Kabanata 46

1472 Words

Matapos ang sandaling pagkagulat nagawa na rin ni Myra ang tumawa. Pahapyaw nga lang. Pero ako, wala pa ring reaksyon na nakatingin lang sa kanila. “Ibang klase talaga kayo. Bagong show niyo na naman ba ‘to?” natatawa na tanong ni Myra at naiiling pa. Sandali rin siyang sumulyap kay Justin, at bumaling naman sa tatlong demonyita na hanggang ngayon ay nakaluhod at nakayuko pa rin. “Tumayo na nga kayong tatlo! Hindi bagay sa inyo ang lumuhod, bagay sa inyo, hawak sa rehas habang umiiyak. At saka, hindi diyos si Erica para luhuran n’yo. Isa lang siyang nerd na muntik n’yo nang—" “Myra!" agad kong pinutol ang pagsasalita ni Myra. Marami na nga kasing nakapaligid sa amin. Syempre, sino ba ang hindi mapapahinto at maki-marites sa nakikita nila ngayon? Ngayon nga lang kasi nangyari sa paar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD