Punyemas! Mura ni Dimitri.
Ano bang nakain ng babaing iyon?
Kundi lutong pansit lang naman ni Ka Goring.
Kanina, habang papunta siya ng bayan ay nadaaanan niya ang matanda.
Nagbilin itong daanan siyang muli dahil nagluto raw ito ng pansit para sa panauhin niya.
Kitang -kitang na nagustuhan iyon ni Rose, mukha ngang mahilig sa ganoong pagkain ang babae.
Hindi niya matagalan ang presensiya nito.
Wala itong ginawa kundi ang ngitian siya ng ngitian at tila nananadya pa.
Ang epekto nito bilang babae ay tunay na nakakaligalig.
Hindi nararapat na gawin nito ang mga ganoong bagay.
Dapat ay ikinokonsidera nitong isa pa rin siyang estranghero.
Ngunit sa malas ay sadyang mabilis magtiwala ang babae.
Ang ginawa nitong pagyakap kanina ay isa nang indikasyong
nakuha na niya ang loob at pagtitiwala nito.
Saksi siya kung paanong nagliwanag ang nahihintakutan nitong mukha; kung paanong nabuhayan ng loob mula sa
pagka-bagabag.
Paano na lamang kung katulad rin siya nila Baltik, pihadong may kinalagyan na ito.
Sinuri niya ang silid, wala sa ayos ang higaan.
Naiwan pa ang bakas ni Rose doon. Para tuloy gusto niyang managhili sa unan at kumot na nagkaroon ng pagkakataon na makaulayaw ang babae.
Nakaramdam siya ng pagpapawis ng noo at pag-init ng pakiramdam.
Anak ng putsa! Masama ito. Wika niyang muli sa sarili.
Sinaway niya ang mga nakakakiliting sensasyong tumatakbo sa isipan.
Ano na lamang ang magiging kaibahan niya kila Baltik kung ganoong
nang ganoon ang magiging reaksyon ng katawan niya kay Rose.
Rose...kay gandang pangalan.
Akmang-akma sa babae.
Maganda, mahalimuyak ang naturalesa nitong bango ngunit, naroon ang
'di matatawarang tinik na pumoprotekta dito.
Naihagod niya ang kamay sa buhok. Mukhang kakailanganin niya ang masidhing pagtitimpi para sa sarili.
Siya na ang kusang nagligpit ng higaan.
Pagkatapos ay muling lumabas ng silid bitbit ang sniper rifle niya.
Pumuwesto siya sa may sala at inabala ang sarili sa paglilinis ng baril.
Ngunit hindi niya maiwasang sulyapan ang nakatalikod na babae.
Abala na ito sa paghuhugas sa maliit niyang lababo.
Hindi niya maiwasang kumunot ang noo.
Nakapatatakang marunong sa gawaing bahay ang bisita.
Kung ibabase niya sa kung paano ito kumilos ngayon ay malayo sa kung paano ito makipag-usap.
Kanina nang atasan niya itong magligpit ay wala siyang narinig na reklamo mula rito.
Tingin pa nga niya ay gamay na gamay nito ang kumilos sa kusina, tipong sanay sa mga gawaing bahay.
Napansin niyang bumagay ang mura at simpleng kulay dilaw na bestida na umabot hanggang tuhod nito ang laylayan.
Lalong lumitaw ang maputing kompleksyon ni Rose.
Napailing siya.
Kailan pa siya nagkaroon ng interes na bigyan-pansin ang pisikal na kaanyuan ng isang babae.
Para sa kanya ang mga bebot ay parang gamit na pumupuno sa pangangailangan niyang sekswal.
Ang tooto ay wala siyang alam pagdating sa kasuotang pambabae.
Mabuti na lamang at nakita niya si Lita sa palengke.
Tinulungan siya nitong mamili ng mga damit na sa tingin niya ay babagay sa babae.
Mula sa mga paglalarawang inilahad niya kay Lita ay naging madali na para rito ang hulaan kung ano ang babagay na damit
kay Rose.
Sa mga pam+personal na gamit naman ay hindi na naging mahirap para sa kanya ang hulaan ang sukat nito.
Ipinilig niya ang ulo at muling inabala ang sarili sa mga baril.
"High-powered special purpose rifle. Ano ito mala Mark Wallberg sa movie na Shooter?" Rinig niyang tanong ni Rose.
Mas malapit ata sa patutsada ang sinabi nito dahil mahihimigan roon ang sarkasmo.
Hindi niya pinansin ang babae. Nagpatuloy ito sa pagsusuri.
Naramdaman niya ang pag-upo ni Rose sa isa sa mga
bangkong nasa harapan.
