Si Diwatang Mayumi, ay isa sa magaling na manggagamot ng Potion Mansion. Isa syang white Witch, Anak ng Diwatang si Diamond, ang eksperto sa pag gawa ng mga potion at asawa ng Engkantado na si Dio.
Isa sa mga gustong potion ni Mayumi ay ang may halong mga bulaklak, kasi, humahalimuyak ang amoy nito, katulad ng amoy ng sampaguita, pero isang pitik lang ng kamay nya magiging lason ito na kusang papasok sa katawan ng kung sinumang makapitan nito. Sinadyang ginawa ito ng Ina nya para lang sa mga kalaban nila.
At sa mga katulad nilang mabubuting naninirahan sa Engkantadya, hindi tatalab ang potion na pinakagusto nya, dahil may kasamang salamangka ito, na gawa naman ng ninang nyang si Jade, ang Ina ni Heneral Ixoe, na kasamahan nyang naglilingkod sa Palasyo ng Umbra, kung saan nya nakilala't naging kaibigan si Prinsesa Ayana, ang panganay na anak ni Reyna Amethyst ng Kahariang Umbra.
Magkaibigang matalik ang kanyang Ina at ang Reyna ng Umbra. Kaya naging matalik na rin nyang kaibigan si Prinsesa Ayana. Kahit na hindi ito nanirahan sa Palasyo at dun lumaki sa mundo ng mga Tao, magkasundong magkasundo silang dalawa. Kahit ang tagasilbi ng Palasyong Umbra na si Urduja ay naging kaibigan na rin nya.. Huli na lang nalaman ni Mayumi na isa din pala itong Prinsesa ng Kahariang Inspra. Sadyang pasaway lang talaga ito, palaging tumatakas sa pangangalaga ng Inang Reyna Ashana nito, para magawang mga gusto at makapag pasaya dito.
"Kumusta na kayang mga Prinsesa kong kaibigan, Octo?"
Hinila nyang dalawang galamay ng alagang baby Octopus.
"Si Amihan kaya! Nakakalabas na ba ulit ito sa Palasyong Nahara? Nagkikita kita kaya silang tatlo?"
Pumulupot ang mga galamay ng baby Octopus sa kanyang katawan, na tila ba kinikiliti sya nito, kasi malungkot na naman sya.
"Kung umuwi kaya muna ako sa mansyon Octo? makikibalita lang kay Ina, palagi kasi itong pumupunta sa Palasyo ng Umbra eh!"
Dahan dahang bumitaw sa pagkakayapos sa kanyang katawan si Octo, tinulak tulak pa sya ng maliliit nitong galamay palayo. Na ang nais nitong iparating sa kanya, ay pinapayagan na sya nitong umalis.
Nakangiting hinaplos haplos nyang ulo ni Octo,
"Basta! Dito ka lang sa Orlin ha! Wag na wag kang umalis sa Kahariang ito, dahil dito kita babalikan! Ha, Octo?"
Nagpabula ang isang galamay ni Octo sa tubig.. Yun ang paraan nito para maintindihan sya ni Mayumi. Kung kasama lang nila sana si Ashera, mas madali lang para dito ang makipag usap. Dahil silang dalawa lang ang nagkakaintindihan kapag nagsasalita na ito..
"Oo, naiintindihan na kita Octo!! Puntahan mo na lang muna si Ashera sa kweba nito, matutuwa yun kapag dinalaw mo sya.. saka magdala ka ng kabebe para sa kanya ha!"
Umikot ikot pa si Octo sa kanyang harapan. Natatawang kumapit sya sa mga galamay nito, mabilis namang sumisid pailalim pa ng karagatan si Octo. Dinala nito si Mayumi kung saan maraming kabebe. Kaagad na namili na ito ng magandang kabebe, bago pa sya kapusin ng hininga sa ilalim ng dagat. Naubos ng potion nitong dala na kanyang ginagamit kapag tumitigil sya sa ilalim ng tubig. Buti kung nasa loob lang sya ng kanyang Palasyo, dina nya kelangan ng potion, dahil ang kanyang tirahan malapit sa Kaharian ng Orlin ay may basbas ni Reyna Eira, ang Ina ng kaibigan nyang si Ashera.
