Dahil sa matalim na tingin ni Papa ay nahablot ko bigla ang kamay ko na pisil-pisil sana ni Justin. Hindi ko rin alam kung anong approach ang gagawin ko sa mga magulang ko na talaga namang miss na miss ko na. Ramdam ko na gano’n din ang nararamdaman nila, pero gaya ko, nalilito o nag-aalangan din sila kung paano ako kakausapin. Alam nga kasi nila na may sama ako ng loob sa kanila dahil feeling ko, hindi patas ang pagmamahal nila sa amin ni Kuya Eman. Dumaan na nga ang ilang segundo, pero wala ni isang nagsalita sa amin. Maging si Kuya Eman ay na tahimik na lang din. Para kaming magkaaway na pinagsama sa isang silid para magkasundo, pero ni isa ay walang lakas ng loob na magsalita. “Good evening po, Papa at Mama,” basag ni Justin sa katahimikan. Nakangisi pa ito at kumaway-kaway sa mg