Sinusuri ng babae ang mga nakalatag na armas sa lamesa. Hinawakan nito ang dulo ng rifle na nililinis.
"Siguro naman ay maaari na akong magtanong."
"May kakulitan ka rin. Gusto ko na rin isiping baka nga isa kang reporter," supla ni Dimitri.
"Kung ang layon mo ay manaliksik, mas maiging manahimik ka na lang. Walang alam, mas ligtas. Alam mo Kung bakit?
Itinutumba sa bayang ito ang masyadong mausisa at maalam."
"Hmmm...looks like you're giving me an information. Bakit kung sakali ba ay papatayin mo ako?" Diin na banggit ni Rose.
"Wala ka sana sa harap ko ngayon kung iyon ang palano kung gawin. Alam mong madali lang para sa akin gawin ang bagay na iyan."
"I see, mabuti kang tao sa likod ng pagiging mamamatay-tao."
Saglit na tumigil sa ginagawa si Dimtri.
Tiningnan ng diretso sa mata si Rose.
Siya naman ang nailang sa paraan ng pagtitig ng lalaki.
Ramdam niya ang pag-obserba nitong ginagawa.
Ngnit hindi siya nagbaba ng tingin.
Magkasubukan na pero hindi niya titigilan si Dimitri.
Gusto niya itong kilalanin ng husto.
Gusto niyang matuklasan
kung ano ang nasa likod ng buong pagkatao ng itinuturing niyang tagapagligtas.
"Ako, mabuting tao? Naririnig mo ba iyang sinasabi mo?"
"Yes, you're an angel!"
Sukat bumunghalit ng tawa si Dimitri. Hindi na napigilan ang sarili.
Si Rose ay natulala, hindi makapaniwala sa naririnig.
Kauna-unahang pagkakataon na narinig niya ang matunog na halakhak ng lalaki.
Samantalang ngiti Lang Sana nito ang gusto niyang makita.
She was mesmerized. Oh heaven. Napakagandang pagmasdan ang awra nito.
Si Dmitri ay hindi makabawi.
Hindi makapaniwala sa sinabi ni Rose.
Ito na ata ang pinakanakakatawang biro
na narinig niya.
Nang mapansin na buong- pansin ng babae ay nakatutok sa kanya ay unti -unti siyang pomormmal.
Naisip niyang kay dali namang magtiwala ni Rose.
Hindi man lamang ba sumagi sa isip nito baka paimbabaw lang ang
pagtulong na ginawa niya?
Hindi mo ako lubos na kilala."
"Sapat na ang ginawa mong pagligtas sa akin para isipin kong mabuti kang tao."
Muli at pinigil niya ang matawa. Ipinako niya ang pansin sa mga armas.
"Ginawa ko iyon dahil sa bargain, nakalimutan mo na ba?" Paalala niya kay Rose.
Tumingin siya sa babae, nahuli niya ang
pamumula ng pisngi nito.
"Hindi ba pwedeng kausapin mo ako ng seryoso?"
"Seryoso naman ako. Mukha ba akong nagbibiro sayo?" Aniya, at tumigil saglit sa ginagawa at sinalubong ang titig ni Rose.
Nais niyang ipakita sa kaharap na wala nang seseryoso pa sa sinasabi niya.
"Nagpakabayani ka. Just because of our bargain agreement?"
"Bakit hindi, kung ang presyo naman ay kasingganda ng iniaalok mo?"
Nanigas ang likod ni Rose, bumangon ang inis sa kanya para kay Dimitri.
"Hindi ko inalok ang sarili ko na parang paninda. Ikaw lang ang nag-isip noon." Pagdidiin niya sa lalaki.
"Iyon lang ang maia-alok mo sa akin na hindi ko tatanggihan. Isa pa, lalaki ako, may pangangailangang sekswal. Wag mong sabihing umaatras ka na?"
Tuluyang napikon si Rose. Bakit hindi e napakakaswal nang pagkakasabi noon ni Dimitri.
Bakit ba kailangan nitong
makipag-usap sa ganoong paraan.
At bakit kailangan pa nitong ipaalala ang bagay na iyon? Iyon lang ba ang mahalaga sa lalaking ito, ang pagkakaron niya ng utang dito?
Hala! Baka naman maniningil na ang lalaki?
Oh my! Bakit siya na e-excite, handa na ba siyang ipagkaloob ang...
Bigla siyang napakunot ng noo.
Hindi siya maaring magkamali sa nakita.
Huling-huli niya si Dimitri na impit na natatawa.
Tumaas ang sulok ng mga labi niya. Mukhang nakukuha na niya ang ibig ipahiwatig ni Dimitri.
