“Justin,” hagulgol ko habang yakap-yakap na rin siya ng mahigpit. “Ang lamig-lamig sa labas, Justin. Ano ba ang pumasok sa utak mo, at sumugod ka rito?” “Shh… ‘wag ka nang umiyak,” nanginginig nitong bulong. “Paano akong hindi iiyak? Nabugbog ka na nga, nag-palamig ka pa. Paano kung magkasakit ka?" humihikbi kong sabi kasabay ang pagtaas at baba ng kamay ko sa likod niya. Alam ko kasi na giniginaw siya. Ang lamig ng pisngi at labi niya na ngayon ay dumidiin sa leeg ko. "Gusto nga kitang makita, my nerd. Gusto kitang makasama. Wala akong pakialam kung gaano man kalamig sa labas. Wala na rin akong pakialam, mahuli man ako ng mga magulang mo, at lalong wala akong pakialam, bugbugin man ulit ako ng kuya mo. Hindi na ako papayag na magkahiwalay pa tayo. Hindi ko na hahayaan na may humadlan