Dalawang makukulay na kabebe ang kanyang napili. Pinakita nya ito kay Octo. Tila naibigan naman nito dahil hinila na nito si Mayumi paahon sa kailaliman ng karagatan. Pagkalitaw nila sa ibabaw ng tubig, kaagad na nakita ni Mayumi ang makulay na bahaghari sa kalangitan. Hindi ito isang ordinaryong klase ng bahaghari, isa lang itong ilusyon na tanging sya lang ang makakakita.
'Si Ina! Bakit kaya nya ako pinapatawag? Anong meron sa potion mansyon at gumamit pa sya ng mataas na uri ng mahika, para makuha kaagad ang aking pansin?'
Kaagad nyang inabot kay Octo ang dalawang kabebe nyang hawak, hinaplos haplos nyang ulo nito.
"Panu, Octo! Uwi muna ako ha! Kelangan ako nila Ina! Basta! Manatili ka lang sa karagatan ng Orlin, dahil ligtas ka dun."
Nagpaikot ikot na naman ang baby Octopus, natatawang kumaway kaway pa si Mayumi dito, bago lumangoy papuntang dalampasigan. Ng malapit na sya sa pampang, mabilis syang tumayo at tinakbo ang daan patungong lagusan ng potion mansyon.
Samantala... Pagkalabas naman nila Fairy Io, Amihan at Urduja sa lagusan ng Inspra. Bumungad sa kanilang tatlo ang masayang pag uusap nila Lorsan at Chameleon. Dipa nga napansin nung dalawa ang kanilang presensya kung dipa nagsalita si Amihan.
"Aba! Kaya pala di nakasunod ang buntot mo, Fairy Io, dahil nawiwili na dito!"
"Close kayong dalawa, Chameleon?"
Namamanghang tanong naman ni Urduja sa tagapagbantay ng lagusan. Na palipat lipat lang ang tingin nito sa kanilang tatlong Diwata.
"Isang himala ito! ngayon lang kita nakitang nakikipag usap sa ibang Engkanto! At ang mas nakakamangha pa sa'yo! Marunong ka naman palang ngumiti! Bakit dimu ugaliin ang ganyang pakikiharap mo sa mga nilalang na iyong nakakasalamuha, ha?" Napapalatak pang sabi ni Urduja sa tagapag bantay ng lagusan.
"Anong meron kay Lorsan, na tila nagpapagaan ngayon dito sa lagusan? Ibang iba ang aking pakiramdam, di gaya kaninang dumating kami dito." Nagtataka ring tanong ni Amihan.
"Baka naman may ginawang labag sa alituntunin ng Engkantadya itong si Lorsan! Di kaya! Ano sa tingin nyo?"
Nanunukso ang tingin ni Fairy Io sa kaibigan na seryosong seryoso.
"O, baka naman.. may lihim na tinatago ang dalawang ito..! Kaya magkasundong magkasundo."
"Anu namang lihim yun, Urduja?"
"Anupa ba! Amihan? Kundi, baka may nakaraan silang dalawa!"
"Na baka! may relasyon sila?"
Napatutop ng kanyang bibig si Amihan, bumaling ang nanlalaki nitong mga mata kay Fairy Io na ngiting ngiting napatango, bilang sagot sa dalawang Prinsesa na malayo na ang nararating ng mga kaisipan at usapan ng mga ito.
"Uuyy...! Tama na yang mahalay nyung kaisipan! Isa akong marangal at kagalang galang na Prinsipe ng Kahariang Aviato! Itigil nyong usapang ganyan!"
Mabilis ang kilos, dumistansya kaagad si Lorsan kay Chameleon.. Nauna na itong naglakad, basta na lang nitong iniwan ang tatlong Diwata na nagkatinginan sa isa't isa.. na maya maya napabunghalit ng tawa.
"Paalam, Chameleon! Wag kalimutang ngumiti ha!"
"Mapayapang paglalakbay, mahal na Prinsesa Urduja! Mag iingat po kayo..!"
Nakayukod pang sambit ni Chameleon.. Natutuwa talaga sya kapag nakikita nyang masaya ang Prinsesa ng Inspra.
'Manang mana sa kanyang butihing Ina at mapagbigay na Ama..'
