“Bodyguard?" Hindi sadya na napalakas ang boses ko. Sabay nila akong nilingon. Ni konti ay walang pagkakaiba ang expression ng mga mukha nila, parehong gulat at parehong guilty. Mapait akong ngumiti habang luha ko ay unti-unti nang pumapatak. Naalala ko kasi ang unang araw ng pagkikita namin ni Myra. Kaya pala, determinado siya na maging kaibigan ako. Kaya pala ang lakas ng loob niya na ipagtanggol ako, at kaya pala handa siyang makipag-away kahit pa sa mga demonyo dahil bayaran pala siya—binayaran nitong magaling kong kapatid na maging fake kong kaibigan. “Erica—" Akmang lalapit sa akin si Kuya Eman, pero agad akong umatras. Naiinis ako sa kanya. Hanggang ngayon, sinasaktan niya pa rin ako. Okay na sana ako. Dumating lang siya, naging malungkot na naman ako. “Erica, sorry. Let me ex

