NAGMAMADALI na bumaba si August Lane galing sa kwarto nito. Dumiretso agad ito sa kusina, nadaanan pa nito ang kapatid na lalaki na kumakain ng almusal sa hapag.
Kumuha ng malamig na gatas ang dalagita at inilagay ito sa baso para inumin.
"Gaaaad! Ang lamig— s**t ang anghang pa rin." Nilabas ni August ang dila at pinaypayan ito na wari ba'y nawawala roon ang anghal sa ginawa nito. Sinalinan niya ulit ang baso ng gatas at ininom ito.
Habang si Sage na kumakain ay hindi maiwasan nito panuorin ang kapatid habang umiinom ito ng gatas. Dumako rin ang mata nito sa leeg ni August at pinag masdan nito ang pag lunok ng dalaga.
Marahan din nito pinanuod ang bawat galaw na ginawa ni August habang tinatanggal nito ang anghal sa bibig.
Baba pa sana ang paningin ni Sage nang pumasok ang ina nila sa kusina na galing sa labas ng bahay nila dahil nag wawalis ito tuwing umaga.
Binalik ni Sage ang tingin sa pagkain at bumalik sa pagkain ng almusal nito.
"Ano nangyayari sayo, Lane?" nag aalala na tanong ng ina nila na si Grace.
Naiilang na ngumiti si August dito. "I ate ramen, Mi."
"Ramen? Ang aga-aga para diyan."
"She probably binged kdramas last night,” singit ni Sage sa usapan. Lumingon naman dito si August at sinamaan ito ng tingin.
"I did not!"
"Yeah, like I pretend I didn't hear you mumbling last night."
"Mom! Kuya's invading my privacy."
Tumawa si Grace sa nasasaksihan na pag aasaran ng dalawa nitong anak.
"Mom, why are you laughing?" may himig na tampo sa boses ni August nang tanungin nito ang ina.
Ngumiti si Grace kay August. "I just missed the two of you bickering to each other,” anito pagkatapos ay nilapitan si August para yakapin ito.
"We missed you here, bunso." Humalik pa ito sa noo ng dalaga. "Mi!" suway nito sa ina.
"Ayaw na mag pahalik ng bunso namin. May nameet ka bang lalaki sa States? Tell me, hmm?"
Nang mag high school ang dalaga ay sinama siya ng ama sa States para mag bakasyon. Ngunit nagustuhan niya roon nang igala siya ng ama.
Sinabi niya sa magulang niya na gusto niya roon mag aral. Nung una ay hindi pa pumayag ang mga ito, lalo na ang ina. Ayaw kasi nito mawalay sa anak ngunit sinabi ni August na pwede naman siya dalawin ng mga ito sa States.
Wala na rin nagawa ang mga ito at pumayag na sa kagustuhan niya. May mga kamag-anak din naman sila roon at doon siya tumuloy.
Nang malaman ng kuya niya na aalis siya gusto na rin nito sumama sa kaniya ngunit nasa high school na non ang kapatid niya kaya hindi pumayag ang mga magulang nila na lumipat pa ito at saka kailangan nang makakasama ang ina nila sa Pinas.
Ang ama rin kasi nila ay madalas lumabas ng bansa para sa mga business meeting nito at madalas na ang ama niya rin nakakasama dahil lagi rin ito pinupuntahan siya para icheck siya sa tuwing may business meeting ito.
"Mami naman, wala po."
"Asus, nag tatago na bunso namin. Dalaga na talaga. Alam ba ni Dadi? Dapat ipakilala mo rin sa kuya mo."
Tumingin naman si August sa kapatid na si Sage na tahimik lang na kumakain. Hindi ito nakatingin sa kanila.
"Mi, wala po akong boyfriend,” Nahihiya nang sagot ni August sa ina. Binalik na rin niya ang karton ng gatas sa loob ng ref.
"Have you eaten your breakfast na po, Mi? Lutuan po kita."
"Tapos na, anak."
"Lunch na lang po?"
"Next time but for now, let's eat outside— Sage, you'll come with us." Baling pa ni Grace sa anak na lalaki.
"May pupuntahan ako, Mi."
"I-cancel mo muna date niyo ni Hannah at kaming dalawa muna ni Lane ang i-date mo."
Binalingan ni Sage si August na nakatingin na sa kaniya. Inaantay siya nito sumagot.
"Opo, Mi."
NO’NG isang araw lang kasi dumating si August from States at naiwan ang ama niya roon dahil may inaasikaso pa ito.
Napag-desisyunan niya na sa Pinas na mag kolehiyo. Na-mimiss na niya kasi ang ina niya at alam niya rin na miss na miss na rin siya nito.
Humawak si August sa braso ng ina habang nag lalakad sila sa Mall. Ang kapatid niya na si Sage ay nauuna sa kanila.
Napansin ng dalaga na marami ang nag bago sa lugar nila. Medyo naninibago rin siya dahil ilang taon din siya nasa States. Ibang-iba ang lugar nila sa nilakihan niya.
Naunang pumasok ang kapatid niya na si Sage sa isang restaurant na sinundan nilang mag ina.
Umupo sila sa pang apatan na upuan. Katulad nang nasanayan no’ng mga bata pa sila, tumabi siya sa kapatid. Kung andito lang ang ama nila, kumpleto sana sila ngayon.
Habang nag hihintay ng pagkain na inorder nila. Nag simula na mangamusta ang ina niya sa kaniya. Sinasagot niya naman ito at nag kukwento habang si Sage ay tahimik lang nakikinig sa kanila, minsan sumasabat ito kapag gusto mang-asar.
"Madalas ikwento ng Lola Mimay mo na lumalabas ka tuwing gabi kasama mga kaibigan mo. Hindi na kita pinag sabihan nang nandodoon ka pa pero ngayon anak, hindi na pwede gano’n."
"Nagkakatuwaan lang naman po kami, Mi and I always tell Mimay whenever I go outside with my friends po."
"Mabuti naman. Kapag gusto mo lumabas, you could always ask your kuya."
"Mami, kaya ‘ko na po sarili ‘ko."
"I know anak pero it's different here. Lagi rin naman 'yan lumalabas si Sage. Sumabay ka na lang din."
Bumaling ang tingin niya rito. Nakataas ang kilay nitong nakatingin sa kaniya.
"Kung inaakala mo na hahayaan kita lumabas mag-isa. No."
"What?!"
Ang seryosong mukha ni Sage ay napalitan ng nakakalokong ngiti. "I won't allow you." Sabi pa nito na mas lalong kinainis niya.
Sasabat pa sana siya nang dumating na ang mga pagkain na inorder nila. Inapakan na lang niya ito sa ilalim ng lamesa sa inis sa kapatid.
Mukhang mahihirapan pa si August na lumabas sa tuwing gusto niya gumala o sumama sa mga magiging kaibigan nito kapag may gimik.