Ano nga ba ang tinatago ng pamilya Thompson? Kilala sa larangan ng media ang pamilya nila. Ngunit, kung gaano kakilala ang apilyedo ng mga ito. Gano'n din naman masekreto ang kanilang buong angkan.
—
Naalala niya no'ng bata pa lang sila. Maraming naiinggit sa kung anong mayro'n silang mag pi-pinsan. Kung minsan madalas nauuwi pa ito sa pag bu-bully sa kaniya. Hindi kasi kaya ng mga ito maatim makita kung gaano nila kamahal at ka-close ang bawat isa.Bata pa lang siya ay alam na niyang ibang-iba ang relasyon mayro'n sila kaysa sa ibang mag pi-pinsan. Hindi niya iyon kinuwestiyon hanggang sumapit siya sa edad na diseotso. Do'n niya lang talaga nalaman na ibang-iba pala talaga sila.
Sa mata ng tao ay mag kapatid sila ngunit mag kapatid nga lang ba talaga ang tingin nila sa isa’t isa?
—
Hindi inaasahan makita ni August Lane ang magulang naliligo sa sarili nitong mga dugo. Gulat na gulat siya. Namalayan na lang niya ang sarili pilit kinakausap ng mga pulis at paulit-ulit siyang tinatanong kung pinatay niya ba ang magulang niya.
Book 1