"Kung sinasabi mo iyan para makaramdam ako ng takot sa'yo. Well, sorry ka, hindi ako natatakot sayo.
Isa pa marunong akong tumupad sa usapan, Dimitri.
"I would be obliged if you would ask for that thing.
At kung inaakala mong magkukumahog akong umalis sa bayang
ito ay nagkakamali ka."
"Even my tragic experience can't be a barrier for wanting me to stay. And you know what my savior,
I think I'm gonna like it here. Happy now?"
Tuloy -tuloy na litanya ni Rose na hindi na halos maunawaan ni Dimitri.
Iniwan siyang nakatulala ng babae, pagkatapos ng
speech nito.
Putragis! Nawala sa isip niyang matalino pala si Rose.
Nahulaan agad nito ang kanyang ideya. Tama ba siya nang rinig?
Gusto pa rin nitong manatili sa lugar nila?
Dapat ay nanginginig na ito sa takot. Nag-aalala para sa sarili.
Sa mga inabot nitong karahasan sa bundok inaaasahan niyang na trauma ito.
Ngunit kung ibabase sa reaksyon nito ngayon ay tila siyang-siya pa.
Hindi kaya naalog ang utak nito?
Sinong tao ang gustong mabingit sa kamatayan?
Siya tuloy ang naipit sa sitwasyon kinasusuungan nito, akala pa man din niya ay kukulitin siya ng babae para tuluyang makatakas.
Kinabukasan ay maaga siyang nagising.
May mahalaga siyang lalakarin sa bayan, ngunit hindi siya basta-basta makaalis.
Natutulog pa si Rose.
Kailangan niya itong hintaying magising at baka maghisterya na naman ito.
"Good Morning!" Bati ni Rose, sa labi ay nakapagkit ang matamis na ngiti.
Gustong mapa-ungol ni Dimitri ng lingunin ang babae.
Bakit ba nagiging habit nito ang palagiang pagsuot ng kamiseta
niya.
Pinag-iinit nito ang katawan niya kaaga-aga.
"I'm sorry I woke up late. Nakakahiya naman ikaw pa nag-prepare ng breakfast," sambit ni Rose habang pinasadahan ang pagkain sa lamesa.
Sinangag na pinaresan ng itlog at daing na bangus with matching sibuyas, kamatis sa suka, bilang sawsawan.
Dahilan para makaramdam siya ng gutom.
"Sana hinintay mo akong magising, 'di sana'y ako na lang naghanda ng almusal."
Totoo sa loob ni Rose ang mga sinabi.
Kahit man lang sa simpleng paghahanda ng pagkain nito ay maibalik niya ang pabor sa mga ginawa nitong kabutihan.
Sigurado na siya sa sarili, kahit ano pa ang ipakitang kagaspangan ni Dimitri ay hindi maitatangging may puso ito.
Tumango lang si Dimitri at inabutan siya ng kape.
May kasiyahan sa puso na tinanggap niya iyon.
Nagpasalamat siya.
Sobrang nasasanay na talaga siya sa gestures na ito ng lalaki.
Dumulog silang pareho sa hapag at nagsimulang kumain.
Katulad ng nakasanayan na ni Rose ay awtomatikong siya ang nagligpit ng pinagkainan.
Nakita nyang kinuha ni Dimitri ang dalawang beretta nito at isinuksok sa magkabilang baywang.
Naalarma siya.
"Teka, aalis ka?" Puna niya sa lalaki.
"May aasikasuhin lang ako sa bayan. Hinintay lang talaga kitang magisi..."
Naudlot ang sanay sasabihin pa ni Dimitri nang nagmamadaling pumasok sa silid si Rose.
Paglabas ay may bitbit nang tuwalya at bihisan.
"Saglit diyan ka lang. Kung inaakala mong magpapaiwan ako dito, never! Sasama ako.Maliligo lang ako. Mabilis lang ito
promise."
Hindi na nito hinintay na makapagsalita pa ang lalaki at mabilis na tinungo ang banyo.
Napatanga naman si Dimitri sa kawalang masabi.
Sa labas na niya hinintay si Rose. Tulad nga ng sinabi nito ay mabilis lang ito. talagang ayaw maiwan.
Naglandas ang mga mata niya sa kabuuan nito.
Suot nito ang pantalong gamit noong araw na nakidnap ito.
Ang mga punit sa pantalon ay nagmukhang style na lamang.
Tenernuhan nito iyon ng itim na turtle neck long sleeve na hugger.
Ipinusod nito ang noo'y basa pang buhok.
Matic na napangiti si Rose nang mapagsino ang kasama niya sa labas na naghihintay dito.
