Hindi matigil ang iyak ko habang sakay ng kotse ni Kuya Eman. Si Myra naman, panay haplos naman sa likod ko at paulit-ulit na nag-so-sorry. Hindi nga raw niya in-expect na sasaktan na naman nito si Justin. Akala niya ay kakausapin niya lang kami. Pero hindi iyon ang nangyari. “Tahan na Erica,” alo pa nito sa akin. Akala niya nagbago na si kuya at hindi na barumbado, pero mali siya. Ang bilis pa rin pala nitong magalit, at kapag nasimulan na ang galit o init ng ulo nito, ang hirap na pakalmahin. “Kaya pala gustong-gusto mong magtrabaho sa HI-Techno. Co. dahil ang abusadong si Justin pala ang CEO! Ginawa ka pang personal assistant? Para ano, ha? Para abusuhin ka? Para magagawa niya ang gusto niyang gawin na walang pipigil sa kanya? Sira-ulo!” singhal ni Kuya Eman. Paminsan-minsan pa niton