"Hanggang sa muli, Chameleon... Salamat sa pag aliw kay Lorsan, mas napadali ang pakikipag usap ko sa Hari at Reyna, dahil hindi ko sya kasama sa Palasyo!"
"Ikinatutuwa kong muli kang makita at matulungan, Io..! aking matalik na kaibigan!"
Nakangiting sinulyapan muna ni Chameleon ang papalayong si Lorsan. At ng masiguradong dina nito maririnig ang nais nyang hilingin kay Io. Saka nya ito kinausap.
"Pwede ba akong humiling sa'yo!"
"Huh!" Takang tanong ni Fairy Io kay Chameleon. "Hiling? Ano naman yun?"
Inginuso nito ang dereksyong tinungo ni Lorsan.
"Huwag kang agad agad bumigay sa isang yun.. Mas magandang pahirapan mo muna sya."
Nakangiting tumango tango lang si Io kay Chameleon.Nababasa nyang kapilyuhan.. tuwa't saya sa mukha nito. . Kagaya ni Lorsan, maraming pagkakatulad ang dalawa. Sa ugali, sa kilos, at sa pananalita. Isa lang naman ang pagkakaiba nung dalawa.. Yun ay kapag nagmamahal na sila..
Si Chameleon di lang sa salita pinapadama ang pagmamahal sa napupusoan nito, dahil kaya nitong ibigay ang langit at lupa.. sisisirin ang kalaliman ng karagatan, susuyurin ang lawak ng himpapawid, lalakbayin ang burol at kabundukan..
Dahil para dito, ang makitang masaya't maligaya ang minamahal nito, sa kanya'y sapat na, para sya'y makontento at mamuhay ng mapayapa. Mapalad nga si Zia, dahil may isang kagaya ni Whisper na handang maghintay sa minamahal nitong walang katiyakan, kung kelan makakalaya sa pagiging tagahatol at tagapagbantay ng lagusan patungong Dreeber. Ang libingan ng mga masasamang Engkantong namayapa na sa mundo ng Engkantadya.
At si Lorsan? hmm... Kaya rin naman nitong maghintay ng matagal. Sa katunayan nga, kahit nung mga panahon na nawala ang mga alaala ni Io at namuhay bilang Ionna Amazona, at kahit na hindi nya ito nakilala't matandaan, di sya nito iniwan at sinukuan.. Nakipag sabayan pa ito sa angkan ng mga Amazona..
Pinatunayan ni Lorsan sa mga ito ang kadalisayan ng kanyang hangarin kay Io.. Sa haba ng panahon na ginugol nito sa kampo ng mga Amazona, nakasanayan na rin nito ang uri ng pamumuhay ng mga Amazona. Sinwerte lang ito ng makatuklas at makagawa si Alex ng gamot para maibalik ang lahat ng alaala ni Io, kaya ito'y naibalik ni Lorsan sa Umbra, na kalaunan ay nakauwi rin sa Fairyland ng mapatawad at muling tanggapin ng Ina nitong si Mother Golden Fairy.
Hindi lang isang kaibigan si Lorsan para kay Io, isa rin itong tagapagtanggol, tagapagbantay, tagapag alaga at higit sa lahat.. Isa itong Prinsipe na umiibig sa kanya.. Hindi sya isang Prinsesa, isa lamang syang ordinaryong Diwata, na naging espesyal lang dahil sa nag iisang anak sya ng Bataluman na pinagkakatiwalaan ng kataas taasang Bathalang Kaiser. Pero, may kakaibang kapangyarihan syang taglay mula sa kanyang Ina.. at yun ang ikinaangat nya sa mga nilalang sa buong Engkantadya.
Nakangiti pa ring binalingan nya ng tingin si Chameleon saka sinagot ang hinihiling nito kanina.
"At bakit ko pa pahihirapan si Lorsan, kung pwede ko naman syang pasayahin at paligayahin?"
"Talaga! Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo, Io?"
Mas nahimigan at ramdam nyang tuwa't saya sa tinig ni Chameleon, ngayon. Pero, di nya mawari kung bakit ganun na lang ang reaksyon nito sa kanyang sinabi. Kung ito ba ay natutuwa para kay Lorsan, o sya'y pinagtatawanan lang ba nito. Pero, dina nya kelangang pagdudahan ang bawat binibigkas nitong mga salita. Dahil dekada ng kanilang pinagsamahan.. Kumbaga, matalik na nyang kaibigan si Chameleon, bago pa nya nakilala si Lorsan., kaya kilalang kilala na nya ito.
