Kabanata 59

1918 Words

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayong nalaman ko na magkakilala pala ang kuya ko at si Myra na itinuturing kong matalik na kaibigan pero walang sinasabi sa akin. Nakalilito lang kasi. Kailan pa? At saka paano sila nagkakilala? Nakapagduda pa ang tinginan nila—tinginan na parang may tinatago at tinginan na parang guilty. Hindi pa nga masagot ni Myra ang tanong ko hanggang ngayon. “Myra, may hindi ka ba sinasabi sa akin ha? Bakit hindi ka makasagot?" tanong ko na dapat ay silang dalawa ng kuya ang tinatanong ko. Pero kasi, hindi ko pa nga kayang kausapin ang kapatid ko na bakas din sa mukha ang pagiging guilty. “Erica, kasi…" "Erica…” Naputol ang pagsasalita ni Myra dahil sa pagtawag sa akin ni Justin na kaagad ko namang nilingon. Nawala siya sa isip ko sandali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD