Simula
TANGING isang bombilya lang ang nag bibigay ng liwanag sa maliit na silid na kinaroroonan ng dalagita na si August Lane.
Nakayuko ito habang kinukutkot nito ang daliri sa dalawa nitong kamay na may posas. Sa buong paligid din ng silid ay napapalibutan ito ng mga salamin at sa likod ng mga ito ay ang ilang police at detective na naka assigned sa kaso.
Pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng itim na pantalon at puting tee shirt na pinatungan ng itim na maong na jacket. Sa gilid ng pantalon nito ay may isang baril ang nakalagay at isang kulay ginto na badge. May hawak itong laptop at papeles.
Inilapag nito ang mga bitbit sa maliit na pahabang lamesa, bago ito umupo sa harapan ni August Lane. Ini-scan ng lalaking detective ang hawak na papel pagkatapos ay walang emosyon itong bumaling kay August na nakatungo pa rin sa harapan nito.
Pinatitigan ito ng detective. Ipinatong nito ang isang kamay sa lamesa at mapaglaro itong parang nag pi-piano. Sa sobrang tahimik ng paligid ay ang tunog lang ng lamesa at daliri nito ang maririnig.
Nakakunot na inangat ni August ang ulo sa lalaki na nasa harapan nito ngayon. Seryoso itong nakatitig sa kaniya habang patuloy lang ito sa ginagawa sa kamay nito.
“Ano ba! Masakit sa tenga!"
Mariin na tinitigan siya ng lalaki. Kahit sinabi ni August na masakit sa tenga ang ginagawa nito ay hindi ito tumigil.
“No’ng sinabi ba ng nanay mo na tumigil ka na, tumigil ka ba?" mahinahon na saad nito, malayo sa seryoso nitong titig.
“Ano?!"
“Exactly, you didn't stop. Kahit sinabi nila nasasaktan na sila, patuloy mo pa rin tinaga ang magulang mo."
Sinubukan ni August Lane kumawala sa posas. Masama rin ang titig nito sa lalaki.
“Pinag patuloy mo ang pag taga sa kanila, kasi gusto mo. Katulad ng ginagawa ko, naririndi ka pero hindi ako tumitigil dahil gusto ko."
Kahit nasasaktan sa posas ang dalaga ay nag patuloy ito sa pag alis ng posas sa kaniya pero sa huli hindi nito naalis.
“Wala kang alam!"
Ngumiti ang detective na lalaki rito.
“Ms. August Lane, did you killed your parents?"