"Oo naman! Kahit dinadaan lang nya sa mga biro at parinig, alam at ramdam kong saloobin nyang si Lorsan.."
"Ganun naman pala eh! Bakit mo pa pinapatagal Fairy Io? ba't dimu na lang sagutin, para pareho tayong masaya!" Singit ni Urduja sa usapan nung dalawa.
"Kasi, dipa naman yata harapang nagtatapat ng pagsinta itong si Lorsan, Urduja! Oh, eh! Papanu sasagutin ni Fairy Io yun, kung hanggang puro biro at paramdam lang ang alam gawin? Sige nga! Papanu ha?"
Pati si Amihan na nakikinig lang ay dina rin napigilan ang sariling makisali sa usapan.
"Hayaan nyu na lang ang Dwendeng yun! Tayo na't maglakbay habang maliwanag pang paligid, mahihirapan tayo kapag inabot ng dilim sa daan.."
"Io.. "
Muling napaharap kay Chameleon si Io, at nagtanong. "Hmm.. Anu yun?"
"Mag iingat kayo, maraming patibong ang nakakalat sa daan, bago nyu sapitin ang lagusan ng potion mansion."
"Salamat! Maaasahan ka talaga! Panu! Hanggang sa muli nating pagkikita kaibigan..!"
Tatalikod na sana ulit ito at maglalakad ng may maalala si Io.
"Chameleon! Hayaan mo, kapag natapos ko na ang misyong ito, tutulungan kita kay Zia!"
Unti unting gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Chameleon.
"Talaga! Sinabi mo yan ha!"
"Oo! Pangako!"
At nanumpa pang kaibigan sa kanyang harapan. Ito ang pinakagusto nya sa ugali ni Io, kahit kasi, hindi nya hilingin dito ang kanyang ninanais.. nalalaman nito. Kahit na hindi sya humihingi ng tulong dito, kusa itong tumutulong at dumadamay, kaya kapag nabibigo silang dalawa o di naman kaya ay may nilalabag na kautusan sa Engkantadya, pareho din silang napaparusahan.
"Salamat...!"
Nangingiting sumaludo si Chameleon. Bago kumaway sa tatlong Diwata na tinutugpa ang daang tinungo ni Lorsan kanina.
'Mas lalong masaya sana... kung magkatuluyan din sila Lorsan at Io! Para hindi lang ako ang magiging masaya't maligaya, kapag nagkabalikan na kaming dalawa ni Zia..'
Napatingala sya sa bughaw na kalangitan.. matagal nya itong pinagmasdan, na tila ba iginuguhit ng kanyang mga tingin sa makapal na ulap ang wangis ng maamong mukha ni Zia..
Napakuyom ang kanyang palad ng maalala ang huli nilang pagkikitang dalawa. Ang masakit na alaalang hinding hindi nya makakalimutan.. ang unti unting pagkadurog ng kanyang puso, ng una nyang makita ang galit at poot sa mga mata ng nag iisang Diwata na kanyang pinaka iibig.
"Zia...."
Kasabay ng pagkabigkas nya sa pangalan ni Zia, ang pagpatak ng kanyang luha.. Kaagad na ipinikit nyang mga mata, para maampat ang sunod sunod na pagpatak nito sa kanyang pisngi.
Ang tangi nyang hinihiling kay Bathalang Krisanta .. Sana patawarin na sya nito at ibalik na sa dati nyang buhay.. na maging normal na ulit ang mundong kanyang ginagalawan.. na bumalik na sa kanyang tunay na katauhan bilang Whisper at hindi na bilang si Chameleon.
Dahil bukod kay Zia, nasasabik na rin syang makita't makasama ang dalawa nyang kabatak at kasangga, na sina Shadow at Wings..
At higit sa lahat.. ang makabalik sya bilang isa sa mga tagapagbantay ulit ng Bathalang Krisanta, ang nag iisang Bathala na nangangalaga sa kanilang tatlong tagapagbantay ng Engkantadya.
?MahikaNiAyana