya ito, kaso ang problema, sadyang may pagkamadaldal ito, kaya tuloy tuloy lang ito sa pagtatanong sa kanya. "Anuna! Napaamo mo bang pinuno ng mga Amazona, ha? Nakuha mo bang tiwala ni Ionna Amazona?" 'Lagot na talaga ako nito kay Io..." Nakangiwing sinulyapan ni Lorsan isa isa ang kanyang mga kasama. Una si Urduja, na kaylapad ng pagkakangiti sa kanya.. Si Amihan na naka thumbs up pang dalawang kamay, may masayang ngiti rin ito sa labi, at panghuli ay si Fairy Io, na mababakas ang pagtataka sa mukha, nakataas ang isang kilay nito at tikom ang bibig na tila nagpipigil lang na magtanong kay Lorsan. "Styx! Hooyy! Tama na yang mga tanong mo! nandito kami para bisitahin ang Prinsesa Mayumi. Nasa mansion ba sya ngayon?" Pasimpleng tinapik ni Lorsan ang dibdib ni Styx, para makuhang pansin nito, at ng tumingin nga ito sa kanya, sinamaan nya ng tingin. "Ahm... Tunguhin nyu na lang ang mansion.. Hinihintay na kayo ng Kamahalan dun!" Bago pa ito lumayo kay Lorsan, nagawa pa nitong magtanong ng pabulong.... "Si Fairy Io ba at Ionna Amazona ay iisa?" "Mismo!" Sabay akbay at pisil ni Lorsan sa balikat ni Styx. "Saka na'ko magkukwento sa'yo, kaibigan! Tatapusin ko lang munang pagtulong ko sa misyon ni Io, bago ulit tayo magkasayahan!" "Aasahan ko na yang kasayahan na sinasabi mo ha!" "Basta! Pasyalan kita dito kapag maayos ng lahat!" Nagtapikan pa ng braso ang dalawa. Di nila napansin ang tatlong pares ng mga mata na nakatutok ang tingin sa kanila. Kung dipa nagsalita si Io, dipa nahinto sa pagbubulungan yung dalawa. "Ano! Magbubulungan na lang ba kayong dalawa dyan?" Parehong napaigtad pang dalawa, sa lakas ng boses ni Io. Napaharap tuloy bigla si Styx sa nakasimangot ng Diwata. "Paumanhin po sa inyong tatlo, natutuwa lang akong makitang muli si Lorsan.." Yumukod pa si Styx, at sa muling pagtuwid ng tayo nito. Nakangiting humarap ito sa tatlong Diwata. "Maaari na po kayong pumasok ng lagusan, nasa punong bulwagan na ang Haring Dio at Reyna Diamond, inaasahan na nila ang inyong pagdating." Nagkatinginan pa silang apat, saglit na nag usap ang mga mata.. Tumango si Io kay Lorsan, nakakaintindi namang hinarap nito si Styx saka nagpaalam. "Maraming salamat, kaibigan! Asahan mong aking pagbabalik! Paalam..!" Bilang sagot ni Styx kay Lorsan, inginuso nito si Io na naglalakad kasabay nila Urduja at Amihan, papasok ng lagusan. "Hangad ko ang lubos mong kaligayahan, kaibigan... Paalam!" "Salamat!" Kumakaway na sagot ni Lorsan dito.. Mabilis na itong naglakad papasok ng lagusan, para sundan ang tatlong kasamahan na malalaki ang bawat hakbang habang nagkukwentuhan. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD