“Pakialam mo?” irita ko ring sabi. Bwisit siya, lalambing-lambing tapos ngayon sungit na naman. Paasa nga siyang gago siya. " ‘Wag mo nga akong sungitan. Bumalik ka sa loob,” sikmat niya habang papalapit na sa akin. "Ang galing… ikaw may karapatang magsungit, tapos ako wala? At saka, bakit mo ba ako pinababalik sa loob?” inis ko pa ring tanong. "Magpalit ka!” sabi niya sabay hila sa crop top na suot ko. Lumingon-lingon pa siya at sinubukan takpan ang nakaluwa kong tiyan. "My nerd naman, gusto ko nga ang nakikitang pagbabago sa’yo, pero ‘wag naman pati damit mo,” seryoso nitong sabi at napapakamot pa sa ulo. Hindi nga kasi kaya ng mga palad niya na takpan ang tiyan ko. Napapailing at pahapyaw akong tumawa. "Hirap n’yo intindihin. Hindi ba’t kaya n’yo ako laging binubully noon dahil s