"Bugoy?"
Nahihiyang bumati ang binatilyo.
Ang mata ay larawan ng paghanga sa kanya.
"Magandang araw po ateng ma-beauty. Salamat naman po at natatandaan niyo pa ang pangalan ko," magiliw na bati ng binatilyo.
"Oo naman, bakit ko naman makakalimutan ang pangalan ng batang siyang naging daan upang makatakas ako sa mga buwitre?"
Nilapitan n'ya ang binatilyo at hinagkan ito sa pisngi sabay, gulo ng buhok nito.
Natutuwa talaga siya kay Bugoy.
Namula si Bugoy, nahiya, pangitang hindi nito inasahan ang ginawa niya.
"Tama na ang bolahan. Sakay na at nagmamadali ako," si Dimitri na kinakitaan ng pag-kainip.
Umingos si Rose at pinandilatan ang lalaki.
"Ang sungit mo. Kung ako ang kasintahan mo, malamang pinupog na kita ng halik nang mabawasan ang kasungitan mo."
Napatda si Rose.
Mahabagin, ano bang pinagsasabi niya?
Nabigla lang siya por Diyos por Santo.
Ang makasalanan niyang
bibig ang salarin at hindi siya.
Lihim niyang pinagalitan ang sarili.
"Sakto, dahil binata pa si kuyang Dimitri." Sabad ni Bugoy na may pilyong ngiti.
"Hindi matutuwa ang nobyo mo sa mga pinagsasa..."
"Excuse me, wala akong nobyo," she said hastily.
Ilang beses na lumunok.
Bakit ba parang napakahalaga naman masyado para sa kanya na malaman ni Dimitri na dalaga pa siya?
Girl, wag na-asa. Masakit iyon, bulong ni Rose sa sarili, na parang guni-guni.
Nawalan naman ng kibo si Dmitri.
Inabot na lamang ang helmet sa kanya at minusyonan siyang sumakay.
Mabilis nitong pinasibad ang motorsiklo.
Kusa na siyang yumakap sa baywang ng binata.
Minsan pa ay gusto niyang mapasinghap nang makapa ang solidong masel nito sa tiyan.
Muli'y naalerto ang
kanyang mga pandama.
He smells good, damn it.
Her n*****s give her a warmest twerking feeling of sensation.
Manipis lang ang suot niyang pantaas, imposibleng hindi iyon maramdaman ni Dimitri.
Oh my, ipinapahiya siya ng sariling katawan.
Ano na lamang ang iisipin nito, na sa konting pagkakalapit ay tila siya apoy na nasigaan.
Damn friction of heat.
And damn him for making her feel wanting him.
Oh God. Has she got that thing for him? She gasped.
Kung naka-mamatay man ang simpleng pagtitig lang sa isang iglap, malamang ay kanina pa bumulagta si Lita.
Kanina ay ipinakilala siya rito ni Dimitri.
Ngunit sinulyapan lamang siya ng babae at hindi man lamang kinakitaan ng interes na makilala siya.
Itinuon nito ang buong pansin kay Dimitri.
At ang damuhong lalaki ay tila siyang-siya sa pakikipag-usap sa babae.
Naitanong niya tuloy sa sarili kung ito ba ang importanteng sadya ni Dimitri sa bayan.
Mabuti na lamang at sumunod si Bugoy, kahit papaano ay nagkaroon siya ng kasama sa paglilibot sa lugar.
Hindi na sya nagtaka na nakakapagmaneho ito ng motorsiklo sa batang edad.
Mukhang hindi uso sa bayang ito ang lisensya.
Tingin niya ay sinadya talagang pasunurin ni Dimitri ang binatilyo. Malamang ayaw nitong maka-istorbo siya sa mga ito.
Hindi nga ba at wala naman talagang balak ang binata na isama siya.
Siya lang naman itong mapilit.
Napaismid siya. Oo nga at maganda ang babae, higit sa lahat may katawang pang bold star.
Pero hindi ba dapat eh namimili ng gugustuhing babae si Dimitri?
Hindi iyong parang belyas sa mumurahing kabaret.
Ang kapal ng kolorete sa mukha.
Kung makalingkis, animo sawa.
At kung linta ito malamang ay matuyuan ng dugo ang biktima.
Kalahi pa ata ni Dracula ang bruhilda. Sarap bunutan ng pangil at ibilad ng patiwarik habang tirik ang araw.
Nakakainit ng ulo.
Sabagay sa uri ng buhay mayroon si Dimitri ay magiging mapili paba ito pagdating sa babae?
At siya, kailan pa siya naging mapanglait ng kapwa and worse sa kabaro pa?